< Job 27 >

1 Addidit quoque Job, assumens parabolam suam, et dixit:
At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Vivit Deus, qui abstulit judicium meum, et Omnipotens, qui ad amaritudinem adduxit animam meam.
Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 Quia donec superest halitus in me, et spiritus Dei in naribus meis,
(Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 non loquentur labia mea iniquitatem, nec lingua mea meditabitur mendacium.
Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Absit a me ut justos vos esse judicem: donec deficiam, non recedam ab innocentia mea.
Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Justificationem meam, quam cœpi tenere, non deseram: neque enim reprehendit me cor meum in omni vita mea.
Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Sit ut impius, inimicus meus, et adversarius meus quasi iniquus.
Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 Quæ est enim spes hypocritæ, si avare rapiat, et non liberet Deus animam ejus?
Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 Numquid Deus audiet clamorem ejus, cum venerit super eum angustia?
Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 aut poterit in Omnipotente delectari, et invocare Deum omni tempore?
Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Docebo vos per manum Dei quæ Omnipotens habeat, nec abscondam.
Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Ecce vos omnes nostis: et quid sine causa vana loquimini?
Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 Hæc est pars hominis impii apud Deum, et hæreditas violentorum, quam ob Omnipotente suscipient.
Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 Si multiplicati fuerint filii ejus, in gladio erunt, et nepotes ejus non saturabuntur pane:
Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 qui reliqui fuerint ex eo sepelientur in interitu, et viduæ illius non plorabunt.
Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Si comportaverit quasi terram argentum, et sicut lutum præparaverit vestimenta:
Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 præparabit quidem, sed justus vestietur illis, et argentum innocens dividet.
Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Ædificavit sicut tinea domum suam, et sicut custos fecit umbraculum.
Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Dives, cum dormierit, nihil secum auferet: aperiet oculos suos, et nihil inveniet.
Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 Apprehendet eum quasi aqua inopia: nocte opprimet eum tempestas.
Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tollet eum ventus urens, et auferet, et velut turbo rapiet eum de loco suo.
Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Et mittet super eum, et non parcet: de manu ejus fugiens fugiet.
Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 Stringet super eum manus suas, et sibilabit super illum, intuens locum ejus.
Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.

< Job 27 >