< Job 42 >
1 Respondens autem Job Domino, dixit:
Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
2 Scio quia omnia potes, et nulla te latet cogitatio.
“Alam kong kaya mong gawin ang lahat ng bagay, na wala kang layunin na mapipigilan.
3 Quis est iste qui celat consilium absque scientia? ideo insipienter locutus sum, et quæ ultra modum excederent scientiam meam.
Tinanong mo ako, 'Sino ba itong walang nalalaman na nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano?' Kaya sinabi ako ang mga bagay na hindi ko naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan ko, na hindi ko alam.
4 Audi, et ego loquar: interrogabo te, et responde mihi.
Sinabi mo sa akin, 'Makinig ka, ngayon, at magsasalita ako; magtatanong ako sa iyo ng mga bagay, at sasabihin mo sa akin.'
5 Auditu auris audivi te: nunc autem oculus meus videt te.
Narinig ko na ang tungkol sa iyo sa pandinig ng aking tainga, pero ngayon nakikita ka na ng aking mata.
6 Idcirco ipse me reprehendo, et ago pœnitentiam in favilla et cinere.
Kaya kinamumuhian ko ang sarili ko; nagsisisi ako sa alikabok at abo.”
7 Postquam autem locutus est Dominus verba hæc ad Job, dixit ad Eliphaz Themanitem: Iratus est furor meus in te, et in duos amicos tuos, quoniam non estis locuti coram me rectum, sicut servus meus Job.
Mangyaring pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Yahweh kay Elifaz ang Temaneo, “Ang aking poot ay sumiklab laban sa iyo at laban sa dalawa mong kaibigan dahil hindi ninyo sinabi ang mga katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
8 Sumite ergo vobis septem tauros et septem arietes, et ite ad servum meum Job, et offerte holocaustum pro vobis: Job autem servus meus orabit pro vobis. Faciem ejus suscipiam, ut non vobis imputetur stultitia: neque enim locuti estis ad me recta, sicut servus meus Job.
Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”
9 Abierunt ergo Eliphaz Themanites, et Baldad Suhites, et Sophar Naamathites, et fecerunt sicut locutus fuerat Dominus ad eos: et suscepit Dominus faciem Job.
Kaya sila Elifaz ang Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar ang Naamita ay umalis at ginawa kung ano ang inutos ni Yahweh sa kanila, at tinanggap ni Yahweh si Job.
10 Dominus quoque conversus est ad pœnitentiam Job, cum oraret ille pro amicis suis: et addidit Dominus omnia quæcumque fuerant Job, duplicia.
Nang ipinanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan, ibinalik ni Yahweh ang yaman niya. Binigay ni Yahweh ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
11 Venerunt autem ad eum omnes fratres sui, et universæ sorores suæ, et cuncti qui noverant eum prius, et comederunt cum eo panem in domo ejus: et moverunt super eum caput, et consolati sunt eum super omni malo quod intulerat Dominus super eum: et dederunt ei unusquisque ovem unam, et inaurem auream unam.
Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
12 Dominus autem benedixit novissimis Job magis quam principio ejus: et facta sunt ei quatuordecim millia ovium, et sex millia camelorum, et mille juga boum, et mille asinæ.
Mas pinagpala ni Yahweh ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa una; nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong pamatok ng baka, at isang libong babaeng asno.
13 Et fuerunt ei septem filii, et tres filiæ.
Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
14 Et vocavit nomen unius Diem, et nomen secundæ Cassiam, et nomen tertiæ Cornustibii.
Pinangalanan niya ang unang anak na babae na Jemima, ang pangalawa Kezia, at ang pangatlo Keren-hapuc.
15 Non sunt autem inventæ mulieres speciosæ sicut filiæ Job in universa terra: deditque eis pater suus hæreditatem inter fratres earum.
Sa buong lupain, walang babae ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job. Binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.
16 Vixit autem Job post hæc centum quadraginta annis, et vidit filios suos, et filios filiorum suorum usque ad quartam generationem:
Pagkatapos nito, nabuhay pa si Job ng 140 taon; nakita niya ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga anak ng mga anak niya, hanggang sa apat na salinlahi.
17 et mortuus est senex, et plenus dierum.
Pagkatapos namatay si Job, sa katandaan at puspos ng mga kaarawan.