< Malachi Propheta 4 >
1 Ecce enim dies veniet succensa quasi caminus: et erunt omnes superbi, et omnes facientes impietatem stipula: et inflammabit eos dies veniens, dicit Dominus exercituum, quae non derelinquet eis radicem, et germen.
Sapagkat tingnan ninyo, ang araw ay dumarating, na nagliliyab na parang isang pugon, kapag ang lahat ng mayabang at lahat ng gumagawa ng masama ay magiging parang dayami. Susunugin sila sa araw na paparating,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “upang walang maiwan kahit ugat at maging sanga man.
2 Et orietur vobis timentibus nomen meum Sol iustitiae, et sanitas in pennis eius: et egrediemini, et salietis sicut vituli de armento.
Ngunit sa inyong may takot sa aking pangalan, sisikat ang araw nang katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito. Lalabas kayo na lumulukso katulad ng guya mula sa kulungan.
3 Et calcabitis impios, cum fuerint cinis sub planta pedum vestrorum in die, qua ego facio, dicit Dominus exercituum.
Tatapakan ninyo ang masasama, sapagkat sila ay magiging mga abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa araw na gawin ko,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
4 Mementote legis Moysi servi mei, quam mandavi ei in Horeb ad omnem Israel praecepta, et iudicia.
“Alalahanin ninyong sundin ang utos ng aking lingkod na si Moises, ang mga kasunduan at alituntunin na iniutos ko sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel.
5 Ecce ego mittam vobis Eliam prophetam, antequam veniat dies Domini magnus, et horribilis.
Tingnan ninyo, isusugo ko sa inyo si Elias, na propeta bago dumating ang dakila at katakut-takot na araw ni Yahweh.
6 Et convertet cor patrum ad filios, et cor filiorum ad patres eorum: ne forte veniam, et percutiam terram anathemate.
At ipapanumbalik niya ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama; upang hindi ako darating at lusubin ang lupain nang may ganap na pagkawasak.”