< Iudicum 17 >

1 Fuitque eo tempore vir quidam de monte Ephraim nomine Michas,
May isang lalaki sa burol sa bansang Efraim, na ang pangalan ay Mica.
2 qui dixit matri suae: Mille et centum argenteos, quos separaveras tibi, et super quibus me audiente iuraveras, ecce ego habeo, et apud me sunt. Cui illa respondit: Benedictus filius meus a Domino.
Sinabi niya sa kaniyang ina “Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito.” Sinabi ng kaniyang ina, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!”
3 Consecravi enim et vovi hoc argentum Domino, ut de manu mea suscipiat filius meus, et faciat sculptile atque conflatile: et nunc trado illud tibi.
Binalik niya ang 1, 100 pirasong pilak sa kaniyang ina at sinabi ng kaniyang ina, “Ibinukod ko ang pilak na ito kay Yahweh, para sa aking anak na lalaki para gumawa ng isang inukit na anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Kaya ngayon, ibinabalik ko ito sa iyo.”
4 Reddidit igitur eos matri suae: quae tulit ducentos argenteos, et dedit eos argentario, ut faceret ex eis sculptile atque conflatile, quod fuit in domo Michae.
Nang ibinalik niya ang pera sa kaniyang ina, kumuha ng dalawang daang pirasong pilak ang kaniyang ina at ibinigay sa isang manggagawa ng metal na nag-uukit ng anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Nakalagay ito sa bahay ni Mica.
5 Qui aediculam quoque in ea Deo separavit, et fecit ephod, et theraphim, id est, vestem sacerdotalem, et idola: implevitque unius filiorum suorum manum, et factus est ei sacerdos.
Mayroong mga diyus-diyosan ang lalaking si Mica sa kaniyang bahay at gumawa siya ng isang epod at sambahayan ng diyus-diyosan, at inihandog niya ang isa sa kaniyang mga anak na lalaki para maging kaniyang pari.
6 In diebus illis non erat rex in Israel, sed unusquisque quod sibi rectum videbatur, hoc faciebat.
Nang panahong iyon walang hari sa Israel, at ginagawa ng bawat isa kung ano ang sa paningin nila ay tama.
7 Fuit quoque alter adolescens de Bethlehem Iuda, ex cognatione eius: eratque ipse Levites, et habitabat ibi.
Ngayon may isang binata sa Bethlehem ng Juda, sa pamilya ng Juda, na isang Levita. Nanatili siya roon para tapusin ang kaniyang mga tungkulin.
8 Egressusque de civitate Bethlehem, peregrinari voluit ubicumque sibi commodum reperisset. Cumque venisset in montem Ephraim, iter faciens, et declinasset parumper in domum Michae,
Iniwan ng binata ang Bethlehem sa Juda para pumunta at maghanap ng lugar para matirahan. Sa kaniyang paglalakbay, nagtungo siya sa bahay ni Mica sa burol na bansang Efraim.
9 interrogatus est ab eo unde venisset. Qui respondit: Levita sum de Bethlehem Iuda, et vado ut habitem ubi potuero, et utile mihi esse perspexero.
Sinabi ni Mica sa kaniya, “Saan ka nanggaling?” Sinabi ng binata sa kaniya, “Ako ay isang Levita ng Bethlehem sa Juda, at naglalakbay ako para makahanap ng lugar na maaari kong matirahan.”
10 Dixitque Michas: Mane apud me, et esto mihi parens ac sacerdos: daboque tibi per annos singulos decem argenteos, ac vestem duplicem, et quae ad victum sunt necessaria.
Sinabi sa kaniya ni Mica, “Mamuhay kasama ko at maging isang tagapayo at pari para sa akin. Bibigyan kita ng sampung mga pirasong pilak sa bawat taon, isang magarang mga kasuotan, at iyong pagkain.” Kaya nagtungo ang Levita sa kaniyang tahanan.
11 Acquievit, et mansit apud hominem, fuitque illi quasi unus de filiis.
Nakuntento ang Levita na manirahan sa kaniya, at naging isa sa mga anak na lalaki ni Mica ang binata.
12 implevitque Michas manum eius, et habuit puerum sacerdotem apud se,
Inilaan ni Mica ang Levita para sa banal na mga tungkulin, at naging pari niya ang binata, at nanirahan siya sa bahay ni Mica.
13 Nunc scio, dicens, quod benefaciet mihi Deus habenti Levitici generis sacerdotem.
Pagkatapos sinabi ni Mica, “Ngayon alam kong may gagawing maganda para sa akin si Yahweh, dahil naging mga pari ko ang Levitang ito.”

< Iudicum 17 >