< Isaiæ 22 >
1 Onus vallis Visionis. Quidnam quoque tibi est, quia ascendisti et tu omnis in tecta?
Isang kapahayagan tungkol sa lambak ng pangitain: Ano ang dahilan ng pagakyat ninyong lahat sa mga bubungan?
2 Clamoris plena, urbs frequens, civitas exsultans; interfecti tui, non interfecti gladio, nec mortui in bello.
Isang maingay na lungsod, isang bayan na puno ng katuwaan; hindi napatay ng espada ang inyong mga patay, at hindi sila namatay sa labanan.
3 Cuncti principes tui fugerunt simul dureque ligati sunt; omnes qui inventi sunt vincti sunt pariter; procul fugerunt.
Sama-samang tumakas ang lahat ng inyong mga pinuno, pero nahuli sila nang walang dalang mga pana, nahuli silang lahat at sama samang nabihag; tumakas sila papunta sa malalayong lugar.
4 Propterea dixi: Recedite a me: amare flebo; nolite incumbere ut consolemini me super vastitate filiæ populi mei;
Kaya sinabi ko, “Huwag ninyo akong tingnan, mapait akong hahagulgol; huwag niyo akong subukang aliwin dahil sa pagkawasak ng anak na babae ng aking bayan.”
5 dies enim interfectionis, et conculcationis, et fletuum, Domino Deo exercituum, in valle Visionis, scrutans murum, et magnificus super montem.
Dahil ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo ay may araw ng kaguluhan, pagwasak, at kalituhan. At sa lambak ng pangitain, magkakaroon ng pagkagiba ng mga pader, at pagtawag ng mga tao mula sa mga kabundukan.
6 Et Ælam sumpsit pharetram, currum hominis equitis, et parietem nudavit clypeus.
Dinala ng Elam ang lalagyan ng palaso, kasama ang mga karwahe ng mga lalake at mangangabayo, at hinahanda ng Kir ang kalasag.
7 Et erunt electæ valles tuæ plenæ quadrigarum, et equites ponent sedes suas in porta.
Mapupuno ng karwahe ang inyong mabubuting lambak, at magbabantay sa tarangkahan ang mga mangangabayo.
8 Et revelabitur operimentum Judæ, et videbis in die illa armamentarium domus saltus.
Tinanggal niya ang proteksiyon ng Juda; at sa panahon na iyon ay tumingin kayo sa mga sandata ng Palasyo ng Gubat.
9 Et scissuras civitatis David videbitis, quia multiplicatæ sunt; et congregastis aquas piscinæ inferioris,
Nakita niyo ang mga butas ng lungsod ni David, na napakarami ng mga ito, at nag imbak kayo ng tubig mula sa ibabang tubigan.
10 et domos Jerusalem numerastis, et destruxistis domos ad muniendum murum.
Binilang ninyo ang mga tahanan ng Jerusalem, giniba ninyo ang mga bahay para patibayin ang pader.
11 Et lacum fecistis inter duos muros ad aquam piscinæ veteris; et non suspexistis ad eum qui fecerat eam, et operatorem ejus de longe non vidistis.
Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader para sa tubig ng lumang tubigan. Pero hindi ninyo isinaalang-alang ang manlilikha ng lungsod, ang nagplano nito noon pa.
12 Et vocabit Dominus Deus exercituum in die illa ad fletum, et ad planctum, ad calvitium, et ad cingulum sacci;
Ang Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo sa ay tumawag sa panahong iyon para sa pagtatangis, pananaghoy, pag-aahit ng buhok sa ulo, at pagsusuot ng sako.
13 et ecce gaudium et lætitia, occidere vitulos et jugulare arietes, comedere carnes, et bibere vinum: comedamus et bibamus, cras enim moriemur.
Pero tingnan ninyo, sa halip na magdiwang at magalak, magkatay ng baka at magpakatay ng tupa, kumain ng karne at uminom ng alak; tayo ay kumain at uminon, dahil bukas ay mamamatay na tayo.
14 Et revelata est in auribus meis vox Domini exercituum: Si dimittetur iniquitas hæc vobis donec moriamini, dicit Dominus Deus exercituum.
Ipinahayag ito ni Yahweh ng mga hukbo sa aking pandinig: “Tiyak na hindi patatawarin ang inyong mga kasalanan na ito, kahit na mamatay na kayo” iyon ang sinasabi ng Panginoon, Yahweh ng mga hukbo.
15 Hæc dicit Dominus Deus exercituum: Vade, ingredere ad eum qui habitat in tabernaculo, ad Sobnam, præpositum templi, et dices ad eum:
Sinasabi ito ng Panginoon, Yahweh ng mga hukbo, “Pumunta ka sa tagapamahala, kay Shebna, na siyang namamahala sa tahanan na iyon, at sabihin mo,
16 Quid tu hic, aut quasi quis hic? quia excidisti tibi hic sepulchrum, excidisti in excelso memoriale diligenter, in petra tabernaculum tibi.
'Ano ang pagmamay-ari mo dito, sino ka, na naghukay ka ng libingan? Naghukay ng libingan sa kaitaasan, umukit sa bato ng sarili mong libingan!'”
17 Ecce Dominus asportari te faciet, sicut asportatur gallus gallinaceus; et quasi amictum, sic sublevabit te.
Tingnan mo, malapit ka nang itapon ni Yahweh, ikaw na makapangyarihan, malapit ka na niyang itapon; hahawakan ka niya ng mahigpit.
18 Coronas coronabit te tribulatione; quasi pilam mittet te in terram latam et spatiosam; ibi morieris, et ibi erit currus gloriæ tuæ, ignominia domus domini tui.
Tiyak na paiikot-ikutin ka niya, at itatapon ka sa malayong bansa gaya ng bola. Mamamatay ka roon, at papupunta doon ang dakila mong mga karwahe; magiging kahihiyan ka ng tahanan ng iyong amo!
19 Et expellam te de statione tua, et de ministerio tuo deponam te.
“Aalisin kita mula sa iyong tungkulin at mula sa iyong himpilan. Mahihila ka pababa.
20 Et erit in die illa: vocabo servum meum Eliacim, filium Helciæ,
Sa panahon na iyon, tatawagin ko ang aking lingkod na si Eliakim ang anak na lalaki ni Hilkias.
21 et induam illum tunica tua, et cingulo tuo confortabo eum, et potestatem tuam dabo in manu ejus; et erit quasi pater habitantibus Jerusalem et domui Juda.
Idadamit ko sa kaniya ang iyong tunika at ilalagay ko sa kaniya ang iyong bigkis, at ililipat ko ang iyong kapangyarihan sa kaniyang kamay. Siya ang magiging ama ng mga naninirahan sa Jerusalem at sa tahanan ng Juda.
22 Et dabo clavem domus David super humerum ejus; et aperiet, et non erit qui claudat; et claudet, et non erit qui aperiat.
Ilalagay ko sa kaniyang balikat ang susi ng tahanan ni David; bubuksan niya, at walang sinuman ang makapagsasara; isasara niya, at walang sinuman ang makapagbubukas.
23 Et figam illum paxillum in loco fideli, et erit in solium gloriæ domui patris ejus.
Patatatagin ko siya gaya ng isang pako na nakabaon ng maigi, at siya ay magiging trono ng kaluwalhatian sa tahanan ng kaniyang ama.
24 Et suspendent super eum omnem gloriam domus patris ejus; vasorum diversa genera, omne vas parvulum, a vasis craterarum usque ad omne vas musicorum.
Ilalagay nila sa kaniya ang lahat ng kaluwalhatian ng tahanan ng kaniyang ama, ang anak at mga kaapu-apuhan, bawat maliliit na sisidlan mula sa mga kopa papunta sa lahat ng mga tapayan.
25 In die illa, dicit Dominus exercituum, auferetur paxillus qui fixus fuerat in loco fideli, et frangetur, et cadet, et peribit quod pependerat in eo, quia Dominus locutus est.
Sa panahon na iyon—ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo—bibigay ang pakong kahoy na nakabaon, mababali, at malalaglag, at mapuputol ang pabigat na nakalagay dito—dahil nagsalita na si Yahweh.