< Psalmorum 51 >
1 In finem. Psalmus David, cum venit ad eum Nathan propheta, quando intravit ad Bethsabee. Miserere mei, Deus, secundum magnam misericordiam tuam; et secundum multitudinem miserationum tuarum, dele iniquitatem meam.
Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 Amplius lava me ab iniquitate mea, et a peccato meo munda me.
Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Quoniam iniquitatem meam ego cognosco, et peccatum meum contra me est semper.
Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 Tibi soli peccavi, et malum coram te feci; ut justificeris in sermonibus tuis, et vincas cum judicaris.
Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka.
5 Ecce enim in iniquitatibus conceptus sum, et in peccatis concepit me mater mea.
Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Ecce enim veritatem dilexisti; incerta et occulta sapientiæ tuæ manifestasti mihi.
Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 Asperges me hyssopo, et mundabor; lavabis me, et super nivem dealbabor.
Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Auditui meo dabis gaudium et lætitiam, et exsultabunt ossa humiliata.
Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Averte faciem tuam a peccatis meis, et omnes iniquitates meas dele.
Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Cor mundum crea in me, Deus, et spiritum rectum innova in visceribus meis.
Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Ne projicias me a facie tua, et spiritum sanctum tuum ne auferas a me.
Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Redde mihi lætitiam salutaris tui, et spiritu principali confirma me.
Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.
13 Docebo iniquos vias tuas, et impii ad te convertentur.
Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo.
14 Libera me de sanguinibus, Deus, Deus salutis meæ, et exsultabit lingua mea justitiam tuam.
Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Domine, labia mea aperies, et os meum annuntiabit laudem tuam.
Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Quoniam si voluisses sacrificium, dedissem utique; holocaustis non delectaberis.
Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 Sacrificium Deo spiritus contribulatus; cor contritum et humiliatum, Deus, non despicies.
Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18 Benigne fac, Domine, in bona voluntate tua Sion, ut ædificentur muri Jerusalem.
Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19 Tunc acceptabis sacrificium justitiæ, oblationes et holocausta; tunc imponent super altare tuum vitulos.
Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog (sila) ng mga toro sa iyong dambana.