< Iudicum 18 >

1 In diebus illis non erat rex in Israël, et tribus Dan quærebat possessionem sibi, ut habitaret in ea: usque ad illum enim diem inter ceteras tribus sortem non acceperat.
Sa panahong iyon walang hari sa Israel. Naghahanap ang tribo ng mga kaapu-apuhan ni Dan ng isang teritoryo para tirahan, hanggang sa araw na iyon hindi sila nakatanggap ng anumang pamana mula sa mga lipi ng Israel.
2 Miserunt ergo filii Dan stirpis et familiæ suæ quinque viros fortissimos de Saraa et Esthaol, ut explorarent terram, et diligenter inspicerent: dixeruntque eis: Ite, et considerate terram. Qui cum pergentes venissent in montem Ephraim, et intrassent domum Michæ, requieverunt ibi:
Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
3 et agnoscentes vocem adolescentis Levitæ, utentesque illius diversorio, dixerunt ad eum: Quis te huc adducit? quid hic agis? quam ob causam huc venire voluisti?
Nang malapit na sila sa bahay ni Mikias, nakilala nila ang pananalita ng binatang Levita. Kaya huminto sila at nagtanong sa kaniya, “Sino ang nagdala sa iyo dito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka nandito?”
4 Qui respondit eis: Hæc et hæc præstitit mihi Michas, et me mercede conduxit, ut sim ei sacerdos.
Sinabi niya sa kanila, “Ito ang ginawa ni Mikias sa akin: Inupahan niya ako para maging kaniyang pari.”
5 Rogaverunt autem eum ut consuleret Dominum ut scire possent an prospero itinere pergerent, et res haberet effectum.
Sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap alamin ang payo ng Diyos, para malaman namin kung magtatagumpay ba kami sa pupuntahang paglalakbay.
6 Qui respondit eis: Ite in pace: Dominus respicit viam vestram, et iter quo pergitis.
Ang sinabi ng pari sa kanila, “Umalis kayo nang payapa. Papatnubayan kayo ni Yahweh sa landas na dapat ninyong lakaran.”
7 Euntes igitur quinque viri venerunt Lais: videruntque populum habitantem in ea absque ullo timore, juxta consuetudinem Sidoniorum, securum et quietum, nullo ei penitus resistente, magnarumque opum, et procul a Sidone atque a cunctis hominibus separatum.
Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman.
8 Reversique ad fratres suos in Saraa et Esthaol, et quid egissent sciscitantibus responderunt:
Bumalik sila sa kanilang lipi sa Zora at Estaol. Tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak, “Ano ang inyong balita?”
9 Surgite, ascendamus ad eos: vidimus enim terram valde opulentam et uberem. Nolite negligere, nolite cessare: eamus, et possideamus eam: nullus erit labor.
Sinabi nila, “Halina! salakayin natin sila! Nakita namin ang lupain at ito'y napakabuti. Wala ba kayong ginagawa? Huwag bagalan ang pagsalakay at pagsakop sa lupain.
10 Intrabimus ad securos, in regionem latissimam, tradetque nobis Dominus locum, in quo nullius rei est penuria eorum quæ gignuntur in terra.
Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo.”
11 Profecti igitur sunt de cognatione Dan, id est, de Saraa et Esthaol, sexcenti viri accincti armis bellicis,
Anim na raang kalalakihan ng lipi ng Dan, mga armado ng mga pandigmang sandata, na umalis mula sa Zora at Estaol.
12 ascendentesque manserunt in Cariathiarim Judæ: qui locus ex eo tempore Castrorum Dan nomen accepit, et est post tergum Cariathiarim.
Umakyat sila at nagkampo sa Kiriath Jearim, sa Juda. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ng mga tao ang lugar na Mahaneh Dan hanggang sa araw na ito; nasa kanluran ito ng Kiriath Jearim.
13 Inde transierunt in montem Ephraim. Cumque venissent ad domum Michæ,
Umalis sila mula sa burol na bansa ng Efraim at nakarating sa bahay ni Mikias.
14 dixerunt quinque viri, qui prius missi fuerant ad considerandam terram Lais, ceteris fratribus suis: Nostis quod in domibus istis sit ephod, et theraphim, et sculptile, atque conflatile: videte quid vobis placeat.
Pagkatapos ang limang kalalakihang nagmamanman sa bansa ng Lais ay nagsabi sa kanilang kamag-anak, “Alam ba ninyo na sa mga bahay na ito ay may isang epod, mga sambahayan ng diyos, isang inukit na anyo, at isang hinulmang metal na anyo? Magpasya na ngayon kung ano ang inyong gagawin.”
15 Et cum paululum declinassent, ingressi sunt domum adolescentis Levitæ, qui erat in domo Michæ: salutaveruntque eum verbis pacificis.
Kaya bumalik sila roon at nakarating sa bahay ng binatang Levita, sa bahay ni Mikias, at kanilang binati siya.
16 Sexcenti autem viri ita ut erant armati, stabant ante ostium.
Ngayon ang anim na raang Daneo, armado ng mga sandatang pandigma, nakatayo sa pasukan ng tarangkahan.
17 At illi, qui ingressi fuerant domum juvenis, sculptile, et ephod, et theraphim, atque conflatile tollere nitebantur, et sacerdos stabat ante ostium, sexcentis viris fortissimis haud procul expectantibus.
Pumunta doon ang limang kalalakihan na nagmanman sa lupain at kinuha nila ang inukit na anyo, ang epod, at ang mga pansambahayang diyos, at ang hinulmang metal na anyo, habang nakatayo ang pari sa bungad ng tarangkahan kasama ang anim na raang armadong kalalakihan ng mga sandatang pandigma.
18 Tulerunt igitur qui intraverant sculptile, ephod, et idola, atque conflatile. Quibus dixit sacerdos: Quid facitis?
Nang ang mga ito ay pumunta sa bahay ni Mikias at kinuha ang inukit na anyo, ang epod, mga pansambahayang diyos, at hinulmang metal na anyo, sinabi ng pari sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo?”
19 Cui responderunt: Tace et pone digitum super os tuum: venique nobiscum, ut habeamus te patrem, ac sacerdotem. Quid tibi melius est, ut sis sacerdos in domo unius viri, an in una tribu et familia in Israël?
Sinabi nila sa kaniya, “Tumahimik kayo! Ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama sa amin, at maging ama at pari sa amin. Mas mabuti ba sa iyo na maging pari sa bahay ng isang lalaki, o maging pari para sa isang lipi at isang angkan sa Israel?”
20 Quod cum audisset, acquievit sermonibus eorum, et tulit ephod, et idola, ac sculptile, et profectus est cum eis.
Nagalak ang puso ng pari. Kinuha niya ang epod, mga sambahayan ng diyos at ang inukit na anyo, at sumama sa mga tao.
21 Qui cum pergerent, et ante se ire fecissent parvulos ac jumenta, et omne quod erat pretiosum,
Kaya tumalikod sila at umalis. Nilagay nila ang maliit na mga bata sa kanilang harapan, pati na rin ang mga baka at ang kanilang mga ari-arian.
22 et jam a domo Michæ essent procul, viri qui habitabant in ædibus Michæ conclamantes secuti sunt,
Nang malayo na sila mula sa bahay ni Mikias, ang mga kalalakihan na nasa mga bahay na malapit sa bahay ni Mikias ay magkasamang pinatawag, at inabutan nila ang mga Daneo.
23 et post tergum clamare cœperunt. Qui cum respexissent, dixerunt ad Micham: Quid tibi vis? cur clamas?
Sumigaw sila sa mga Daneo, at tumalikod sila at sinabi kay Mikias, “Bakit kayo magkasamang pinatawag?”
24 Qui respondit: Deos meos, quos mihi feci, tulistis, et sacerdotem, et omnia quæ habeo, et dicitis: Quid tibi est?
Sinabi niya, “Ninakaw ninyo ang mga diyos na ginawa ko, kinuha ninyo ang aking pari at aalis kayo. Ano pa ang maiiwan sa akin? Bakit ninyo ako tinatanong, 'Ano ang gumugulo sa iyo?'”
25 Dixeruntque ei filii Dan: Cave ne ultra loquaris ad nos, et veniant ad te viri animo concitati, et ipse cum omni domo tua pereas.
Sinabi ng mga tao ng Dan sa kaniya, “Hindi mo kami dapat hayaang marinig ka naming magsabi ng anumang bagay, o sasalakayin ka ng ilang galit na galit na mga kalalakihan at ikaw at iyong pamilya ay mapapatay.”
26 Et sic cœpto itinere perrexerunt. Videns autem Michas quod fortiores se essent, reversus est in domum suam.
Pagkatapos nagpatuloy ang mga tao ng Dan sa kanilang pinaroroonan. Nang nakita ni Mikias na sila ay napakalakas para sa kaniya, tumalikod siya at bumalik sa kaniyang bahay.
27 Sexcenti autem viri tulerunt sacerdotem, et quæ supra diximus: veneruntque in Lais ad populum quiescentem atque securum, et percusserunt eos in ore gladii: urbemque incendio tradiderunt,
Kinuha ng bayan ng Dan kung ano ang ginawa ni Mikias, kasama rin pati ang kaniyang pari, at nakarating sila sa Lais, sa mga tao na siyang panatag at ligtas at pinatay nila sila gamit ang espada at sinunog ang lungsod.
28 nullo penitus ferente præsidium, eo quod procul habitarent a Sidone, et cum nullo hominum haberent quidquam societatis ac negotii. Erat autem civitas sita in regione Rohob: quam rursum exstruentes habitaverunt in ea,
Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon.
29 vocato nomine civitatis Dan, juxta vocabulum patris sui, quem genuerat Israël, quæ prius Lais dicebatur.
Pinangalanan nila ang lungsod ng Dan, ang pangalan ni Dan na kanilang ninuno, na siyang isa sa mga anak na lalaki ng Israel. Pero ang dating pangalan ng lungsod ay Lais.
30 Posueruntque sibi sculptile, et Jonathan filium Gersam filii Moysi ac filios ejus sacerdotes in tribu Dan, usque ad diem captivitatis suæ.
Inilagay ng bayan ng Dan ang inukit na anyo para sa kanilang sarili. At si Jonatan, anak ni Gersom, anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay mga pari sa mga lipi ng Daneo hanggang sa araw ng pagbihag sa lupain.
31 Mansitque apud eos idolum Michæ omni tempore quo fuit domus Dei in Silo. In diebus illis non erat rex in Israël.
Kaya sinamba nila ang inukit na anyo na ginawa ni Mikias hangga't ang bahay ng Diyos ay nasa Silo.

< Iudicum 18 >