< Job 23 >
1 Respondens autem Job, ait:
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 Nunc quoque in amaritudine est sermo meus, et manus plagæ meæ aggravata est super gemitum meum.
“Kahit ngayon ay mapait ang aking dinadaing; mas mabigat ang aking paghihirap kaysa sa aking paghihinagpis.
3 Quis mihi tribuat ut cognoscam et inveniam illum, et veniam usque ad solium ejus?
O, sana alam ko kung saan ko siya matatagpuan! O, sana makalapit ako sa kinaroroonan niya!
4 Ponam coram eo judicium, et os meum replebo increpationibus:
Ilalatag ko sa kaniyang harapan ang aking kaso at pupunuin ang aking bibig ng pangangatwiran.
5 ut sciam verba quæ mihi respondeat, et intelligam quid loquatur mihi.
Matututunan ko ang mga salita na isasagot niya at mauunawaan ko ang sasabihin niya sa akin.
6 Nolo multa fortitudine contendat mecum, nec magnitudinis suæ mole me premat.
Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
7 Proponat æquitatem contra me, et perveniat ad victoriam judicium meum.
Doon maaaring makipagtalo sa kaniya ang taong matuwid. Sa ganitong paraan mapapawalang-sala ako magpakailanman ng aking hukom.
8 Si ad orientem iero, non apparet; si ad occidentem, non intelligam eum.
Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
9 Si ad sinistram, quid agam? non apprehendam eum; si me vertam ad dexteram, non videbo illum.
Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
10 Ipse vero scit viam meam, et probavit me quasi aurum quod per ignem transit.
Pero alam niya ang daanan na aking tinatahak; kapag sinubukan na niya ako, lilitaw ako tulad ng ginto.
11 Vestigia ejus secutus est pes meus: viam ejus custodivi, et non declinavi ex ea.
Nanindigan ang aking mga paa sa kaniyang mga yapak; pinanatili ko ang pamamaraan niya at hindi lumihis.
12 A mandatis labiorum ejus non recessi, et in sinu meo abscondi verba oris ejus.
Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
13 Ipse enim solus est, et nemo avertere potest cogitationem ejus: et anima ejus quodcumque voluit, hoc fecit.
Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.
14 Cum expleverit in me voluntatem suam, et alia multa similia præsto sunt ei.
Dahil isinasakatuparan niya ang mga atas niya laban sa akin; marami ang mga tulad nito.
15 Et idcirco a facie ejus turbatus sum, et considerans eum, timore sollicitor.
Kaya, natatakot ako sa kaniyang presensiya; kapag iniisip ko siya, natatakot ako sa kaniya.
16 Deus mollivit cor meum, et Omnipotens conturbavit me.
Dahil pinahina ng Diyos ang aking puso; sinindak ako ng Makapangyarihan.
17 Non enim perii propter imminentes tenebras, nec faciem meam operuit caligo.
Hindi dahil sa pinutol ako ng kadiliman, ni tinatakpan ng makapal na kadiliman ang aking mukha.