< Aggæi Prophetæ 2 >

1 In septimo mense, vigesima et prima mensis, factum est verbum Domini in manu Aggaei prophetae, dicens:
Sa ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai, ang propeta at sinabi,
2 Loquere ad Zorobabel filium Salathiel, ducem Iuda, et ad Iesum filium Iosedec sacerdotem magnum, et ad reliquos populi, dicens:
“Magsalita ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel na anak ni Sealtiel at sa punong pari na si Josue na anak ni Josadac at sa mga natitirang tao. Sabihin mo,
3 Quis in vobis est derelictus, qui vidit domum istam in gloria sua prima? et quid vos videtis hanc nunc? numquid non ita est, quasi non sit in oculis vestris?
'Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa dating kaluwalhatian ng tahanang ito? At paano ninyo ito nakikita ngayon? Parang wala lang ba ito sa inyong paningin?
4 Et nunc confortare Zorobabel, dicit Dominus: et confortare Iesu fili Iosedec sacerdos magne, et confortare omnis populus terrae, dicit Dominus exercituum: et facite (quoniam ego vobiscum sum, dicit Dominus exercituum)
Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
5 verbum quod pepigi vobiscum cum egrederemini de Terra Aegypti: et spiritus meus erit in medio vestrum, nolite timere.
'Sa pamamagitan ng mga pangakong nakapaloob sa kasunduang itinatag ko sa inyo nang lumabas kayo sa Egipto at ang aking Espiritu ay kasama ninyo, huwag kayong matakot!'
6 Quia haec dicit Dominus exercituum: Adhuc unum modicum est, et ego commovebo caelum, et terram, et mare, et aridam.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa sandaling panahon yayanigin kong muli ang kalangitan at ang lupa, ang karagatan at ang tuyong lupain!
7 Et movebo omnes Gentes: ET VENIET DESIDERATUS cunctis Gentibus: et implebo domum istam gloria, dicit Dominus exercituum.
At yayanigin ko ang bawat bansa, at ang bawat bansa ay magdadala ng kanilang mga mahahalagang bagay sa akin, at pupunuin ko ang tahanang ito ng kaluwalhatian!' sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
8 Meum est argentum, et meum est aurum, dicit Dominus exercituum.
Akin ang pilak at ginto!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga Hukbo.
9 Magna erit gloria domus istius novissimae plus quam primae, dicit Dominus exercituum: et in loco isto dabo pacem, dicit Dominus exercituum.
Magiging mas dakila ang kaluwalhatian ng tahanang ito sa hinaharap kaysa sa simula, sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'at ibibigay ko ang kapayapaan sa lugar na ito!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.”
10 In vigesima et quarta noni mensis, in anno secundo Darii regis, factum est verbum Domini ad Aggaeum prophetam, dicens:
Sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, sa ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ni Hagai, ang propeta at sinabi,
11 Haec dicit Dominus exercituum: Interroga sacerdotes legem, dicens:
“Ganito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Tanungin mo ang mga pari tungkol sa kautusan, at sabihin mo:
12 Si tulerit homo carnem sanctificatam in ora vestimenti sui, et tetigerit de summitate eius panem, aut pulmentum, aut vinum, aut oleum, aut omnem cibum: numquid sanctificabitur? Respondentes autem sacerdotes, dixerunt: Non.
Kung magdadala ang isang tao ng isang karne na naitalaga kay Yahweh sa laylayan ng kaniyang damit, at kung masagi ng laylayan ng kaniyang damit ang tinapay o sabaw, alak o langis, o anumang pagkain, magiging banal din ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari at sinabi, “Hindi.”
13 Et dixit Aggaeus: Si tetigerit pollutus in anima ex omnibus his, numquid contaminabitur? Et responderunt sacerdotes, et dixerunt: Contaminabitur.
Pagkatapos, sinabi ni Hagai, “Kung masagi ng isang taong marumi dahil sa patay ang alinman sa mga bagay na ito, magiging marumi ba ang mga ito? Sumagot ang mga pari at sinabi, “Oo, magiging marumi ang mga ito.”
14 Et respondit Aggaeus, et dixit: Sic populus iste, et sic gens ista ante faciem meam, dicit Dominus, et sic omne opus manuum eorum: et omnia quae obtulerunt ibi, contaminata erunt.
Kaya sumagot si Hagai at sinabi, “'Gayon din ang mga taong ito at ang bansa na nasa aking harapan! —ito ang pahayag ni Yahweh—'at maging ang lahat ng mga bagay na ginawa ng kanilang mga kamay: ang kanilang mga inialay sa akin ay marumi.
15 Et nunc ponite corda vestra a die hac et supra, antequam poneretur lapis super lapidem in templo Domini.
Kaya ngayon, isipin ninyo mula sa araw na ito at sa mga susunod pa, bago maipatong ang alinmang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh,
16 Cum accederetis ad acervum viginti modiorum, et fierent decem: et intraretis ad torcular, ut exprimeretis quinquaginta lagenas, et fiebant viginti.
sa tuwing pupunta ang sinuman sa kamalig para kumuha ng dalawampung sukat ng butil, sampu lamang ang mayroon, at sa tuwing pupunta ang sinuman sa pagawaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang mayroon.
17 Percussi vos vento urente, et aurugine, et grandine omnia opera manuum vestrarum: et non fuit in vobis, qui reverteretur ad me, dicit Dominus.
Pinahirapan ko kayo at ang lahat ng gawa ng inyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkabulok at pagkaaamag, ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin'-ito ang pahayag ni Yahweh.
18 Ponite corda vestra ex die ista, et in futurum, a die vigesima et quarta noni mensis: a die, qua fundamenta iacta sunt templi Domini, ponite super cor vestrum.
Isipin ninyo mula sa araw na ito at sa mga susunod na mga araw, mula sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula sa araw na nailagay ang pundasyon ng templo ni Yahweh. Isipin ninyo ito!
19 Numquid iam semen in germine est: et adhuc vinea, et ficus, et malogranatum, et lignum olivae non floruit? ex die ista benedicam.
Mayroon pa bang mga binhi sa kamalig? Ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay walang bunga! Ngunit pagpapalain ko kayo mula sa araw na ito!'”
20 Et factum est verbum Domini secundo ad Aggaeum in vigesima et quarta mensis, dicens:
At sa pangalawang pagkakataon muling dumating kay Hagai ang salita ni Yahweh sa ikadalawampu't apat na araw ng buwan at sinabi
21 Loquere ad Zorobabel ducem Iuda, dicens: Ego movebo caelum pariter et terram.
“Makipagusap ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel at sabihin mo, 'Yayanigin ko ang kalangitan at ang lupa.
22 Et subvertam solium regnorum, et conteram fortitudinem regni Gentium: et subvertam quadrigam, et ascensorem eius: et descendent equi, et ascensores eorum: vir in gladio fratris sui.
Sapagkat pababagsakin ko ang trono ng mga kaharian at sisirain ko ang kalakasan ng mga kaharian ng bansa, pababagsakin ko ang kanilang mga karwahe at ang mga mangangarwahe nito. Ang mga kabayo at mga mangangabayo ay malalaglag ang bawat isa dahil sa espada ng kaniyang kapatid.
23 In die illa, dicit Dominus exercituum, assumam te Zorobabel fili Salathiel serve meus, dicit Dominus: et ponam te quasi signaculum, quia te elegi, dicit Dominus exercituum.
Sa araw na iyon'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—' kukunin kita Zerubabel anak ni Sealtiel bilang aking lingkod'- Ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin kitang tulad ng isang selyo sa aking singsing, sapagkat ikaw ang aking pinili! -ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo!”

< Aggæi Prophetæ 2 >