< Isaiæ 35 >

1 Lætabitur deserta et invia, et exsultabit solitudo, et florebit quasi lilium.
Ang ilang at ang Araba ay magagalak; at ang ilang ay magsasaya at mamumulaklak gaya ng rosas.
2 Germinans germinabit, et exsultabit lætabunda et laudans: gloria Libani data est ei, decor Carmeli et Saron; ipsi videbunt gloriam Domini, et decorem Dei nostri.
Ito ay mamumulaklak ng masagana at magsasaya na may kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay dito, ang karangyaan ng Carmelo at Sharon; makikita nila ang kaluwalhatian ni Yahweh, ang karangyaan ng ating Diyos.
3 Confortate manus dissolutas, et genua debilia roborate.
Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.
4 Dicite pusillanimis: Confortamini, et nolite timere: ecce Deus vester ultionem adducet retributionis; Deus ipse veniet, et salvabit vos.
Sabihin ninyo sa mga taong natatakot na puso, “Maging matapang kayo, huwag matakot! Pagmasdan ninyo, ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti, kasama ang paniningil ng Diyos. Darating siya at ililigtas kayo.”
5 Tunc aperientur oculi cæcorum, et aures surdorum patebunt;
Pagkatapos ang mga mata ng bulag ay makakakita, at ang mga tainga ng bingi ay makakarinig.
6 tunc saliet sicut cervus claudus, et aperta erit lingua mutorum: quia scissæ sunt in deserto aquæ, et torrentes in solitudine;
Pagkatapos ang taong pilay ay lulukso tulad ng isang usa, at ang piping dila ay aawit, dahil magkakatubig sa bukal mula sa Araba, at magkakabatis sa ilang.
7 et quæ erat arida, erit in stagnum, et sitiens in fontes aquarum. In cubilibus, in quibus prius dracones habitabant, orietur viror calami et junci.
Ang nasusunog na buhangin ay magiging isang lawa, at ang uhaw na lupa ay magiging mga bukal na tubig, sa tinitirahan ng mga asong-gubat, kung saan sila ay minsang humihiga, ay magiging damo na may mga tambo at mga talahib.
8 Et erit ibi semita et via, et via sancta vocabitur: non transibit per eam pollutus, et hæc erit vobis directa via, ita ut stulti non errent per eam.
Isang malawak na daanan ang naroroon at tinawag iyon na Ang Banal na Daan. Hindi makapaglalakbay dito ang marumi. Pero ito ay magiging sa kaniya na maglalakad dito. Walang hangal ang makapupunta dito.
9 Non erit ibi leo, et mala bestia non ascendet per eam, nec invenietur ibi; et ambulabunt qui liberati fuerint.
Hindi magkakaroon ng leon at mabangis na hayop doon; hindi sila matatagpuan doon, pero ang tinubos ay lalakad doon.
10 Et redempti a Domino convertentur, et venient in Sion cum laude, et lætitia sempiterna super caput eorum: gaudium et lætitiam obtinebunt, et fugiet dolor et gemitus.
Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.

< Isaiæ 35 >