< Leviticus 4 >

1 Locutusque est Dominus ad Moysen, dicens:
Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
2 Loquere filiis Israel: Anima cum peccaverit per ignorantiam, et de universis mandatis Domini, quae praecepit ut non fierent, quippiam fecerit:
“Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod.
3 si sacerdos, qui unctus est, peccaverit, delinquere faciens populum, offeret pro peccato suo vitulum immaculatum Domino:
Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
4 et adducet illum ad ostium tabernaculi testimonii coram Domino, ponetque manum super caput eius, et immolabit eum Domino.
Dapat niyang dalhin ang toro sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harapan ni Yahweh, ipatong ang kaniyang kamay sa ulo nito, at patayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
5 Hauriet quoque de sanguine vituli, inferens illum in tabernaculum testimonii.
Kukuha ang hinirang na pari ng kaunting dugo ng toro at dadalhin ito sa tolda ng pagpupulong.
6 Cumque intinxerit digitum in sanguinem, asperget eum septies coram Domino contra velum Sanctuarii.
Isasawsaw ng pari ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ang kaunti nito ng pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
7 ponetque de eodem sanguine super cornua altaris thymiamatis gratissimi Domino, quod est in tabernaculo testimonii. omnem autem reliquum sanguinem fundet in basim altaris holocausti in introitu tabernaculi.
At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
8 Et adipem vituli offeret pro peccato, tam eum qui vitalia operit quam omnia quae intrinsecus sunt:
Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
9 duos renunculos et reticulum quod est super eos iuxta ilia, et adipem iecoris cum renunculis,
ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa puson, at ang umbok ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya itong lahat.
10 sicut offertur de vitulo hostiae pacificorum: et adolebit ea super altare holocausti.
Aalisin niya ang lahat ng ito, gaya ng kaniyang pag-alis nito mula sa torong alay ng handog para sa kapayapaan. Pagkatapos susunugin ng pari ang mga bahaging ito sa altar para sa mga handog na susunugin.
11 Pellem vero et omnes carnes cum capite et pedibus et intestinis et fimo,
Ang balat ng toro at anumang natirang laman, kasama ang ulo at ang mga binti at ang mga panloob na bahagi at ang dumi nito,
12 et reliquo corpore efferet extra castra in locum mundum, ubi cineres effundi solent: incendetque ea super lignorum struem, quae in loco effusorum cinerum cremabuntur.
ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
13 Quod si omnis turba Israel ignoraverit, et per imperitiam fecerit quod contra mandatum Domini est,
Kung nagkasala ang buong kapulungan ng Israel nang hindi sinasadya, at hindi alam ng kapulungan na nagkasala sila at nakagawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala sila,
14 et postea intellexerit peccatum suum, offeret pro peccato suo vitulum, adducetque eum ad ostium tabernaculi.
pagkatapos, kapag naging hayag ang kasalanang ginawa nila, sa gayon dapat maghandog ang kapulungan ng isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at dalhin ito sa harap ng tolda ng pagpupulong.
15 Et ponent seniores populi manus super caput eius coram Domino. Immolatoque vitulo in conspectu Domini,
Ipapatong ng mga nakatatanda ng kapulungan ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro sa harap ni Yahweh, at papatayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
16 inferet sacerdos, qui unctus est, de sanguine eius in tabernaculum testimonii,
Dadalhin ng hinirang na pari ang kaunting dugo ng toro sa tolda ng pagpupulong,
17 tincto digito aspergens septies contra velum.
at isasawsaw ng pari ang kaniyang daliri sa dugo at iwiwisik ito nang pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina.
18 ponetque de eodem sanguine in cornibus altaris, quod est coram Domino in tabernaculo testimonii: reliquum autem sanguinem fundet iuxta basim altaris holocaustorum, quod est in ostio tabernaculi testimonii.
Maglalagay siya ng kaunting dugo sa mga sungay ng altar na nasa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
19 Omnemque eius adipem tollet, et adolebit super altare:
Aalisin niya ang lahat ng taba mula rito at susunugin ito sa altar.
20 sic faciens et de hoc vitulo quo modo fecit et prius: et rogante pro eis sacerdote, propitius erit eis Dominus.
Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
21 Ipsum autem vitulum efferet extra castra, atque comburet sicut et priorem vitulum: quia est pro peccato multitudinis.
Bubuhatin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin ito gaya ng pagsunog niya sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan para sa kapulungan.
22 Si peccaverit princeps, et fecerit unum e pluribus per ignorantiam, quod Domini lege prohibetur:
Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
23 et postea intellexerit peccatum suum, offeret hostiam Domino, hircum de capris immaculatum.
pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.
24 Ponetque manum suam super caput eius: cumque immolaverit eum loco ubi solet mactari holocaustum coram Domino, quia pro peccato est,
Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at papatayin ito sa lugar kung saan nila pinapatay ang mga handog na susunugin sa harapan ni Yahweh. Isa itong handog para sa kasalanan.
25 tinget sacerdos digitum in sanguine hostiae pro peccato, tangens cornua altaris holocausti, et reliquum fundens ad basim eius.
Kukunin ng pari ang dugo ng handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang dugo nito sa paanan ng altar ng handog na susunugin.
26 Adipem vero adolebit supra, sicut in victimis pacificorum fieri solet: rogabitque pro eo sacerdos, et pro peccato eius, et dimittetur ei.
Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar, gaya ng taba ng alay ng mga handog para sa kapayapaan. Gagawa ang pari para sa ikapagpapatawad ng namumuno patungkol sa kaniyang kasalanan, at papatawarin ang namumuno.
27 Quod si peccaverit anima per ignorantiam, de populo terrae, ut faciat quidquam de his, quae Domini lege prohibentur, atque delinquat,
Kung nagkasala ang sinuman sa mga karaniwang tao nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
28 et cognoverit peccatum suum, offeret capram immaculatam.
pagkatapos kung alam niya ang kasalanang nagawa niya, sa gayon magdadala siya ng isang kambing para sa kaniyang alay, isang babaeng walang kapintasan, para sa kasalanang ginawa niya.
29 Ponetque manus super caput hostiae quae pro peccato est, et immolabit eam in loco holocausti.
Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ang handog para sa kasalanan sa lugar ng susunuging handog.
30 Tolletque sacerdos de sanguine in digito suo: et tangens cornua altaris holocausti, reliquum fundet ad basim eius.
Kukuha ang pari ng kaunting dugo gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin. Ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo sa paanan ng altar.
31 Omnem autem adipem auferens, sicut auferri solet de victimis pacificorum, adolebit super altare in odorem suavitatis Domino: rogabitque pro eo, et dimittetur ei.
Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
32 Sin autem de pecoribus obtulerit victimam pro peccato, ovem scilicet immaculatam;
Kung magdadala ang isang tao ng isang kordero bilang alay niya para sa isang handog sa kasalanan, dadalhin niya ang isang babaeng walang kapintasan.
33 ponet manum super caput eius, et immolabit eam in loco ubi solent caedi holocaustorum hostiae.
Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ito para sa isang handog sa kasalanan sa lugar kung saan nila pinapatay ang handog na susunugin.
34 Sumetque sacerdos de sanguine eius digito suo, et tangens cornua altaris holocausti, reliquum fundet ad basim eius.
Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.
35 Omnem quoque adipem auferens, sicut auferri solet adeps arietis, qui immolatur pro pacificis: cremabit super altare in incensum Domini: rogabitque pro eo, et pro peccato eius, et dimittetur ei.
Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng ang taba ng kordero ay inalis mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan, at susunugin ito ng pari sa altar sa ibabaw ng mga handog ni Yahweh na gawa sa apoy. Gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya para sa kasalanang ginawa niya, at papatawarin ang tao.

< Leviticus 4 >