< Deuteronomii 20 >

1 Si exieris ad bellum contra hostes tuos, et videris equitatus et currus, et maiorem quam tu habeas adversarii exercitus multitudinem, non timebis eos: quia Dominus Deus tuus tecum est, qui eduxit te de Terra Aegypti.
Kapag martsa na kayo para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at nakakita ng mga kabayo, mga karwaheng pandigma, at maraming bilang ng tao kaysa inyo, hindi dapat kayo matakot sa kanila; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
2 Appropinquante autem iam praelio, stabit sacerdos ante aciem, et sic loquetur ad populum:
Kapag kayo ay malapit na sa digmaan, dapat na lumapit ang pari at magsalita sa mga tao,
3 Audi Israel, vos hodie contra inimicos vestros pugnam committitis, non pertimescat cor vestrum, nolite metuere, nolite cedere, nec formidetis eos:
at sabihin sa kanila, 'Makinig kayo, Israel, malapit na kayo ngayon sa digmaan laban sa inyong mga kaaway; huwag kayong panghinaan ng loob; huwag kayong matakot, ni manginig, ni matakot sa kanila;
4 quia Dominus Deus vester in medio vestri est, et pro vobis contra adversarios dimicabit, ut eruat vos de periculo.
dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang sasama sa ninyo para ipaglaban kayo laban sa inyong mga kaaway at para kayo ay iligtas.'
5 Duces quoque per singulas turmas audiente exercitu proclamabunt: Quis est homo, qui aedificavit domum novam, et non dedicavit eam? vadat, et revertatur in domum suam, ne forte moriatur in bello, et alius dedicet eam.
Dapat makipag usap ang mga opisyal sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na nagtayo ng isang bagong bahay at hindi ito inihinandog? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang tahanan, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang tao ang maghandog nito.
6 Quis est homo qui plantavit vineam, et necdum fecit eam esse communem, de qua vesci omnibus liceat? vadat, et revertatur in domum suam: ne forte moriatur in bello, et alius homo eius fungatur officio.
Anong lalaki ang naroon na siyang nagtanim ng isang ubasan at hindi nagamit ang bunga nito? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang gagamit ng bunga nito.
7 Quis est homo, qui despondit uxorem, et non accepit eam? vadat, et revertatur in domum suam, ne forte moriatur in bello, et alius homo accipiat eam.
Anong lalaki ang naroon na siyang nakatakdang ipakasal sa isang babae pero hindi pa niya pinakasalan? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang mapangasawa niya.'
8 His dictis addent reliqua, et loquentur ad populum: Quis est homo formidolosus, et corde pavido? vadat, et revertatur in domum suam, ne pavere faciat corda fratrum suorum, sicut ipse timore perterritus est.
Ang mga opisyal ay dapat pang magsalita sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na siyang natatakot o naduduwag? Hayaan siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para ang puso ng kaniyang kapatid ay hindi matunaw tulad ng kaniyang sariling puso.'
9 Cumque siluerint duces exercitus, et finem loquendi fecerint, unusquisque suos ad bellandum cuneos praeparabit.
Kapag natapos ng magsalita ang mga opisyal sa mga tao, dapat silang magtalaga ng mga mamumuno sa kanila.
10 Si quando accesseris ad expugnandam civitatem, offeres ei primum pacem.
Kapag kayo ay nagmartsa para salakayin ang isang lungod, gumawa ng isang handog ng pangkapayapaan sa mga taong iyon.
11 Si receperit, et aperuerit tibi portas, cunctus populus, qui in ea est, salvabitur, et serviet tibi sub tributo.
Kung tanggapin nila ang inyong alok at buksan ang kanilang mga tarangkahan, lahat ng mga taong matagpuan rito ay dapat sapilitang magtrabaho para sa inyo at dapat na maglingkod sa inyo.
12 Sin autem foedus inire noluerit, et coeperit contra te bellum, oppugnabis eam.
Pero kung walang mag-alok ng kapayapaan sa inyo, sa halip ay makipagdigmaan laban sa inyo, kung ganun dapat ninyo itong salakayin,
13 Cumque tradiderit Dominus Deus tuus illam in manu tua, percuties omne, quod in ea generis masculini est, in ore gladii,
at kapag ibinigay na sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at ilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyong patayin ang bawat lalaki sa bayan.
14 absque mulieribus et infantibus, iumentis et ceteris, quae in civitate sunt. Omnem praedam exercitui divides, et comedes de spoliis hostium tuorum, quae Dominus Deus tuus dederit tibi.
Pero ang mga kababaihan, ang mga bata, mga baka, at lahat ng bagay na nasa lungsod, at lahat ng mapapakinabangan nito, kunin bilang inyo samsam ang lahat ng ito para sa iyong sarili. Gamitin ninyo ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway, na siyang si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay sa inyo.
15 Sic facies cunctis civitatibus, quae a te procul valde sunt, et non sunt de his urbibus, quas in possessionem accepturus es.
Dapat kayong kumilos sa ganitong paraan tungo sa lahat ng mga lungsod na sadyang malayo mula sa inyo, mga lungsod na hindi nabibilang sa mga lungsod na sumusunod sa mga bansang ito.
16 De his autem civitatibus, quae dabuntur tibi, nullum omnino permittes vivere:
Sa mga lungsod ng mga taong ito na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana, wala dapat kayong ililigtas ng buhay sa mga humihinga.
17 sed interficies in ore gladii, Hethaeum videlicet, et Amorrhaeum, et Chananaeum, Pherezaeum, et Hevaeum, et Iebusaeum, sicut praecepit tibi Dominus Deus tuus:
Sa halip, ganap ninyo silang wasakin: ang Heteo, ang Amoreo, ang Cananeo, ang Perezeo, Heviteo, at ang Jebuseo, tulad ng inutos ni Yahweh na inyong Diyos.
18 ne forte doceant vos facere cunctas abominationes, quas ipsi operati sunt diis suis: et peccetis in Dominum Deum vestrum.
Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
19 Quando obsederis civitatem multo tempore, et munitionibus circumdederis ut expugnes eam, non succides arbores, de quibus vesci potest, nec securibus per circuitum debes vastare regionem: quoniam lignum est, et non homo, nec potest bellantium contra te augere numerum.
Kapag sasalakayin ninyo ang isang lungsod sa mahabang panahon, sa pakikipaglaban ninyo dito para makuha ito, hindi ninyo dapat sirain ang mga puno nito sa pagputol gamit ang palakol laban sa kanila. Dahil maaari kayong kumain mula sa mga ito, kaya hindi ninyo dapat sila putulin. Dahil ang puno ba sa bukid ay ang taong dapat ninyong salakayin?
20 Si qua autem ligna non sunt pomifera, sed agrestia, et in ceteros apta usus, succide, et instrue machinas, donec capias civitatem, quae contra te dimicat.
Ang mga puno lamang na alam ninyong punong hindi makakain, ang maaari ninyong wasakin at putulin; magtatayo kayo ng mga kuta laban sa lungsod na nakikipag digma sa inyo, hanggang ito ay bumagsak.

< Deuteronomii 20 >