< Psalmorum 111 >

1 Alleluja. Confitebor tibi, Domine, in toto corde meo, in consilio justorum, et congregatione.
Purihin si Yahweh. Magbibigay ako ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso sa kapulungan ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon.
2 Magna opera Domini: exquisita in omnes voluntates ejus.
Ang mga gawain ni Yahweh ay dakila, nananabik na hinihintay ng lahat nang nagnanais sa kanila.
3 Confessio et magnificentia opus ejus, et justitia ejus manet in sæculum sæculi.
Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
4 Memoriam fecit mirabilium suorum, misericors et miserator Dominus.
Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain.
5 Escam dedit timentibus se; memor erit in sæculum testamenti sui.
Nagbibigay siya ng pagkain sa kaniyang tapat na mga tagasunod. Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan.
6 Virtutem operum suorum annuntiabit populo suo,
Ipinamalas niya ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mana sa mga bansa.
7 ut det illis hæreditatem gentium. Opera manuum ejus veritas et judicium.
Ang mga gawain ng kaniyang mga kamay ay mapagkakatiwalaan at makatarungan; lahat ng kaniyang mga tagubilin ay maaasahan.
8 Fidelia omnia mandata ejus, confirmata in sæculum sæculi, facta in veritate et æquitate.
Pinatatag (sila) magpakailanman, para masiyasat nang tapat at nang wasto.
9 Redemptionem misit populo suo; mandavit in æternum testamentum suum. Sanctum et terribile nomen ejus.
Nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan; itinalaga niya ang kaniyang tipan magpakailanman; banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan.
10 Initium sapientiæ timor Domini; intellectus bonus omnibus facientibus eum: laudatio ejus manet in sæculum sæculi.
Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan; ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa. Ang kaniyang kapurihan ay mananatili magpakailanman.

< Psalmorum 111 >