< Exodus 29 >

1 Sed et hoc facies, ut mihi in sacerdotio consecrentur. Tolle vitulum de armento, et arietes duos immaculatos,
Ngayon ito ang dapat mong gawin sa pagtatalaga sa kanila sa akin para sila ay makapaglingkod bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang bahid,
2 panesque azymos, et crustulam absque fermento, quae conspersa sit oleo, lagana quoque azyma oleo lita: de simila triticea cuncta facies.
tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis. At saka kumuha ka ng apa na walang lebadurang pinahiran ng langis. Gawin mo ang mga apa gamit ang pino na trigong harina.
3 Et posita in canistro offeres: vitulum autem et duos arietes.
Dapat mo itong ilagay sa isang buslo, dalhin ang mga ito sa buslo, at ihandog mo kasama ang toro at dalawang lalaking tupa.
4 Et Aaron, ac filios eius applicabis ad ostium tabernaculi testimonii. Cumque laveris patrem cum filiis suis aqua,
Dapat mong iharap si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Dapat mong paliguan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tubig.
5 indues Aaron vestimentis suis, id est, linea et tunica, et superhumerali et rationali, quod constringes balteo.
Dapat kang kumuha ng mga damit at damitan si Aaron kasama ang kapa, ang balabal ng efod, ang efod, at ang baluti, kabitan ng makinis na habing sinturon ng efod na nakapalibot sa kaniya.
6 Et pones tiaram in capite eius, et laminam sanctam super tiaram,
Dapat mong itakda ang turbante sa kaniyang ulo at ilagay ang banal na korona sa turbante.
7 et oleum unctionis fundes super caput eius: atque hoc ritu consecrabitur.
Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.
8 Filios quoque illius applicabis, et indues tunicis lineis, cingesque balteo,
Dapat mong dalhin ang kaniyang mga anak na lalaki at ilagay ang mga kapa sa kanila.
9 Aaron scilicet et liberos eius, et impones eis mitras: eruntque sacerdotes mihi religione perpetua. Postquam initiaveris manus eorum,
Dapat mong damitan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na may kasamang mga sintas at ilagay ang kanilang pamigkis sa ulo. Ang gawain ng pagkapari ay mabibilang na sa kanila sa pamamagitan ng palagiang batas. Sa ganitong paraan dapat mong gawing banal si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para sa kanilang paglilingkod sa akin.
10 applicabis et vitulum coram tabernaculo testimonii. Imponentque Aaron et filii eius manus super caput illius,
Dapat mong dalhin lahat ng toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
11 et mactabis eum in conspectu Domini, iuxta ostium tabernaculi testimonii.
Dapat mong patayin ang mga toro sa aking harapan, si Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
12 Sumptumque de sanguine vituli, pones super cornua altaris digito tuo, reliquum autem sanguinem fundes iuxta basim eius.
Dapat mong kunin ang ilang dugo ng toro at ilagay mo ito sa sungay ng altar gamit ang iyong daliri, at dapat mong ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
13 Sumes et adipem totum qui operit intestina, et reticulum iecoris, ac duos renes, et adipem qui super eos est, et offeres incensum super altare:
Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
14 carnes vero vituli et corium et fimum combures foris extra castra, eo quod pro peccato sit.
Pero ang laman ng mga toro, at ang balat at dumi, sunugin mo ito sa labas ng kampo. Ito ay handog para sa kasalanan.
15 Unum quoque arietem sumes, super cuius caput ponent Aaron et filii eius manus.
Dapat mo ring kunin ang isang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
16 Quem cum mactaveris, tolles de sanguine eius, et fundes circa altare.
Dapat mong patayin ang lalaking tupa. Pagkatapos kunin ang dugo at isaboy ito sa magkabilang gilid ng altar.
17 ipsum autem arietem secabis in frustra. lotaque intestina eius ac pedes pones super concisas carnes, et super caput illius.
Dapat mong hiwain ang lalaking tupa na pira-piraso at hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti, at ilagay mo ang lamang-loob, sabay ng pira-piraso at kasama ang ulo nito,
18 Et offeres totum arietem in incensum super altare: oblatio est Domino, odor suavissimus victimae Domini.
sa altar. Pagkatapos sunugin ang buong lalaking tupa. Ito ay maging sinunog na handog sa akin, si Yahweh. Ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay magiging isang handog sa pamamagitan ng apoy.
19 Tolles quoque arietem alterum, super cuius caput Aaron et filii eius ponent manus.
Dapat mong kunin ang iba pang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
20 Quem cum immolaveris, sumes de sanguine eius, et pones super extremum auriculae dextrae Aaron et filiorum eius, et super pollices manus eorum ac pedis dextri, fundesque sanguinem super altare per circuitum.
Pagkatapos dapat mong patayin ang lalaking tupa at kunin ang ilan sa dugo nito. Ilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, at sa dulo ng kanang tainga ng kaniyang mga anak na lalaki, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isaboy ang dugo sa magkabilang gilid ng altar.
21 Cumque tuleris de sanguine qui est super altare, et de oleo unctionis, asperges Aaron et vestes eius, filios et vestimenta eorum. Consecratisque ipsis et vestibus,
Dapat mong kunin ang ilan sa mga dugo na nasa altar at ilan sa binasbasang langis, at isaboy ang lahat ng ito kay Aaron at sa kaniyang mga damit, at saka sa kaniyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Ilalaan si Aaron para sa akin, at ang kaniyang mga damit, kasama niya ang kaniyang mga anak na lalaki at mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki.
22 tolles adipem de ariete, et caudam et arvinam, quae operit vitalia, ac reticulum iecoris, et duos renes, atque adipem, qui super eos est, armumque dextrum, eo quod sit aries consecrationis:
Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin.
23 tortamque panis unius, crustulam conspersam oleo, laganum de canistro azymorum, quod positum est in conspectu Domini:
Kumuha ng isang tinapay, isang mamon ng tinapay na gawa sa langis, at isang apa sa labas ng buslo ng tinapay na walang lebadura na sa aking harapan, si Yahweh.
24 ponesque omnia super manus Aaron et filiorum eius, et sanctificabis eos elevans coram Domino.
Dapat mong ilagay ang mga ito sa kamay ni Aaron at sa kamay ng kaniyang mga anak na lalaki. Dapat nilang itaas ito sa aking harapan, si Yahweh, at ipapakita nila ito bilang paghahandog sa akin.
25 Suscipiesque universa de manibus eorum: et incendes super altare in holocaustum, odorem suavissimum in conspectu Domini, quia oblatio eius est.
Dapat mong kunin ang mga pagkain galing sa kanilang mga kamay at sunugin ito sa altar kasama ang handog na susunugin. Ito ay magbibigay ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay handog na gawa sa apoy.
26 Sumes quoque pectusculum de ariete, quo initiatus est Aaron, sanctificabisque illud elevatum coram Domino, et cedet in partem tuam.
Dapat kang kumuha ng dibdib ng lalaking tupa na handog ni Aaron at itaas ito at ipapakita ito bilang handog para sa akin, si Yahweh. Pagkatapos ito ang bahagi na inyong kakainin.
27 Sanctificabisque et pectusculum consecratum, et armum quem de ariete separasti,
Dapat mong ihandog sa akin ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita— dibdib na itinaas at ang hita na ipinakita, kapwa nanggaling sa lalaking tupa para sa pagpapatunay kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin.
28 quo initiatus est Aaron et filii eius, cedentque in partem Aaron et filiorum eius iure perpetuo a filiis Israel: quia primitiva sunt et initia de victimis eorum pacificis quae offerunt Domino.
Ang mga bahagi ng laman na ito, na ibinigay ng mga Israelita, ay kailangang mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Sa pamamalakad para sa mga handog sa pagtitipon, ito ay maging handog para sa mga pari na kinuha mula sa mga handog ng mga Israelita na mga handog na ipinakita sa akin, si Yahweh.
29 Vestem autem sanctam, qua utetur Aaron, habebunt filii eius post eum, ut ungantur in ea, et consecrantur manus eorum.
Ang banal na mga damit ni Aaron ay dapat na isantabi para sa kaniyang mga anak na lalaki na susunod sa kaniya. Dapat silang basbasan at italaga ang mga ito sa akin.
30 Septem diebus utetur illa qui pontifex pro eo fuerit constitutus de filiis eius, et qui ingredietur tabernaculum testimonii ut ministret in Sanctuario.
Ang pari na susunod sa kaniya mula sa kaniyang mga anak na lalaki, na nanggaling sa tolda ng pagpupulong para ako ay paglingkuran sa banal na lugar, ay kanilang isuot ang ganoong mga damit sa loob ng pitong araw.
31 Arietem autem consecrationis tolles, et coques carnes eius in loco sancto:
Dapat mong kunin ang lalaking tupa para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin at pakuluan ang laman nito sa banal na lugar.
32 quibus vescetur Aaron et filii eius. Panes quoque, qui sunt in canistro, in vestibulo tabernaculi testimonii comedent,
Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang laman ng lalaking tupa at tinapay na nakalagay sa buslo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
33 ut sit placabile sacrificium, et sanctificentur offerentium manus. Alienigena non vescetur ex eis, quia sancti sunt.
Dapat nilang kainin ang laman at tinapay na binigay para pambayad ng kasalanan nila at sa pagtatalaga sa kanila, para ilaan sa akin. Walang ibang kakain ng pagkain, dahil dapat nila itong ituring na banal at ilaan para sa akin.
34 Quod si remanserit de carnibus consecratis, sive de panibus usque mane, combures reliquias igni: non comedentur, quia sanctificata sunt.
Kung alinman sa laman ng itinalagang handog, o alinman sa tinapay ay maiwan sa susunod na umaga, dapat sunugin na ninyo ito. Hindi ito dapat kainin dahil ito ay itinalaga na sa akin.
35 Omnia, quae praecepi tibi, facies super Aaron et filiis eius. Septem diebus consecrabis manus eorum:
Sa ganitong paraan, sa pagsunod sa lahat ng iniutos ko sa iyo na gawin, dapat mong pakitunguhan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Dapat kang kumuha ng pitong araw para italaga sila sa akin.
36 et vitulum pro peccato offeres per singulos dies ad expiandum. Mundabisque altare cum immolaveris expiationis hostiam, et unges illud in sanctificationem.
Bawat araw dapat kang maghandog ng toro bilang isang handog pambayad para sa kasalanan. Dalisayin mo ang altar sa pamamagitan ng paggamit ng pambayad para sa kasalanan nito, at kailangan mo itong buhusan ng langis para sa pagtatalaga sa akin.
37 Septem diebus expiabis altare, et sanctificabis, et erit Sanctum sanctorum. omnis, qui tetigerit illud, sanctificabitur.
Sa pitong araw dapat kang gumawa ng pambayad para sa kasalanan para sa altar at italaga ito kay Yahweh. Pagkatapos ang altar ay ganap na italaga sa akin. Anumang paghahawak sa altar ay ibubukod para kay Yahweh.
38 Hoc est quod facies in altari: Agnos anniculos duos per singulos dies iugiter,
Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
39 unum agnum mane, et alterum vespere,
Dapat kang maghandog ng isang tupa sa umaga, at ang isang tupa ay ihandog mo sa paglubog ng araw.
40 decimam partem similae conspersae oleo tuso, quod habeat mensuram quartam partem hin, et vinum ad libandum eiusdem mensurae in agno uno.
Kasama ang unang tupa, maghandog ng ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ikaapat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog.
41 Alterum vero agnum offeres ad vesperam iuxta ritum matutinae oblationis, et iuxta ea quae diximus, in odorem suavitatis:
Dapat kang maghandog ng pangalawang tupa sa paglubog ng araw. Dapat kang maghandog ng pagkaing butil sa umaga at parehong inuming handog. Ang mga ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ang magiging handog na gawa para sa akin sa apoy.
42 sacrificium est Domino, oblatione perpetua in generationes vestras, ad ostium tabernaculi testimonii coram Domino, ubi constituam ut loquar ad te.
Ang mga ito ay magiging palagiang handog na susunugin sa buong salinlahi ng inyong bayan. Dapat mong gawin ang mga ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa aking harapan, si Yahweh, kung saan ako makikipagkita para makipag-usap sa iyo.
43 Ibique praecipiam filiis Israel, et sanctificabitur altare in gloria mea.
Doon kung saan ako makikipagkita sa mga Israelita; ang tolda ay ihihiwalay para sa akin sa aking kaluwalhatian.
44 Sanctificabo et tabernaculum testimonii cum altari, et Aaron cum filiis suis, ut sacerdotio fungantur mihi.
Itatalaga ko ang tolda ng pagpupulong at ang altar para ang mga ito ay mabilang sa akin lamang. Itatalaga ko rin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para maglingkod sa akin bilang mga pari.
45 Et habitabo in medio filiorum Israel, eroque eis Deus,
Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at kanilang magiging Diyos.
46 et scient quia ego Dominus Deus eorum, qui eduxi eos de Terra Aegypti, ut manerem inter illos, ego Dominus Deus ipsorum.
Malalaman nila na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos, na kumuha sa kanila palabas mula sa lupain ng Ehipto kaya ako ay maninirahan kasama nila. Ako si Yahweh, kanilang Diyos.

< Exodus 29 >