< Iudicum 8 >
1 Dixeruntque ad eum viri Ephraim: Quid est hoc quod facere voluisti, ut nos non vocares, cum ad pugnam pergeres contra Madian? iurgantes fortiter, et prope vim inferentes.
Sinabi ng mga kalalakihan ng Efraim kay Gideon, “Ano ba itong ginawa mo sa amin? Hindi mo kami tinawag nang nakipaglaban ka sa mga Midian.” At marahas na nakipagtalo sila sa kaniya.
2 Quibus ille respondit: Quod enim tale facere potui, quale vos fecistis? nonne melior est racemus Ephraim, vindemiis Abiezer?
Sinabi niya sa kanila, “Ano ba ang aking ginawa ngayon na maihahambing na ikukumpara sa inyo? Hindi ba na ang tinipong mga ubas ng Efraim ay mas mabuti sa inaning ubas ni Abiezer?
3 In manus vestras Dominus tradidit principes Madian, Oreb, et Zeb: quid tale facere potui, quale vos fecistis? Quod cum locutus esset, requievit spiritus eorum, quo tumebant contra eum.
Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya.
4 Cumque venisset Gedeon ad Iordanem, transivit eum cum trecentis viris, qui secum erant: et prae lassitudine, fugientes persequi non poterant.
Dumating si Gideon sa Jordan at tumawid dito, siya at ang tatlong daang kalalakihang kasama niya. Sila ay pagod na pagod, pero nagpatuloy pa rin sila sa pagtugis.
5 Dixitque ad viros Soccoth: Date, obsecro, panes populo, qui mecum est, quia valde defecerunt: ut possimus persequi Zebee, et Salmana reges Madian.
Sinabi niya sa mga kalalakihan ng Sucot, “Pakiusap bigyan mo ng tinapay ang mga taong sumusunod sa akin, dahil sila ay pagod na pagod at tinutugis ko sina Zeba at Zalmunna, ang mga hari ng Midinanita.”
6 Responderunt principes Soccoth: Forsitan palmae manuum Zebee et Salmana in manu tua sunt, et idcirco postulas ut demus exercitui tuo panes.
At sinabi ng mga pinuno ng Suco, “Ang mga kamay ba nina Zeba at Zalmuna ay nasa inyong mga kamay ngayon? Hindi ko alam kung magbibigay kami ng tinapay sa iyong mga hukbo”
7 Quibus ille ait: Cum ergo tradiderit Dominus Zebee et Salmana in manus meas, conteram carnes vestras cum spinis, tribulisque deserti.
Sinabi ni Gideon, “Kapag ibinigay ni Yahweh sa amin ang tagumpay laban kay Zeba at Zalmunna, pupunitin ko ang inyong laman gamit ang tinik sa disyerto at dawag.”
8 Et inde conscendens, venit in Phanuel: locutusque est ad viros loci illius similia. Cui et illi responderunt, sicut responderant viri Soccoth.
Umakyat siya mula roon patungong Penuel at nagsalita sa mga tao roon sa parehong paraan, pero sumagot ang mga kalalakihan ng Penuel gaya ng pagsagot ng mga kalalakihan ng Sucot sa kaniya.
9 Dixit itaque et eis: Cum reversus fuero victor in pace, destruam turrim hanc.
Nagsalita rin siya sa mga tao ng Penuel at sinabi, “Kapag dumating ako na may kapayapaan, pababagsakin ko ang toreng ito.”
10 Zebee autem et Salmana requiescebant cum omni exercitu suo. Quindecim enim millia viri remanserant ex omnibus turmis Orientalium populorum, caesis centum viginti millibus bellatorum educentium gladium.
Ngayon sina Zeba at Zalmuna ay nasa Karkor, kasama nila ang kanilang mga hukbo, mga labinlimang libong kalalakihan, lahat ng mga nanatili mula sa buong hukbo ng mga tao ng silangan. Dahil doon 120, 000 ang bumagsak na kalalakihan na sinanay para lumaban gamit ang espada.
11 Ascendensque Gedeon per viam eorum, qui in tabernaculis morabantur, ad Orientalem partem Nobe, et Iegbaa, percussit castra hostium, qui securi erant, et nihil adversi suspicabantur.
Umakyat si Gideon sa kampo ng kaaway at tinahak ang Daan ng Nomad, lagpas Noba at Jogbeha. Tinalo niya ang hukbo ng kaaway, dahil hindi nila inaasahan ang paglusob.
12 Fugeruntque Zebee et Salmana, quos persequens Gedeon comprehendit, turbato omni exercitu eorum.
Tumakas sina Zeba at Zalmuna, habang hinahabol sila ni Gideon, nahuli niya ang dalawang hari ng Midian—sina Zeba at Zalmuna—at nagkagulo ang buong hukbo nila.
13 Revertensque de bello ante solis ortum,
Bumalik mula sa labanan si Gideon, anak na lalaki ni Joas papunta sa pasong Heres.
14 apprehendit puerum de viris Soccoth: interrogavitque eum nomina principum et seniorum Soccoth, et descripsit septuaginta septem viros.
Nakasalubong niya ang isang binata sa bayan ng Sucot at humingi ng payo mula sa kaniya. Inilarawan sa kaniya ng binata ang mga pinuno ng Sucot at mga nakatatanda, pitumpu't pitong kalalakihan.
15 Venitque ad Soccoth, et dixit eis: En Zebee, et Salmana super quibus exprobrastis mihi, dicentes: Forsitan manus Zebee et Salmana in manibus tuis sunt, et idcirco postulas ut demus viris qui lassi sunt, et defecerunt panes.
Dumating si Gideon sa mga kalalakihan ng Sucot at sinabing, “Tingnan sina Zeba at Zalmuna, sa kanilang ninyo ako kinutya at sa pagsasabing, 'Nalupig na ba ninyo sina Zeba at Zalmunna? Hindi namin alam na dapat kaming magbigay ng tinapay sa inyong hukbo.'”
16 Tulit ergo seniores civitatis et spinas deserti ac tribulos, et contrivit cum eis, atque comminuit viros Soccoth.
Kinuha ni Gideon ang mga nakatatanda ng lungsod at pinarusahan ang mga kalalakihan ng Sucot sa pamamagitan ng disyertong mga tinik at mga dawag.
17 Turrim quoque Phanuel subvertit, occisis habitatoribus civitatis.
At pinabagsak niya ang tore ng Penuel at pinatay ang mga kalalakihan ng lungsod na iyon.
18 Dixitque ad Zebee et Salmana: Quales fuerunt viri, quos occidistis in Thabor? Qui responderunt: Similes tui, et unus ex eis quasi filius regis.
Pagkatapos sinabi ni Gideon kina Zeba at Zalmuna, “Anong uri ng mga lalaki ang inyong pinatay sa Tabor?” Sumagot sila, “Gaya mo, gayon din sila. Bawat isa sa kanila ay tulad ng anak na lalaki ng isang hari.”
19 Quibus ille respondit: Fratres mei fuerunt, filii matris meae. vivit Dominus, quia si servassetis eos, non vos occiderem.
Sinabi ni Gideon, “Sila ay aking mga kapatid na lalaki, ang mga anak na lalaki ng aking ina. Habang nabubuhay si Yahweh, kung iniligtas ninyo sila ng buhay, hindi ko kayo papatayin.”
20 Dixitque Iether primogenito suo: Surge, et interfice eos. Qui non eduxit gladium: timebat enim, quia adhuc puer erat.
Sinabi niya kay Jeter (kaniyang panganay na anak), “Bumangon ka at patayin sila!” Pero ang binata ay hindi bumunot ng kaniyang espada dahil takot siya, dahil siya ay bata pa lamang.
21 Dixeruntque Zebee et Salmana: Tu surge, et irrue in nos: quia iuxta aetatem robur est hominis. Surrexit Gedeon, et interfecit Zebee et Salmana: et tulit ornamenta ac bullas, quibus colla regalium camelorum decorari solent.
Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmunna, “Bumangon ka at patayin kami! Dahil gaya ng kung ano ang isang lalaki, ganoon din ang kaniyang lakas.” Bumangon si Gideon at pinatay sina Zeba at Zalmuna. Kinuha din niya ang gasuklay na hugis na mga palamuti, na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo.
22 Dixeruntque omnes viri Israel ad Gedeon: Dominare nostri tu, et filius tuus, et filius filii tui: quia liberasti nos de manu Madian.
Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Israel kay Gideon, “Pamunuan mo kami—ikaw, at iyong mga anak na lalaki at iyong lalaking apo—dahil iniligtas mo kami mula sa kapangyarihan ng Midian.”
23 Quibus ille ait: Non dominabor vestri, nec dominabitur in vos filius meus, sed dominabitur vobis Dominus.
Sinabi ni Gideon sa kanila, “Hindi ako ang mamumuno sa inyo, ni ang aking anak na lalaki, si Yahweh ang mamumuno sa inyo.”
24 Dixitque ad eos: Unam petitionem postulo a vobis: Date mihi inaures ex praeda vestra. Inaures enim aureas Ismaelitae habere consueverant.
Sinabi ni Gideon sa kanila, “Hayaan mo akong gumawa ng isang kahilingan sa inyo: ang bawat isa sa inyo ay magbibigay sa akin ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob.” (Ang mga Midianita ay may mga gintong hikaw dahil sila ay mga Ishmaelita).
25 Qui responderunt: Libentissime dabimus. Expandentesque super terram pallium, proiecerunt in eo inaures de praeda:
Sumagot sila, “Kami ay nagagalak na ibigay ang mga iyon sa iyo.” Naglatag sila ng isang balabal at bawat tao ay nagtapon doon ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob.
26 et fuit pondus postulatarum inaurium, mille septingenti auri sicli, absque ornamentis, et monilibus, et veste purpurea, quibus reges Madian uti soliti erant, et praeter torques aureas camelorum.
Ang bigat ng mga gintong hikaw na kaniyang hiningi ay 1, 700 siklo ng ginto. Itong nakuha nila sa panloloob ay dagdag sa gasuklay na hugis na mga palamuti, ang mga palawit, ang kulay ube na kasuotan na sinusuot ng mga hari ng Midian at karagdagan sa mga kadena na nakapalibot sa leeg ng kanilang mga kamelyo.
27 Fecitque ex eo Gedeon Ephod, et posuit illud in civitate sua Ephra. Fornicatusque est omnis Israel in eo, et factum est Gedeoni et omni domui eius in ruinam.
Gumawa si Gideon ng efod mula sa mga hikaw at inilagay ito sa kaniyang lungsod, sa Ofra at ipinagbili ng buong Israel ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba nito roon. Ito'y naging bitag kay Gideon at para sa mga nasa kaniyang bahay.
28 Humiliatus est autem Madian coram filiis Israel, nec potuerunt ultra cervices elevare: sed quievit terra per quadraginta annos, quibus Gedeon praefuit.
Kaya ang mga Midian ay malupig sa harap ng mga taong Israel at hindi na nila muling itinaas ang kanilang mga ulo. At ang lupain ay nagkaroon ng kapayapaan sa loob ng apatnapung taon sa panahon ni Gideon.
29 Abiit itaque Ierobaal filius Ioas, et habitavit in domo sua:
Si Jerub Baal, na anak na lalaki ni Joas ay umuwi at nanirahan sa kaniyang sariling bahay.
30 habuitque septuaginta filios, qui egressi sunt de femore eius: eo quod plures haberet uxores.
Naging ama si Gideon ng pitumpung anak na lalaki, dahil nagkaroon siya ng maraming asawa.
31 Concubina autem illius, quam habebat in Sichem, genuit ei filium nomine Abimelech.
Ang kaniyang iba pang asawa, na nasa Shekem, ay nagsilang din sa kanya ng anak na lalaki at binigyan niya ng pangalang Abimelec.
32 Mortuusque est Gedeon filius Ioas in senectute bona, et sepultus est in sepulchro Ioas patris sui in Ephra de familia Ezri.
Si Gideon, na anak na lalaki ni Joas, ay namatay sa mabuting katandaan at inilibing sa Ofra sa kuweba ng ama ni Joas, ng angkan ni Abiezer.
33 Postquam autem mortuus est Gedeon, aversi sunt filii Israel, et fornicati sunt cum Baalim. Percusseruntque cum Baal foedus, ut esset eis in deum:
At nangyari na pagkamatay na pagkamatay ni Gideon ang mga tao ng Israel ay tumalikod muli at ipinagbili ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga Baal. Ginawa nilang diyos si Baal Berith.
34 nec recordati sunt Domini Dei sui, qui eruit eos de manibus inimicorum suorum omnium per circuitum:
Hindi naalala ng mga tao ng Israel na parangalan si Yahweh na kanilang Diyos na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng lahat ng kanilang mga kaaway sa bawat dako.
35 nec fecerunt misericordiam cum domo Ierobaal Gedeon iuxta omnia bona, quae fecerat Israeli.
Hindi nila tinupad ang kanilang pangako sa bahay ni Jerub Baal (ang ibang pangalan ni Gideon), kapalit ng lahat ng kabutihan na ginawa niya sa Israel.