< Isaiæ 21 >

1 Onus deserti maris. Sicut turbines ab Aphrico veniunt, de deserto venit, de terra horribili.
Isang kapahayagan tungkol sa disyerto sa may dagat. Gaya ng mga hanging bagyo na umiihip sa Negev umiihip ito mula sa ilang, mula sa nakakatakot na lupain.
2 Visio dura nunciata est mihi: qui incredulus est, infideliter agit: et qui depopulator est, vastat. Ascende Aelam, obside Mede: omnem gemitum eius cessare feci.
Isang nakakabagabag na pangitain ang ipinakita sa akin: nagtataksil ang taksil, at nagwawasak ang taga-wasak. Umakyat kayo at lumusob, Elam; lupigin ninyo, Media; ihihinto ko ang lahat ng kaniyang paghihinagpis.
3 Propterea repleti sunt lumbi mei dolore, angustia possedit me sicut angustia parturientis: corrui cum audirem, conturbatus sum cum viderem.
Kaya napupuno ng kirot ang aking laman; kirot na gaya ng kirot ng babaeng nanganganak ang nanaig sa akin; napaluhod ako sa aking narinig; nabagabag ako sa aking nakita.
4 Emarcuit cor meum, tenebrae stupefecerunt me: Babylon dilecta mea posita est mihi in miraculum.
Kumakabog ang aking puso; nanaig sa akin ang panginginig; ang gabi na aking ninanais ay naging panginginig para sa akin.
5 Pone mensam, contemplare in specula comedentes et bibentes: surgite principes, arripite clypeum.
Hinahanda nila ang hapag kainan, nilalatag nila ang sapin at kumakain at umiinom; bumangon kayo, mga prinsipe, at pahiran ninyo ng langis ang inyong mga kalasag.
6 Haec enim dixit mihi Dominus: Vade, et pone speculatorem: et quodcumque viderit, annunciet.
Dahil ito ang sinabi ng Panginoon sa akin, “Maglagay ka ng bantay sa tore; dapat iulat niya ang kaniyang nakikita.
7 Et vidit currum duorum equitum, ascensorem asini, et ascensorem cameli: et contemplatus est diligenter multo intuitu.
Kapag nakakita siya ng karwahe, ng pares ng mangangabayo, ng mga nakasakay sa asno, ng mga nakasakay sa kamelyo, dapat siyang magbigay pansin at maging alerto.”
8 Et clamavit leo: Super speculam Domini ego sum, stans iugiter per diem: et super custodiam meam ego sum, stans totis noctibus.
Sumisigaw ang bantay ng tore, “Panginoon, nagbabantay ako sa tore buong araw, bawat araw, at nakatayo ako sa aking himpilan buong gabi.”
9 Ecce iste venit ascensor vir bigae equitum, et respondit, et dixit: Cecidit, cecidit Babylon, et omnia sculptilia deorum eius contrita sunt in terram.
Paparating na ang mangangarwahe nang may kasamang hukbo, mga pares ng mangangabayo. Sumisigaw siya, “Bumagsak na, bumagsak na ang Babilonia, at nawasak ang lahat ng rebulto ng mga diyus-diyosan na sira sa lupa.”
10 Tritura mea, et filia areae meae, quae audivi a Domino exercituum Deo Israel, annunciavi vobis.
Ang aking mga giniik at mga tinahip, mga anak ko sa aking giikan! Ipinahayag ko sa inyo ang aking narinig mula kay Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel.
11 Onus Duma ad me clamat ex Seir: Custos quid de nocte? custos quid de nocte?
Isang kapahayagan tungkol sa Duma. Ang tumatawag sa akin mula sa Seir, “Bantay, ano na lang ang natira sa gabi? Bantay, ano na lang ang natira sa gabi?”
12 Dixit custos: Venit mane et nox: si quaeritis, quaerite: convertimini, venite.
Sinabi ng bantay ng tore, “Paparating na ang umaga, at gayun din ang gabi: kung magtatanong ka, magtanong ka, at bumalik ka na lang muli.”
13 Onus in Arabia. In saltu ad vesperam dormietis, in semitis Dedanim.
Isang kapahayagan tungkol sa Arabia. Pinapalipas ninyo ang gabi sa disyerto ng Arabia, kayong mga karawan ng taga-Dedan.
14 Occurrentes sitienti ferte aquam, qui habitatis terram Austri, cum panibus occurrite fugienti.
Magdala ng tubig para sa mga nauuhaw; mga naninirahan sa lupain ng Tema, salubungin nang may dalang tinapay ang mga takas.
15 A facie enim gladiorum fugerunt, a facie gladii imminentis, a facie arcus extenti, a facie gravis praelii:
Dahil tumakas sila mula sa espada, mula sa inilabas na espada, mula sa nakaumang na pana, at mula sa bigat ng digmaan.
16 quoniam haec dicit Dominus ad me: Adhuc in uno anno, quasi in anno mercenarii, et auferetur omnis gloria Cedar.
Dahil ito ang sinabi ng Diyos sa akin, “Sa loob ng isang taon, gaya ng makikita ng isang manggagawa, lahat ng kaluwalhatian ng Kedar ay magwawakas.
17 Et reliquiae numeri sagittariorum fortium de filiis Cedar imminuentur: Dominus enim Deus Israel locutus est.
Ilan lang sa mga mamamana, sa mga mandirigma ng Kedar ang matitira, dahil nagsalita na si Yahweh, ang Diyos ng Israel.”

< Isaiæ 21 >