< Jeremiæ 6 >
1 Confortamini filii Beniamin in medio Ierusalem, et in Thecua clangite buccina, et super Bethacarem levate vexillum: quia malum visum est ab Aquilone, et contritio magna.
Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem. Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat sa Beth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitaw mula sa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.
2 Speciosae et delicatae assimilavi filiam Sion.
Ang anak na babae ng Zion, mawawasak ang babaeng maganda at mahinhin.
3 Ad eam venient pastores, et greges eorum: fixerunt in ea tentoria in circuitu: pascet unusquisque eos, qui sub manu sua sunt.
Pupunta sa kanila ang mga pastol at ang kanilang mga kawan. Magtatayo sila ng mga tolda sa palibot niya, magpapastol ang bawat isa sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
4 Sanctificate super eam bellum: consurgite, et ascendamus in meridie: vae nobis, quia declinavit dies, quia longiores factae sunt umbrae vesperi.
Sasabihin ng mga hari, “Ilaan ninyo ang inyong mga sarili sa mga diyus-diyosan para sa labanan. Tumayo kayo, lulusob tayo sa tanghali. Napakasama nito na naglalaho ang liwanag ng araw at dumarating ang mga anino ng gabi.
5 Surgite, et ascendamus in nocte, et dissipemus domus eius.
Ngunit lulusob tayo sa gabi at sirain ang kaniyang mga kuta.”
6 Quia haec dicit Dominus exercituum: Caedite lignum eius, et fundite circa Ierusalem aggerem: haec est civitas visitationis, omnis calumnia in medio eius.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Putulin ang kaniyang mga puno at gumawa ng mga paglusob laban sa Jerusalem. Ito ang lungsod na dapat lusubin dahil puno ito ng pang-aapi.
7 Sicut frigidam facit cisterna aquam suam, sic frigidam fecit malitiam suam: iniquitas et vastitas audietur in ea, coram me semper infirmitas et plaga.
Gaya ng balon na patuloy na nagbibigay ng tubig, patuloy din na gumagawa ng kasamaan ang lungsod na ito. Narinig sa kaniya ang karahasan at kaguluhan. Patuloy sa aking harapan ang pagdurusa at salot.
8 Erudire Ierusalem, ne forte recedat anima mea a te, ne forte ponam te desertam terram inhabitabilem.
Jerusalem, tanggapin mo ang pagtutuwid, kung hindi tatalikuran kita at wawasakin, isang lupain na walang maninirahan.”'
9 Haec dicit Dominus exercituum: Usque ad racemum colligent quasi in vinea reliquias Israel: converte manum tuam quasi vindemiator ad cartallum.
Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, “Tiyak na pupulutin nila ang mga naiwan sa Israel tulad ng isang ubasan. Muli ninyong iabot ang inyong mga kamay upang pitasin ang mga ubas mula sa mga puno nito.
10 Cui loquar? et quem contestabor ut audiat? ecce incircumcisae aures eorum, et audire non possunt: ecce verbum Domini factum est eis in opprobrium: et non suscipient illud.
Kanino ako magsasabi at magbibigay ng babala upang makinig sila? Tingnan ninyo! May takip ang kanilang mga tainga. Hindi nila kayang bigyan ng pansin! Tingnan ninyo! Dumating sa kanila ang salita ni Yahweh upang itama sila ngunit hindi nila ito nais.”
11 Idcirco furore Domini plenus sum, laboravi sustinens: effunde super parvulum foris, et super consilium iuvenum simul: vir enim cum muliere capietur, senex cum pleno dierum.
Ngunit napuno ako ng matinding poot ni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niya sa akin, “Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansangan at sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukunin ang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at ang bawat matanda na nabibigatan ng mga taon.
12 Et transibunt domus eorum ad alteros, agri et uxores pariter: quia extendam manum meam super habitantes terram, dicit Dominus.
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilang mga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sa pamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan sa lupain. Ito ang pahayag ni Yahweh.
13 A minore quippe usque ad maiorem omnes avaritiae student: et a propheta usque ad sacerdotem cuncti faciunt dolum.
Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya.
14 Et curabant contritionem filiae populi mei cum ignominia, dicentes: Pax, pax: et non erat pax.
Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.
15 Confusi sunt, quia abominationem fecerunt: quin potius confusione non sunt confusi, et erubescere nescierunt. quam ob rem cadent inter ruentes: in tempore visitationis suae corruent, dicit Dominus.
Nahiya ba sila nang gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talaga sila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsak sa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila,” sabi ni Yahweh.
16 Haec dicit Dominus: State super vias, et videte, et interrogate de semitis antiquis, quae sit via bona, et ambulate in ea: et invenietis refrigerium animabus vestris. Et dixerunt: Non ambulabimus.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
17 Et constitui super vos speculatores. Audite vocem tubae. Et dixerunt: Non audiemus.
Nagtalaga ako para sa inyo ng mga bantay upang pakinggan ang trumpeta. Ngunit sinabi nila, 'Hindi kami makikinig.'
18 Ideo audite Gentes, et cognosce congregatio, quanta ego faciam eis.
Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayong mga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila.
19 Audi terra: Ecce ego adducam mala super populum istum, fructum cogitationum eius: quia verba mea non audierunt, et legem meam proiecerunt.
Dinggin mo, daigdig! Tingnan mo, maghahatid ako ng sakuna sa mga tao na ito, ang bunga ng kanilang mga pag-iisip. Hindi nila binigyan ng pansin ang aking salita o kautusan, sa halip itinakwil nila ito.”
20 Ut quid mihi thus de Saba affertis, et calamum suave olentem de terra longinqua? holocaustomata vestra non sunt accepta, et victimae vestrae non placuerunt mihi.
“Ano ang kahulugan para sa akin ng pag-angat ng kamanyang mula sa Sheba? O ng mga mabangong samyo na ito mula sa malayong lupain? Hindi katanggap-tanggap sa akin ang inyong mga handog na susunugin ni ang inyong mga alay.
21 Propterea haec dicit Dominus: Ecce ego dabo in populum istum ruinas, et ruent in eis patres et filii simul, vicinus, et proximus peribunt.
Kaya sinabi ito ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, maglalagay ako ng katitisuran laban sa mga taong ito. Matitisod sila dito, ang mga ama kasama ang mga anak na lalaki. Ang mga naninirahan sa lugar na iyon at ang kanilang kapwa ay mamamatay rin.
22 Haec dicit Dominus: Ecce populus venit de terra Aquilonis, et gens magna consurget a finibus terrae.
Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga. Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansa mula sa malayong lupain.
23 Sagittam et scutum arripiet: crudelis est, et non miserebitur. vox eius quasi mare sonabit: et super equos ascendent, praeparati quasi vir ad praelium, adversum te filia Sion.
Kukuha sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng dagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma, anak na babae ng Zion.'”
24 Audivimus famam eius, dissolutae sunt manus nostrae: tribulatio apprehendit nos, dolores ut parturientem.
Narinig natin ang balita tungkol sa kanila. Nabali ang ating mga kamay dahil sa kaguluhan. Napupuno tayo ng pagdadalamhati gaya ng isang babaeng magsisilang ng sanggol.
25 Nolite exire ad agros, et in via ne ambuletis: quoniam gladius inimici pavor in circuitu.
Huwag kayong pupunta sa mga bukirin at huwag kayong maglakad sa mga lansangan sapagkat ang espada ng kaaway at ang matinding takot ay nasa paligid.
26 Filia populi mei accingere cilicio, et conspergere cinere: luctum unigeniti fac tibi, planctum amarum, quia repente veniet vastator super vos.
Anak na babae ng aking mga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumulong sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isang anak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing para sa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atin ang taga-wasak.
27 Probatorem dedi te in populo meo robustum: et scies, et probabis viam eorum.
“Ginawa kita, Jeremias, na susubok sa aking bayan tulad ng isang tao na sumusubok sa metal, kaya sisiyasatin mo at susubukin ang kanilang mga kaparaanan.
28 Omnes isti principes declinantes, ambulantes fraudulenter, aes et ferrum: universi corrupti sunt.
Silang lahat ang pinakamatitigas ang ulo na patuloy na sinisiraan ang iba. Silang lahat ay mga tanso at bakal na nandaraya.
29 Defecit sufflatorium, in igne consumptum est plumbum, frustra conflavit conflator: malitiae enim eorum non sunt consumptae.
Ang pang-ihip ay pinainit sa pamamagitan ng apoy na sumusunog sa kanila. Natunaw sa apoy ang tingga. Patuloy ang pagdalisay sa kanila, ngunit wala itong saysay dahil hindi natanggal ang kasamaan.
30 Argentum reprobum vocate eos, quia Dominus proiecit illos.
Tatawagin silang mga itinakwil na pilak sapagkat itinakwil sila ni Yahweh.”