< Genesis 36 >

1 Hae sunt autem generationes Esau, ipse est Edom.
Ito ang mga kaapu-apuhan ni Esau (tinatawag ding Edom).
2 Esau accepit uxores de filiabus Chanaan: Ada filiam Elon Hethaei, et Oolibama filiam Anae filiae Sebeon Hevaei:
Kinuha ni Esau ang kanyang mga asawa mula sa mga Cananeo. Ito ang mga asawa niya: Si Ada na anak na babae ni Elon na Heteo; si Aholibama na anak na babae ni Ana, na apong babae ni Zibeon na Hivita;
3 Basemath quoque filiam Ismael sororem Nabaioth.
at Basemat, anak na babae ni Ismael, na kapatid na babae ni Nebayot.
4 Peperit autem Ada, Eliphaz: Basemath genuit Rahuel:
Isinilang ni Ada si Elifaz kay Esau, at si Basemat ay isinilang si Reuel.
5 Oolibama genuit Iehus et Ihelon et Core. hi filii Esau qui nati sunt ei in terra Chanaan.
Isinilang ni Aholibama sina Jeus, Jalam at Korah. Ito ang mga anak na lalaki ni Esau na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan.
6 Tulit autem Esau uxores suas et filios et filias, et omnem animam domus suae, et substantiam, et pecora, et cuncta quae habere poterat in terra Chanaan: et abiit in alteram regionem, recessitque a fratre suo Iacob.
Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, mga anak na lalaki, mga anak na babae, lahat ng mga kabilang sa kanyang sambahayan, kanyang mga alagang hayop—lahat ng kanyang mga hayop, at lahat ng kanyang mga ari-arian, na tinipon niya sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.
7 Divites enim erant valde, et simul habitare non poterant: nec sustinebat eos terra peregrinationis eorum prae multitudine gregum.
Ginawa niya ito dahil ang ari-arian nila ay napakarami para manatili silang magkasama. Ang lupain kung saan sila nanirahan ay hindi sila kayang itaguyod dahil sa kanilang mga alagang hayop.
8 Habitavitque Esau in monte Seir, ipse est Edom.
Kaya nga si Esau, na tinatawag ding Edom, ay nanirahan sa bansang burol ng Seir.
9 Hae autem sunt generationes Esau patris Edom in monte Seir,
Ang sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Esau, ang ninuno ng mga Edomita sa bansang burol ng Seir.
10 et haec nomina filiorum eius: Eliphaz filius Ada uxoris Esau: Rahuel quoque filius Basemath uxoris eius.
Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau.
11 Fueruntque Eliphaz filii: Theman, Omar, Sepho, et Gatham, et Cenez.
Ang mga lalaking anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Galam, at Kenaz.
12 Erat autem Thamna, concubina Eliphaz filii Esau: quae peperit ei Amalech. hi sunt filii Ada uxoris Esau.
Ipinanganak si Amalek ni Timna, na ibang asawa ni Elifaz, na lalaking anak ni Esau. Ito ang mga lalaking apo ni Ada, asawa ni Esau.
13 Filii autem Rahuel: Nahath et Zara, Samma et Meza. hi filii Basemath uxoris Esau.
Ito ang mga lalaking anak ni Reuel: Sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza. Ito ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau.
14 Isti quoque erant filii Oolibama filiae Anae filiae Sebeon, uxoris Esau, quos genuit ei Iehus et Ihelon et Core.
Ito ang mga lalaking anak ni Aholibama, asawa ni Esau, na babaeng anak ni Ana at babaeng apo ni Zibeon. Ipinanganak niya para kay Esau sina Jeus, Jalam, at Korah.
15 Hi duces filiorum Esau: Filii Eliphaz primogeniti Esau: dux Theman, dux Omra, dux Sepho, dux Cenez,
Ito ang mga angkan kasama sa mga kaapu-apuhan ni Esau: ang mga kaapu-apuhan ni Elifaz, na panganay na anak ni Esau: sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz,
16 dux Core, dux Gathan, dux Amalech. hi filii Eliphaz in terra Edom, et hi filii Ada.
Korah, Gatam, at Amalek. Ito ang mga angkang nanggaling kay Elifaz sa lupain ng Edom. Mga apo sila ni Ada.
17 Hi quoque filii Rahuel filii Esau: dux Nahath, dux Zara, dux Samma, dux Meza. hi autem duces Rahuel in terra Edom: isti filii Basemath uxoris Esau.
Ito ang mga angkang mula kay Reuel, anak ni Esau: sina Nahat, Zera, Shammah, Miza. Ito ang mga angkang mula kay Reuel sa lupain ng Edom. Sila ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau.
18 Hi autem filii Oolibama uxoris Esau: dux Iehus, dux Ihelon, dux Core. hi duces Oolibama filiae Anae uxoris Esau.
Ito ang mga angkan ni Aholibama, asawa ni Esau: sina Jeus, Jalam, Kora. Ito ang mga angkang nagmula sa asawa ni Esau na si Aholibama, babaeng anak ni Ana.
19 Isti sunt filii Esau, et hi duces eorum: ipse est Edom.
Ito ang mga lalaking anak ni Esau, at ito ang kanilang mga angkan.
20 Isti sunt filii Seir Horraei, habitatores terrae: Lotan, et Sobal, et Sebeon, et Ana,
Ito ang mga lalaking anak ni Seir na Horeo, na mga naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
21 et Dison, et Eser, et Disan. hi duces Horraei, filii Seir in Terra Edom.
Dishon, Ezer, at Disan. Ito ay mga angkan ng mga Horeo, na mga naninirahan sa Seir sa lupain ng Edom.
22 Facti sunt autem filii Lotan: Hori et Heman. erat autem soror Lotan, Thamna.
Ang mga lalaking anak ni Lotan ay sina Hori at Heman, at si Timna ang babaeng kapatid ni Lotan.
23 Et isti filii Sobal: Alvan et Manahat et Ebal, et Sepho et Onam.
Ito ang mga lalaking anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at Onam.
24 Et hi filii Sebeon: Aia et Ana. Iste est Ana qui invenit aquas calidas in solitudine, cum pasceret asinas Sebeon patris sui:
Ito ang mga lalaking anak ni Zibeon: si Aya at Ana. Ito ang Ana na nakahanap sa mainit na bukal sa kagubatan, habang nagpapastol siya ng mga asno ni Zibeon na kanyang ama.
25 habuitque filium Dison, et filiam Oolibama.
Ito ang mga anak ni Ana: Sina Dishon at Aholibama, na babaeng anak ni Ana.
26 Et isti filii Dison: Hamdan, et Eseban, et Iethram, et Charan.
Ito ang mga lalaking anak ni Dishon: Sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran.
27 Hi quoque filii Eser: Balaan, et Zavan, et Acan.
Ito ang mga lalaking anak ni Ezer: sina Bilhan, Zaavan, at Akan.
28 Habuit autem filios Disan: Hus, et Aram.
Ito ang mga lalaking anak ni Dishan: sina Uz at Aran.
29 Hi duces Horraeorum: dux Lotan, dux Sobal, dux Sebeon, dux Ana,
Ito ang mga angkan ng mga Horeo: ang Lotan, Shobal, Zibeon, at Ana,
30 dux Dison, dux Eser, dux Disan: isti duces Horraeorum qui imperaverunt in Terra Seir.
Dishon, Ezer, Dishan: ito ang mga angkan ng mga Horeo, ayon sa kanilang mga talaan ng angkan sa lupain ng Seir.
31 Reges autem qui regnaverunt in Terra Edom antequam haberent regem filii Israel, fuerunt hi:
Ito ang mga hari na namahala sa lupain ng Edom bago pa man mamahala ang sinumang hari sa mga Israelita:
32 Bela filius Beor, nomenque urbis eius Denaba.
Si Bela na lalaking anak ni Beor, ay namahala sa Edom, at ang pangalan ng kanyang siyudad ay Dinaba.
33 Mortuus est autem Bela, et regnavit pro eo Iobab filius Zarae de Bosra.
Nang mamatay si Bela, saka naman si Jobab lalaking anak ni Zerah ng Bozra, ang namahala bilang kahalili niya.
34 Cumque mortuus esset Iobab, regnavit pro eo Husam de terra Themanorum.
Nang namatay si Jobab, si Husham na mula sa lupain ng mga Temaneo ang nagharing kahalili niya.
35 Hoc quoque mortuo, regnavit pro eo Adad filius Badad, qui percussit Madian in regione Moab: et nomen urbis eius Avith.
Nang mamatay si Husham, si Hadad na lalaking anak ni Bedad, na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab, ang nagharing kahalili niya. Ang pangalan ng kanyang siyudad ay Avit.
36 Cumque mortuus esset Adad, regnavit pro eo Semla de Masreca.
Nang namatay si Hadad, si Samla naman ng Masreka ang nagharing kahalili niya.
37 Hoc quoque mortuo regnavit pro eo Saul de fluvio Rohoboth.
Nang mamatay si Samla, si Saul ng Rehobot na tagatabing-ilog ang naghari kahalili niya.
38 Cumque et hic obiisset, successit in regnum Balanan filius Achobor.
Nang mamatay si Saul, si Baal Hanan naman na lalaking anak ni Acbor ang nagharing kahalili niya.
39 Isto quoque mortuo regnavit pro eo Adar, nomenque urbis eius Phau: et appellabatur uxor eius Meetabel, filia Matred filiae Mezaab.
Nang si Baal Hanan na lalaking anak ni Acbor, ay mamatay, si Hadar naman ang nagharing kahalili niya. Ang pangalan ng kanyang siyudad ay Pau. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel, babaeng anak ni Matred, na babaeng apo ni Me Zahab.
40 Haec ergo nomina ducum Esau in cognationibus, et locis, et vocabulis suis: dux Thamna, dux Alva, dux Ietheth,
Ito ang mga pangalan ng mga pinuno ng mga angkang nagmula sa lahi ni Esau, ayon sa kanilang mga angkan at kanilang mga rehiyon, sa kanilang mga pangalan: sina Timna, Alva, Jetet,
41 dux Oolibama, dux Ela, dux Phinon,
Aholibama, Ela, Pinon,
42 dux Cenez, dux Theman, dux Mabsar,
Kenaz, Teman, Mibzar,
43 dux Magdiel, dux Hiram: hi duces Edom habitantes in terra imperii sui, ipse est Esau pater Idumaeorum.
Magdiel, at Iram. Ito ang mga pangulo ng angkan ng Edom, ayon sa kanilang pamayanan sa lupaing inagkin nila. Ito si Esau, ang ama ng mga Edomita.

< Genesis 36 >