< Ii Paralipomenon 10 >
1 Profectus est autem Roboam in Sichem: illuc enim cunctus Israel convenerat ut constituerent eum regem.
Pumunta sa Shekem si Rehoboam, dahil darating ang lahat ng mga taga-Israel sa Shekem upang gawin siyang hari.
2 Quod cum audisset Ieroboam filius Nabat, qui erat in Aegypto (fugerat quippe illuc ante Salomonem) statim reversus est.
Narinig ito ni Jeroboam na anak ni Nebat (dahil nasa Egipto siya, kung saan siya tumakas mula kay haring Solomon, ngunit bumalik si Jeroboam mula sa Ehipto).
3 Vocaveruntque eum, et venit cum universo Israel, et locuti sunt ad Roboam, dicentes:
Kaya ipinatawag nila siya, dumating si Jeroboam at ang lahat ng Israelita. Kinausap nila si Rehoboam at sinabi,
4 Pater tuus durissimo iugo nos pressit, tu leviora impera patre tuo, qui nobis imposuit gravem servitutem, et paululum de onere subleva, ut serviamus tibi.
“Ginawang mahirap ng iyong ama ang aming mga pasanin. Kaya ngayon, gawin mong mas madali ang mahirap na gawain ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na ibinigay niya sa amin at paglilingkuran ka namin.”
5 Qui ait: Post tres dies revertimini ad me. Cumque abiisset populus,
Sinabi ni Rehoboam sa kanila, “Bumalik kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw.” Kaya, umalis na ang mga tao.
6 iniit consilium cum senibus, qui steterant coram patre eius Salomone dum adhuc viveret, dicens: Quid datis consilii ut respondeam populo?
Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matandang kalalakihan na nagpayo kay Solomon na kaniyang ama noong nabubuhay pa siya. sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang mabigyan ng kasagutan ang mga taong ito?”
7 Qui dixerunt ei: Si placueris populo huic, et leniveris eos verbis clementibus, servient tibi omni tempore.
Nakipag-usap sila sa kaniya at sinabi, “Kung magiging mabuti ka sa mga taong ito at bibigyang-lugod mo sila at magsasabi ng mga mabubuting salita sa kanila, magiging alipin mo sila sa habang panahon.
8 At ille reliquit consilium senum, et cum iuvenibus tractare coepit, qui cum eo nutriti fuerant, et erant in comitatu illius.
Ngunit hindi pinakinggan ni Rehoboam ang payo na ibinigay ng mga matandang kalalakihan sa kaniya at sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki at nagpapayo sa kaniya.
9 Dixitque ad eos: Quid vobis videtur? vel respondere quid debeo populo huic, qui dixit mihi: Subleva iugum quod imposuit nobis pater tuus?
Sinabi niya sa kanila, “Ano ang maibibigay ninyong payo sa akin upang sagutin natin ang mga taong ito na nakipag-usap sa akin at sinasabi, “Pagaanin mo ang mga pasanin na ibinigay ng iyong ama sa amin'?”
10 At illi responderunt ut iuvenes, et nutriti cum eo in deliciis, atque dixerunt: Sic loqueris populo, qui dixit tibi: Pater tuus aggravavit iugum nostrum, tu subleva: et sic respondebis ei: Minimus digitus meus grossior est lumbis patris mei.
Nagsalita ang mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam na nagsasabi, “Makipag-usap ka sa mga taong nagsabi sa iyo na ginawang mabigat ng iyong amang si Solomon ang kanilang mga pasanin, na kailangan mong gawing mas magaan. Dapat mong sabihin sa kanila, 'Mas makapal ang aking hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama.
11 Pater meus imposuit vobis grave iugum, et ego maius pondus apponam: pater meus cecidit vos flagellis, ego vero caedam vos scorpionibus.
Kaya ngayon, bagaman pinapasan kayo ng aking ama ng isang mabigat na pasanin, dadagdagan ko pa ang inyong mga pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”'
12 Venit ergo Ieroboam, et universus populus ad Roboam die tertio, sicut praeceperat eis.
Kaya pumunta si Jeroboam at ang lahat ng tao kay Rehoboam sa ikatlong araw, kagaya ng iniutos ng hari sa kanila ng sabihin niya, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.”
13 Responditque rex dura, derelicto consilio seniorum:
Marahas silang sinagot ng hari. Hindi pinansin ni Haring Rehoboam ang payo ng mga matandang kalalakihan.
14 locutusque est iuxta iuvenum voluntatem: Pater meus grave vobis imposuit iugum, quod ego gravius faciam: pater meus cecidit vos flagellis, ego vero caedam vos scorpionibus.
Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, “Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
15 Et non acquievit populi precibus: erat enim voluntatis Dei ut compleretur sermo eius, quem locutus fuerat per manum Ahiae Silonitis ad Ieroboam filium Nabat.
Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
16 Populus autem universus rege duriora dicente, sic locutus est ad eum: Non est nobis pars in David, neque hereditas in filio Isai. Revertere in tabernacula tua Israel, tu autem pasce domum tuam David. Et abiit Israel in tabernacula sua.
Nang makita ng mga taga-Israel na hindi nakinig ang hari sa kanila, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Bumalik na kayong mga taga-Israel sa inyong mga tolda. Ngayon David, bahala ka ng tumingin sa iyong sariling tolda.” Kaya, bumalik na ang bawat isa sa mga Israelita sa kanilang mga tolda.
17 Super filios autem Israel, qui habitabant in civitatibus Iuda, regnavit Roboam.
Ngunit ang mga taga-Israel na nakatira sa mga lungsod ng Juda, pinamunuan sila ni Rehoboam.
18 Misitque rex Roboam Aduram, qui praeerat tributis, et lapidaverunt eum filii Israel, et mortuus est: porro rex Roboam currum festinavit ascendere, et fugit in Ierusalem.
Pagkatapos, ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram na namumuno sa sapilitang panggawa, ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa namatay siya. Kaagad na tumakas si Haring Rehoboam sakay ng kaniyang karwahe patungo sa Jerusalem.
19 Recessitque Israel a domo David, usque ad diem hanc.
Kaya, nagrerebelde ang Israel laban sa sambahayan ni David hanggang sa mga panahong ito.