< Isaiæ 46 >

1 Confractus est Bel, contritus est Nabo: facta sunt simulachra eorum bestiis et iumentis, onera vestra gravi pondere usque ad lassitudinem.
Si Bel ay nagpatirapa, si Nebo ay yumuyukod; nabigatan ang mga hayop na nagdadala ng kanilang diyus-diyosan. Ang mga diyus-diyosan na kanilang dala ay mabigat na pasanin sa mga pagod na mga hayop.
2 Contabuerunt, et contrita sunt simul: non potuerunt salvare portantem, et anima eorum in captivitatem ibit.
Magkakasama silang yumuyukod at lumuluhod; hindi nila mailigtas ang imahe, at sila mismo ay mapupunta sa pagkabihag.
3 Audite me domus Iacob, et omne residuum domus Israel, qui portamini a meo utero, qui gestamini a mea vulva.
Makinig kayo sa akin, sambahayan ni Jacob, at lahat kayo, ang mga nalabi sa sambahayan ni Jacob, kayong inalagaan ko mula sa inyong pagsilang, na maalagaan mula sa sinapupunan:
4 Usque ad senectam ego ipse, et usque ad canos ego portabo: ego feci, et ego feram: ego portabo, et salvabo.
Hanggang sa katandaan ay Ako ay siya nga, at hanggang sa magkauban ay dadalhin kita. Ginawa kita, at tutulungan kita, akin kitang dadalhin sa kaligtasan.
5 Cui assimilastis me, et adaequastis, et comparastis me, et fecistis similem?
Kanino ninyo ako itutulad? at kanino ninyo ako ipaparis, para kami ay ihambing?
6 Qui confertis aurum de sacculo, et argentum statera ponderatis: conducentes aurificem, ut faciat deum: et procidunt, et adorant.
Sila ay nagbuhos ng ginto mula sa supot at nagtitimbang ng pilak sa timbangan. Sila ay umuupa ng isang panday, at ginagawa niya ito ng isang diyos; sila ay nagpapatirapa at sinasamba ito.
7 Portant illum in humeris gestantes, et ponentes in loco suo: stabit, ac de loco suo non movebitur. sed et cum clamaverint ad eum, non audiet: de tribulatione non salvabit eos.
Pinapasan nila ito sa balikat at dinadala nila ito; inilalagay ito sa kaniyang lugar, at ito ay nakatayo sa kaniyang lugar at hindi gumagalaw mula dito. Tumatawag sila dito, gayun man hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman sa kanilang kaguluhan.
8 Mementote istud, et confundamini: redite praevaricatores ad cor.
Tandaan ninyo ang mga bagay na ito; huwag ninyo itong balewalain, kayong mga suwail!
9 Recordamini prioris saeculi, quoniam ego sum Deus, et non est ultra Deus, nec est similis mei:
Isipin ninyo ang mga unang pangyayari, mga nakaraang panahon, dahil ako ang Diyos, wala ng iba, Ako ay Diyos, at walang ibang katulad ko.
10 Annuncians ab exordio novissimum, et ab initio quae necdum facta sunt, dicens: Consilium meum stabit, et omnis voluntas mea fiet:
Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
11 Vocans ab Oriente iustum, et de terra longinqua virum voluntatis meae. et locutus sum, et adducam illud: creavi, et faciam illud.
Tumatawag ako ng ibong mangdadagit mula sa silangan, ng taong aking pinili mula sa malayong lupain; Oo, ako ay nagsalita; tutuparin ko rin ito; ako ang nagplano; ako rin ang gagawa nito.
12 Audite me duro corde, qui longe estis a iustitia.
Makinig kayo sa akin, kayong mga taong matitigas ang ulo; na malayo sa paggawa ng matuwid.
13 Prope feci iustitiam meam, non elongabitur, et salus mea non morabitur. Dabo in Sion salutem, et in Israel gloriam meam.
Aking inilalapit ang aking kabanalan; ito ay hindi malayo at ang pagliligtas ko ay hindi maghihintay; at Ibibigay ko ang kaligtasan sa Sion at ang aking kagandahan sa Israel.

< Isaiæ 46 >