< Habacuc Propheta 1 >
1 Onus, quod vidit Habacuc propheta.
Ang pahayag na tinanggap ni propetang Habakuk:
2 Usquequo Domine clamabo, et non exaudies? vociferabor ad te vim patiens, et non salvabis?
“Yahweh, hanggang kailan ako dapat humingi ng tulong, at hindi mo pakikinggan? Sumisigaw ako sa iyo dahil sa matinding takot, 'Karahasan!' ngunit hindi mo ako ililigtas!
3 Quare ostendisti mihi iniquitatem, et laborem, videre praedam, et iniustitiam contra me? Quare respicis contemptores, et taces, conculcante impio iustiorem se? Et facies homines quasi pisces maris; et quasi reptilia non habentia ducem; et factum est iudicium, et contradictio potentior.
Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan at ipinamamasid ang maling gawain? Pagkawasak at karahasan ang nasa aking harapan; may alitan, at pagtatalong nabubuo!
4 Propter hoc lacerata est lex, et non pervenit usque ad finem iudicium: quia impius praevalet adversus iustum, propterea egreditur iudicium perversum.
Kaya ang kautusan ay humina, at ang katarungan ay hindi na umiiral. Dahil pinalibutan ng masama ang matuwid; kaya hindi totoong katarungan ang lumalabas.” Tumugon si Yahweh kay Habakuk.
5 Aspicite in gentibus, et videte: admiramini, et obstupescite: quia opus factum est in diebus vestris, quod nemo credet cum narrabitur.
“Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito; magtaka at mamangha! Sapagkat tinitiyak ko na mayroon akong gagawin sa mga araw mo na hindi mo paniniwalaan kapag ito ay ibinalita sa iyo.
6 Quia ecce ego suscitabo Chaldaeos, gentem amaram et velocem, ambulantem super latitudinem terrae, ut possideat tabernacula non sua.
Sapagkat tingnan mo! Ibabangon ko ang mga Caldeo—ang malupit at marahas na bansa—sila ay lumalakad sa buong kaluwangan ng lupain upang sakupin ang mga tahanan na hindi sa kanila.
7 Horribilis, et terribilis est: ex semetipsa iudicium, et onus eius egredietur.
(Sila) ay nakakasindak at nakakatakot; ang kanilang paghuhukom at karangyaan ay mula sa kanilang sarili!
8 Leviores pardis equi eius, et velociores lupis vespertinis: et diffundentur equites eius: equites namque eius de longe venient, volabunt quasi aquila festinans ad comedendum.
Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!
9 Omnes ad praedam venient, facies eorum ventus urens: et congregabit quasi arenam, captivitatem.
Dumating silang lahat para sa karahasan, ang karamihan sa kanila ay pumunta na tulad ng hangin ng disyerto at tinitipon nila ang mga bihag na tulad ng buhangin!
10 Et ipse de regibus triumphabit, et tyranni ridiculi eius erunt: ipse super omnem munitionem ridebit, et comportabit aggerem, et capiet eam.
Kaya kinukutya nila ang mga hari, at ang mga namumuno ay kakutyaan lang sa kanila! Tinatawanan nila ang bawat kutang tanggulan, dahil nagbubunton (sila) ng lupa at kinukuha ang mga ito!
11 Tunc mutabitur spiritus, et pertransibit; et corruet: haec est fortitudo eius dei sui.
At ang hangin ay mabilis na daraan; lalampas ito—mga taong may kasalanan, (sila) na ang kanilang diyos ay ang kanilang kapangyarihan!” Nagtanong si Habakuk kay Yahweh ng isa pang katanungan.
12 Numquid non tu a principio Domine Deus meus, sancte meus, et non moriemur? Domine in iudicium posuisti eum: et fortem ut corriperes, fundasti eum.
“Hindi ba mula ka sa walang hanggan, Yahweh na aking Diyos, ang aking Banal? Hindi kami mamamatay. Itinalaga (sila) ni Yahweh para sa paghatol, at ikaw na Bato ang nagtatag sa kanila para sa pagtutuwid!
13 Mundi sunt oculi tui, ne videas malum, et respicere ad iniquitatem non poteris. quare respicis super iniqua agentes, et taces devorante impio iustiorem se?
Ang iyong mga mata ay napakadalisay upang tumitig sa kasamaan, at hindi mo kayang tumingin sa maling gawain nang may pagsang-ayon; ngunit bakit ka tumingin nang may pagsang-ayon sa mga nagkakanulo? Bakit ka tahimik habang nilulunok ng mga taong masama ang mga higit na matuwid kaysa sa kanila?
14 Et facies homines quasi pisces maris, et quasi reptile non habens principem.
Ginawa mong gaya ng mga isda sa dagat ang mga tao, gaya ng mga bagay na gumagapang na walang namumuno sa kanila.
15 Totum in hamo sublevavit, traxit illud in sagena sua, et congregavit in rete suum. Super hoc laetabitur et exultabit.
Inangat silang lahat sa pamamagitan ng pamingwit, kinakaladkad nila palayo ang mga tao gamit ang mga lambat at iniipon (sila) sa kanilang lambat. Ito ang dahilan kaya (sila) ay nagagalak at sumisigaw nang masayang-masaya!
16 propterea immolabit sagenae suae, et sacrificabit reti suo: quia in ipsis incrassata est pars eius, et cibus eius electus.
Kaya (sila) ay naghahandog sa kanilang lambat at nagsusunog ng insenso sa kanilang lambat, sapagkat ang mga pinatabang hayop ang kanilang bahagi, at ang matatabang karne ang kanilang pagkain!
17 Propter hoc ergo expandit sagenam suam, et semper interficere Gentes non cessat.
Kaya aalisin ba nila ang lahat ng laman ng kanilang lambat at ipagpapatuloy na patayin ang mga bansa, nang walang pagkahabag?”