< Hiezechielis Prophetæ 35 >

1 Et factus est sermo Domini ad me, dicens:
At dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 Fili hominis pone faciem tuam adversum montem Seir, et prophetabis de eo, et dices illi:
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Bundok ng Seir at magpahayag(magpropesiya) ka laban dito.
3 Haec dicit Dominus Deus: Ecce ego ad te mons Seir, et extendam manum meam super te, et dabo te desolatum atque desertum.
Sabihin mo rito, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan mo! Ako ay laban sa iyo, Bundok ng Seir, at hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at gagawin kitang isang mapanglaw at isang katatakutan.”
4 Urbes tuas demoliar, et tu desertus eris: et scies quia ego Dominus.
Wawasakin ko ang iyong mga lungsod, at ikaw mismo ay magiging mapanglaw; at malalaman mong Ako si Yahweh.
5 Eo quod fueris inimicus sempiternus, et concluseris filios Israel in manus gladii in tempore afflictionis eorum, in tempore iniquitatis extremae:
Dahil napopoot ka lagi sa mga Israelita, at dahil ibinuhos mo sila sa mga kamay ng espada sa panahon ng kanilang paghihirap, sa panahon na nasa sukdulan sila ng kaparusahan,
6 Propterea vivo ego, dicit Dominus Deus: quoniam sanguini tradam te, et sanguis te persequetur: et cum sanguinem oderis, sanguis persequetur te.
samakatwid dahil Ako ay buhay, ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh, ihahanda kita para sa pagdanak ng dugo, at hahabulin ka ng pagdanak ng dugo! Yamang hindi mo kinamuhian ang pagdanak ng dugo, susundan ka ng pagdanak ng dugo.
7 Et dabo montem Seir desolatum atque desertum: et auferam de eo euntem, et redeuntem.
Gagawin kong isang mapanglaw ang Bundok ng Seir, isang mapanglaw kapag papatayin ko mula rito ang sinumang dumadaan at muling bumabalik.
8 Et implebo montes eius occisorum suorum: in collibus tuis, et in vallibus tuis, atque in torrentibus interfecti gladio cadent.
At pupunuin ko ang mga bundok nito ng mga patay. Ang iyong matataas na mga burol at mga kapatagan, at lahat ng iyong batis, mahuhulog sa mga ito ang mga napatay sa pamamagitan ng espada.
9 In solitudines sempiternas tradam te, et civitates tuae non habitabuntur: et scietis quia ego Dominus Deus.
Gagawin kitang mapanglaw habang-buhay. Hindi na matitirhan ang iyong mga lungsod, ngunit malalaman mong Ako si Yahweh.
10 Eo quod dixeris: Duae gentes, et duae terrae meae erunt, et hereditate possidebo eas: cum Dominus esset ibi:
Iyong sinabi, “Itong dalawang bansa at itong dalawang lupain ay magiging akin, at aangkinin namin ang mga ito,” nang kasama nila si Yahweh.
11 Propterea vivo ego, dicit Dominus Deus, quia faciam iuxta iram tuam, et secundum zelum tuum, quem fecisti odio habens eos: et notus efficiar per eos cum te iudicavero.
Kaya, dahil ako ay buhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—Kaya gagawin ko ayon sa iyong galit at ayon sa iyong paninibughong nasa iyong pagkapoot sa Israel, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanila kapag hinatulan na kita.
12 Et scies quia ego Dominus audivi universa opprobria tua, quae locutus es de montibus Israel, dicens: Deserti, nobis ad devorandum dati sunt.
Kaya malalaman mong Ako si Yahweh! Narinig ko lahat ang iyong pang-aalipusta nang magsalita ka laban sa mga kabundukan ng Israel at sinabi, “Sila ay mapanglaw! Ibinigay sila sa atin upang lamunin.”
13 Et insurrexistis super me ore vestro, et rogastis adversum me verba vestra: ego audivi.
Narinig kita nang magmalaki ka laban sa akin sa pamamagitan ng iyong bibig; nagsalita ka ng maraming bagay laban sa akin. Narinig ko ang mga ito.
14 Haec dicit Dominus Deus: Laetante universa terra, in solitudinem te redigam.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Gagawin kitang isang mapanglaw, habang nagagalak ang buong mundo.
15 Sicuti gavisus es super hereditatem domus Israel, eo quod fuerit dissipata, sic faciam tibi: dissipatus eris mons Seir, et Idumaea omnis: et scient quia ego Dominus.
Kung gaano ka nagalak sa buong mana ng mga Israelita dahil sa pagkawasak nito, ganito rin ang gagawin ko sa iyo. Ikaw ay magiging mapanglaw, Bundok ng Seir, at buong Edom, lahat ng ito! At malalaman nilang Ako si Yahweh!'”

< Hiezechielis Prophetæ 35 >