< Psalmorum 31 >
1 Psalmus David, in finem, pro ecstasi. In te Domine speravi non confundar in aeternum: in iustitia tua libera me.
Sa iyo, Yahweh, kumukubli ako; huwag mo akong hayaan na mapahiya. Iligtas mo ako sa iyong katuwiran.
2 Inclina ad me aurem tuam, accelera ut eruas me. Esto mihi in Deum protectorem: et in domum refugii, ut salvum me facias.
Makinig ka sa akin; sagipin mo ako agad; ikaw ang aking maging bato ng kanlungan, isang matibay na tanggulan para iligtas ako.
3 Quoniam fortitudo mea, et refugium meum es tu: et propter nomen tuum deduces me, et enutries me.
Dahil ikaw ang aking bato at aking tanggulan; alang-alang sa iyong pangalan, gabayan at patnubayan mo ako.
4 Educes me de laqueo hoc, quem absconderunt mihi: quoniam tu es protector meus.
Kunin mo ako sa lambat na kanilang ikinubli para sa akin, dahil ikaw ang aking kanlungan.
5 In manus tuas commendo spiritum meum: redemisti me Domine Deus veritatis.
Ipinagkakatiwala ko sa iyong mga kamay ang aking espiritu; tutubusin mo ako, Yahweh, Diyos ng katapatan.
6 Odisti observantes vanitates, supervacue. Ego autem in Domino speravi:
Kinamumuhian ko ang mga naglilingkod sa mga walang kwentang diyos-diyosan, pero nagtitiwala ako kay Yahweh.
7 exultabo, et laetabor in misericordia tua. Quoniam respexisti humilitatem meam, salvasti de necessitatibus animam meam.
Matutuwa ako at magagalak sa iyong katapatan sa tipan, dahil nakita mo ang aking kapighatian; alam mo ang pagkabalisa ng aking kaluluwa.
8 Nec conclusisti me in manibus inimici: statuisti in loco spatioso pedes meos.
Hindi mo ako isinuko sa aking mga kaaway. Inilagay mo ang aking mga paa sa isang malawak na lugar.
9 Miserere mei Domine quoniam tribulor: conturbatus est in ira oculus meus, anima mea, et venter meus:
Maawa ka sa akin, Yahweh, dahil ako ay nasa kahirapan; ang aking mga mata ay napapagod sa kalungkutan kasama ang aking kaluluwa at aking katawan.
10 Quoniam defecit in dolore vita mea: et anni mei in gemitibus. Infirmata est in paupertate virtus mea: et ossa mea conturbata sunt.
Dahil ang aking buhay ay pagod sa kalungkutan at ang mga taon ko na puro daing. Ang aking lakas ay nabibigo dahil sa aking kasalanan, at ang aking mga buto ay unti-unting nanghihina.
11 Super omnes inimicos meos factus sum opprobrium vicinis meis valde: et timor notis meis. Qui videbant me, foras fugerunt a me:
Dahil sa lahat ng aking mga kaaway, hinahamak ako ng mga tao; ang aking mga kapitbahay ay nangingilabot dahil sa aking kalagayan, at mga taong nakakakilala sa akin ay nangangamba. Ang mga nakakakita sa akin sa kalye ay tumatakbo palayo sa akin.
12 oblivioni datus sum, tamquam mortuus a corde. Factus sum tamquam vas perditum:
Nilimot ako na parang patay na walang sinuman ang nakakaalala. Ako ay tulad ng isang basag na palayok.
13 quoniam audivi vituperationem multorum commorantium in circuitu: In eo dum convenirent simul adversum me, accipere animam meam consiliati sunt.
Dahil aking narinig ang bulong-bulungan ng nakararami, nakakasindak na balita mula sa lahat ng dako habang ang mga iba ay parang nagpaplano na magkakasama laban sa akin. (Sila) ay nagpaplanong kunin ang aking buhay.
14 Ego autem in te speravi Domine: dixi: Deus meus es tu:
Pero umaasa ako sa iyo, Yahweh; sinasabi ko, “Ikaw ang aking Diyos.”
15 in manibus tuis sortes meae. Eripe me de manu inimicorum meorum, et a persequentibus me.
Ang aking kapalaran ay nasa iyong mga kamay. Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway at mula sa mga humahabol sa akin.
16 Illustra faciem tuam super servum tuum, salvum me fac in misericordia tua:
Paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong lingkod; iligtas mo ako sa iyong katapatan sa tipan.
17 Domine non confundar, quoniam invocavi te. Erubescant impii, et deducantur in infernum: (Sheol )
Huwag mong hayaan na mapahiya ako, Yahweh; dahil nananawagan ako sa iyo! Nawa ang masama ay mapahiya! Nawa (sila) ay mapatahimik sa Sheol. (Sheol )
18 muta fiant labia dolosa. Quae loquuntur adversus iustum iniquitatem, in superbia, et in abusione.
Nawa mapatahimik ang mga sinungaling na labi na nagsasalita ng suwail laban sa matuwid ng may pagmamataas at paghamak.
19 Quam magna multitudo dulcedinis tuae Domine, quam abscondisti timentibus te. Perfecisti eis, qui sperant in te, in conspectu filiorum hominum.
Napakadakila ng iyong kabutihang hinanda mo para sa mga sumasamba sa iyo, na tinupad mo para sa mga nagkukubli sa iyo sa harap ng buong sangkatauhan!
20 Abscondes eos in abscondito faciei tuae a conturbatione hominum. Proteges eos in tabernaculo tuo a contradictione linguarum.
Sa kanlungan ng iyong presensya, ikinukubli mo (sila) mula sa mga balakin ng mga tao. Ikinukubli mo (sila) sa isang kanlungan mula sa marahas na mga dila.
21 Benedictus Dominus: quoniam mirificavit misericordiam suam mihi in civitate munita.
Purihin si Yahweh, dahil ipinakita niya sa akin ang kaniyang kagila-gilalas na katapatan sa tipan noong ako ay nasa isang nilusob na lungsod.
22 Ego autem dixi in excessu mentis meae: Proiectus sum a facie oculorum tuorum. Ideo exaudisti vocem orationis meae, dum clamarem ad te.
Kahit na nabanggit ko sa aking pagmamadali, “Ako ay napalayo mula sa iyong mga mata,” gayumpaman dininig mo ang aking pagmamakaawa, nang ako ay dumaing sa iyo.
23 Diligite Dominum omnes sancti eius: quoniam veritatem requiret Dominus, et retribuet abundanter facientibus superbiam.
O, ibigin si Yahweh, kayong lahat na mga matatapat na tagasunod. Iniingatan ni Yahweh ang tapat, pero pinagbabayad niya ng buo ang mapagmataas.
24 Viriliter agite, et confortetur cor vestrum, omnes qui speratis in Domino.
Maging matatag at panatag, lahat kayo na nagtitiwala kay Yahweh para sa tulong.