< Leviticus 5 >

1 Si peccaverit anima, et audierit vocem jurantis, testisque fuerit quod aut ipse vidit, aut conscius est: nisi indicaverit, portabit iniquitatem suam.
Kung magkasala ang sinuman dahil tumanggi siyang magpatotoo nang nakasaksi siya tungkol sa isang bagay na kung saan kinakailangan niyang magpatotoo, kahit na nakita niya ito o narinig ang tungkol dito, mayroon siyang pananagutan.
2 Anima quæ tetigerit aliquid immundum, sive quod occisum a bestia est, aut per se mortuum, aut quodlibet aliud reptile: et oblita fuerit immunditiæ suæ, rea est, et deliquit:
O kung sinuman ang makakahipo ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos bilang marumi, maging patay na katawan ito ng isang marumi na mabangis na hayop o katawan ng anumang mga hayop na patay, o gumagapang na hayop, kahit na hindi sinasadyang mahipo ito ng tao, siya ay marumi at nagkasala.
3 et si tetigerit quidquam de immunditia hominis juxta omnem impuritatem, qua pollui solet, oblitaque cognoverit postea, subjacebit delicto.
O kung makakahawak siya ng karumihan ng isang tao, kung anumang karumihang iyon, at kung hindi niya alam ito, sa gayon magkakasala siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
4 Anima, quæ juraverit, et protulerit labiis suis, ut vel male quid faceret, vel bene, et idipsum juramento et sermone firmaverit, oblitaque postea intellexerit delictum suum,
O kung sinuman ay sumumpa nang padalus-dalos sa pamamagitan ng kaniyang mga labi upang gumawa ng masama, o gumawa ng mabuti, anumang sumpa ang binitiwan ng isang tao nang padalus-dalos ng may isang panunumpa, kahit na hindi niya alam ito, kapag nalaman niya ang tungkol dito, kung gayon ay magkakasala siya, sa anumang mga bagay na ito.
5 agat pœnitentiam pro peccato,
Kapag nagkasala ang isang tao sa anumang mga bagay na ito, dapat ipagtapat niya ang anumang kasalanan na kaniyang nagawa.
6 et offerat de gregibus agnam sive capram, orabitque pro ea sacerdos et pro peccato ejus.
Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan.
7 Sin autem non potuerit offerre pecus, offerat duos turtures, vel duos pullos columbarum Domino, unum pro peccato, et alterum in holocaustum,
Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin.
8 dabitque eos sacerdoti: qui primum offerens pro peccato, retorquebit caput ejus ad pennulas, ita ut collo hæreat, et non penitus abrumpatur.
Dapat niyang dalhin ang mga ito sa pari, na ihahandog ang isa para sa isang handog para sa kasalanan—pipilipitin niya ang ulo nito mula sa leeg pero hindi niya tuluyang tatanggalin ito mula sa katawan.
9 Et asperget de sanguine ejus parietem altaris; quidquid autem reliquum fuerit, faciet distillare ad fundamentum ejus, quia pro peccato est.
Pagkatapos isasaboy niya sa gilid ng altar ang kaunting dugo ng handog pambayad para sa kasalanan, at ibubuhos niya ang natitirang dugo sa pundasyon ng altar. Ito ay isang handog para sa kasalanan.
10 Alterum vero adolebit in holocaustum, ut fieri solet: rogabitque pro eo sacerdos et pro peccato ejus, et dimittetur ei.
Pagkatapos dapat niyang ihandog ang pangalawang ibon bilang isang handog na susunugin, gaya ng inilarawan sa mga tagubilin, at gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniya para sa nagawa niyang kasalanan, at patatawarin ang tao.
11 Quod si non quiverit manus ejus duos offerre turtures, aut duos pullos columbarum, offeret pro peccato suo similæ partem ephi decimam: non mittet in eam oleum, nec thuris aliquid imponet, quia pro peccato est.
Ngunit kung hindi niya kayang bumili ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, kung gayon dapat dalhin niya bilang kaniyang alay para sa kaniyang kasalanan ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina para sa handog para sa kasalanan. Hindi niya dapat lagyan ito ng langis o kahit anong insenso, dahil ito ay isang handog para sa kasalanan.
12 Tradetque eam sacerdoti: qui plenum ex ea pugillum hauriens, cremabit super altare in monimentum ejus qui obtulerit,
Dapat niya dalhin ito sa pari, at kukuha ang pari ng isang dakot nito para isipin nang may pasasalamat tungkol sa kabutihan ni Yahweh at pagkatapos sunugin ito sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng mga handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang handog para sa kasalanan.
13 rogans pro illo et expians: reliquam vero partem ipse habebit in munere.
Gagawa ang pari sa ikapapatawad ng anumang kasalanan na nagawa ng tao, at ang taong iyon ay patatawarin. Magiging pag-aari ng pari ang mga natira mula sa handog, gaya din ng handog na butil.”'
14 Locutusque est Dominus ad Moysen, dicens:
Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
15 Anima si prævaricans cæremonias, per errorem, in his quæ Domino sunt sanctificata, peccaverit, offeret pro delicto suo arietem immaculatum de gregibus, qui emi potest duobus siclis, juxta pondus sanctuarii:
“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
16 ipsumque quod intulit damni restituet, et quintam partem ponet supra, tradens sacerdoti, qui rogabit pro eo offerens arietem, et dimittetur ei.
Dapat niya bigyan ng kasiyahan si Yahweh para sa kaniyang nagawang mali kaugnay sa kung ano ang banal, at dapat niya itong dagdagan ng ikalima at ibigay ito sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng kabayaran sa kasalanan para sa kanya kasama ang lalaking tupa na handog na pambayad kasalanan, at patatawarin ang taong iyon.
17 Anima si peccaverit per ignorantiam, feceritque unum ex his quæ Domini lege prohibentur, et peccati rea intellexerit iniquitatem suam,
Kung nagkasala ang isang tao at gumawa ng anumang bagay na iniutos ni Yahweh na hindi dapat gawin, kahit na hindi niya alam ito, nagkasala pa rin siya at dapat niya dalhin ang kaniyang sariling pagkakasala.
18 offeret arietem immaculatum de gregibus sacerdoti, juxta mensuram æstimationemque peccati: qui orabit pro eo, quia nesciens fecerit: et dimittetur ei,
Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na walang kapintasan mula sa kawan, katumbas ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad sa kasalanan sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng pambayad sa kasalanan para sa kanya ukol sa kanyang nagawang kasalanan, na kung saan hindi niya alam, at siya ay papatawarin.
19 quia per errorem deliquit in Dominum.
Isang handog ito na pambayad sa kasalanan, at tiyak na nagkasala siya sa harap ni Yahweh.”

< Leviticus 5 >