< Job 11 >

1 Respondens autem Sophar Naamathites, dixit:
Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
2 Numquid qui multa loquitur, non et audiet? aut vir verbosus justificabitur?
Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
3 Tibi soli tacebunt homines? et cum ceteros irriseris, a nullo confutaberis?
Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
4 Dixisti enim: Purus est sermo meus, et mundus sum in conspectu tuo.
Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
5 Atque utinam Deus loqueretur tecum, et aperiret labia sua tibi,
Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
6 ut ostenderet tibi secreta sapientiæ, et quod multiplex esset lex ejus: et intelligeres quod multo minora exigaris ab eo quam meretur iniquitas tua!
na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
7 Forsitan vestigia Dei comprehendes, et usque ad perfectum Omnipotentem reperies?
Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?
8 Excelsior cælo est, et quid facies? profundior inferno, et unde cognosces? (Sheol h7585)
Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol h7585)
9 Longior terra mensura ejus, et latior mari.
Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
10 Si subverterit omnia, vel in unum coarctaverit, quis contradicet ei?
Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
11 Ipse enim novit hominum vanitatem; et videns iniquitatem, nonne considerat?
Sapagkat kilala niya ang mga taong mapagpanggap; kapag nakakakita ng kasamaan, hindi ba niya napapansin ito?
12 Vir vanus in superbiam erigitur, et tamquam pullum onagri se liberum natum putat.
Pero ang mga taong hangal ay walang pang-unawa; Makukuha nila ito kapag ang isang ligaw na asno ay magsilang ng isang tao.
13 Tu autem firmasti cor tuum, et expandisti ad eum manus tuas.
Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
14 Si iniquitatem quæ est in manu tua abstuleris a te, et non manserit in tabernaculo tuo injustitia,
ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
15 tunc levare poteris faciem tuam absque macula; et eris stabilis, et non timebis.
Sa gayon ay tiyak na maitataas mo ang iyong mukha na walang tanda ng kahihiyan; tunay nga, magiging matatag ka at hindi matatakot.
16 Miseriæ quoque oblivisceris, et quasi aquarum quæ præterierunt recordaberis.
Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
17 Et quasi meridianus fulgor consurget tibi ad vesperam; et cum te consumptum putaveris, orieris ut lucifer.
Ang iyong buhay ay magiging mas maliwanag kaysa katanghaliang tapat; kahit na mayroong kadiliman, ito ay magiging gaya ng umaga.
18 Et habebis fiduciam, proposita tibi spe: et defossus securus dormies.
Magiging ligtas ka dahil may pag-asa; sa katunayan, matatagpuan mo ang iyong kaligtasan at ikaw ay makapagpapahinga nang ligtas.
19 Requiesces, et non erit qui te exterreat; et deprecabuntur faciem tuam plurimi.
At walang pwedeng tumakot sa iyo; tunay, marami ang lalapit sa iyo para humingi ng pabor.
20 Oculi autem impiorum deficient, et effugium peribit ab eis: et spes illorum abominatio animæ.
Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay.”

< Job 11 >