< Isaiæ 7 >
1 Et factum est in diebus Achaz filii Ioathan, filii Oziae regis Iuda, ascendit Rasin rex Syriae, et Phacee filius Romeliae rex Israel, in Ierusalem, ad praeliandum contra eam: et non potuerunt debellare eam.
Sa panahon ni Ahaz na anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang hari ng Juda, si Rezin ang hari ng Aram, at si Peka anak ni Remalias, ang hari ng Israel, ay umakyat sa Jerusalem para makipagdigma, pero hindi sila nagtagumpay.
2 Et nunciaverunt domui David, dicentes: Requievit Syria super Ephraim, et commotum est cor eius, et cor populi eius, sicut moventur ligna silvarum a facie venti.
Naibalita sa bahay ni David na nakipagkasundo ang Aram sa Efraim. Kumabog ang dibdib niya pati ng kaniyang bayan, gaya ng mga puno sa gubat na hinahampas ng hangin.
3 Et dixit Dominus ad Isaiam: Egredere in occursum Achaz tu, et qui derelictus est Iasub filius tuus, ad extremum aquaeductus piscinae superioris in via Agri fullonis.
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Isaias, “Lumabas ka kasama ng iyong anak na si Sear-Yasub para makipagkita kay Ahaz sa dulo ng daluyan ng paliguan sa taas, sa daan kung saan naroon ang lugar na pinaglalabhan ng mga kababaihan.
4 Et dices ad eum: Vide ut sileas: noli timere, et cor tuum ne formidet a duabus caudis titionum fumigantium istorum in ira furoris Rasin regis Syriae, et filii Romeliae:
Sabihin mo sa kaniya, 'Mag-ingat ka, at mapanatag, huwag kang matakot at masindak sa dalawang nagbabagang piraso ng mga kahoy na ito at sa nag-aapoy na galit ni Rezin ng Aram, at ni Peka na anak ni Remalias.
5 eo quod consilium inierit contra te Syria in malum Ephraim, et filius Romeliae, dicentes:
Ang Aram, Efraim at ang anak ni Remalias ay nagplano ng masama laban sa iyo. Sinabi nila,
6 Ascendamus ad Iudam, et suscitemus eum, et avellamus eum ad nos, et ponamus regem in medio eius filium Tabeel.
“Lusubin natin ang Juda at takutin siya, lusubin natin siya at magluklok tayo ng hari doon, ang anak ni Tabeel.”
7 Haec dicit Dominus Deus: Non stabit, et non erit istud:
Sinasabi ng Panginoong si Yahweh, “Hindi ito magaganap, hindi ito mangyayari,
8 sed caput Syriae Damascus, et caput Damasci Rasin: et adhuc sexaginta et quinque anni, et desinet Ephraim esse populus:
dahil ang kabisera ng Aram ay Damascus, at ang pinuno ng Damascus ay si Rezin. Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na muling magiging bayan.
9 et caput Ephraim Samaria, et caput Samariae filius Romeliae. Si non credideritis, non permanebitis.
Ang kabisera ng Efraim ay Samaria, at ang pinuno ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung hindi kayo magpapakatatag, tiyak na hindi kayo mananatiling ligtas.”
10 Et adiecit Dominus loqui ad Achaz, dicens:
Nagsalita muli si Yahweh kay Ahaz,
11 Pete tibi signum a Domino Deo tuo in profundum inferni, sive in excelsum supra. (Sheol )
“Humingi ka ng tanda ni Yahweh, ang iyong Diyos; hingin mo ito sa kailaliman o sa kataas-taasan.” (Sheol )
12 Et dixit Achaz: Non petam, et non tentabo Dominum.
Pero sinabi ni Ahaz, “Hindi ako hihingi, ni hindi susubukin si Yahweh.”
13 Et dixit: Audite ergo domus David: Numquid parum vobis est, molestos esse hominibus, quia molesti estis et Deo meo?
Kaya tumugon si Isaias, “Makinig ka, sambahayan ni David. Hindi pa ba sapat para inyo na subukin ang pagtitimpi ng mga tao? Kailangan mo bang subukin din ang pagtitimpi ng aking Diyos?
14 Propter hoc dabit Dominus ipse vobis signum. Ecce virgo concipiet, et pariet filium, et vocabitur nomen eius Emmanuel.
Dahil diyan, ang Panginoon mismo ang magbibigay sa iyo ng tanda: masdan mo, nagbubuntis ang isang babae, magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Immanuel.
15 Butyrum et mel comedet, ut sciat reprobare malum, et eligere bonum.
Kakain siya ng namuong gatas at pulot kapag natutunan na niyang tumanggi sa kasamaan at piliin ang kabutihan.
16 Quia antequam sciat puer reprobare malum, et eligere bonum, derelinquetur terra, quam tu detestaris a facie duorum regum suorum.
Dahil bago matutunan ng bata na tumanggi sa kasamaan at piliin ang kabutihan, wawasakin muna ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo.
17 Adducet Dominus super te, et super populum tuum, et super domum patris tui dies, qui non venerunt a diebus separationis Ephraim a Iuda cum rege Assyriorum.
Si Yahweh ay magbibigay sa inyo, sa bayan ninyo at sambahayan ng iyong ama ng mga mga araw na walang katulad simula nang humiwalay ang Efraim sa Juda—ipasasakop niya kayo sa hari ng Asiria.”
18 Et erit in die illa: Sibilabit Dominus muscae, quae est in extremo fluminum Aegypti, et api, quae est in terra Assur,
Sa panahong iyon, sisipol si Yahweh para sa isang langaw mula sa malalayong batis sa Ehipto, at isang bubuyog mula sa lupain ng Asiria.
19 et venient, et requiescent omnes in torrentibus vallium, et in cavernis petrarum, et in omnibus frutetis, et in universis foraminibus.
Pupunta silang lahat at mananatili sa lahat ng mga bangin, sa bitak ng mga malalaking bato, at lahat ng matitinik na halaman, at sa lahat ng mga pastulan.
20 In die illa radet Dominus in novacula conducta in his, qui trans flumen sunt, in rege Assyriorum, caput et pilos pedum, et barbam universam.
Sa panahong iyon, mag-aahit ang Panginoon gamit ang labaha na inupahan niya mula sa kabilang ibayo ng Ilog ng Eufrates—sa hari ng Asiria—aahitin niya ang inyong buhok, buhok sa inyong hita; at aahitin niya rin ang inyong balbas.
21 Et erit in die illa: Nutriet homo vaccam boum, et duas oves,
Sa araw na iyon, pananatilihing buhay ng isang lalaki ang isang batang baka at dalawang tupa,
22 et prae ubertate lactis comedet butyrum: butyrum enim et mel manducabit omnis qui relictus fuerit in medio terrae.
at dahil sa kasaganahan ng gatas na kanilang binibigay, kakain siya ng namuong gatas, dahil lahat ng naiwan sa lupain ay kakain ng namuong gatas at pulot.
23 Et erit in die illa: Omnis locus ubi fuerint mille vites, mille argenteis, in spinas et in vepres erunt.
Sa panahong iyon, sa lugar kung saan ang isang libong puno ng ubas ay nagkakahalaga sana ng isang libong salaping pilak, magiging dawagan at puro tinik lang ito.
24 Cum sagittis et arcu ingredientur illuc: vepres enim et spinae erunt in universa terra.
Pupunta roon ang mga kalalakihan para mangaso gamit ang palaso, dahil ang buong lupain ay puro dawag at tinik.
25 Et omnes montes, qui in sarculo sarrientur, non veniet illuc terror spinarum et veprium. et erit in pascua bovis, et in conculcationem pecoris.
Lalayo sila mula sa lahat ng mga burol na kanilang binungkal gamit ang asarol, dahil sa takot sa mga dawag at tinik; pero magiging lugar ito kung saan manginginain ang mga baka at tupa.