< Ii Paralipomenon 18 >
1 Fuit ergo Josaphat dives et inclytus multum, et affinitate conjunctus est Achab.
Ngayon, nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Jehoshafat. Umanib siya kay Ahab sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isa sa kaniyang pamilya sa anak na babae ni Ahab.
2 Descenditque post annos ad eum in Samariam: ad cujus adventum mactavit Achab arietes et boves plurimos, ipsi, et populo qui venerat cum eo: persuasitque illi ut ascenderet in Ramoth Galaad.
Pagkatapos ng ilang taon, bumaba siya sa Samaria kung nasaan si Ahab. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at mga baka para sa kaniya at para sa mga taong kasama niya. Hinikayat din siya ni Ahab na lusubin ang Ramot-gilead kasama niya.
3 Dixitque Achab rex Israël ad Josaphat regem Juda: Veni mecum in Ramoth Galaad. Cui ille respondit: Ut ego, et tu: sicut populus tuus, sic et populus meus: tecumque erimus in bello.
Sinabi ni Ahab, na hari ng Israel, kay Jehoshafat, na hari ng Juda, “Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat sa kaniya, “Ako ay gaya mo at ang aking mga tao ay gaya ng iyong mga tao, sasamahan namin kayo sa digmaan.”
4 Dixitque Josaphat ad regem Israël: Consule, obsecro, impræsentiarum sermonem Domini.
Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap alamin mo muna ang salita ni Yahweh para sa kasagutan.”
5 Congregavit igitur rex Israël prophetarum quadringentos viros, et dixit ad eos: In Ramoth Galaad ad bellandum ire debemus, an quiescere? At illi: Ascende, inquiunt, et tradet Deus in manu regis.
Pagkatapos, tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, apat na raang lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba tayong pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi dapat?” Sinabi nila, “Sumalakay kayo, sapagkat ibibigay ng Diyos sa hari ang tagumpay.”
6 Dixitque Josaphat: Numquid non est hic prophetes Domini, ut ab illo etiam requiramus?
Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Wala na bang ibang propeta ni Yahweh dito na maaari nating hingian ng payo?
7 Et ait rex Israël ad Josaphat: Est vir unus a quo possumus quærere Domini voluntatem: sed ego odi eum, quia non prophetat mihi bonum, sed malum omni tempore: est autem Michæas filius Jemla. Dixitque Josaphat: Ne loquaris, rex, hoc modo.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang.” Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan.”
8 Vocavit ergo rex Israël unum de eunuchis, et dixit ei: Voca cito Michæam filium Jemla.
Pagkatapos, tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal at iniutos, “Dalhin mo dito si Micaias na anak ni Imla, ngayon din.”
9 Porro rex Israël, et Josaphat rex Juda, uterque sedebant in solio suo, vestiti cultu regio: sedebant autem in area juxta portam Samariæ, omnesque prophetæ vaticinabantur coram eis.
Ngayon ang hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kani-kanilang trono, suot ang kanilang damit na panghari, sa lantad na lugar sa pasukan ng tarangkahan ng Samaria, at lahat ng propeta ay nagpapahayag ng propesiya sa harap nila.
10 Sedecias vero filius Chanaana fecit sibi cornua ferrea, et ait: Hæc dicit Dominus: His ventilabis Syriam, donec conteras eam.
Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, “Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'”
11 Omnesque prophetæ similiter prophetabant, atque dicebant: Ascende in Ramoth Galaad, et prosperaberis, et tradet eos Dominus in manu regis.
At pareho ang ipinahayag ng lahat ng propeta, sinasabi, “Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtagumpay, sapagkat ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
12 Nuntius autem qui ierat ad vocandum Michæam, ait illi: En verba omnium prophetarum uno ore bona regi annuntiant: quæso ergo te ut et sermo tuus ab eis non dissentiat, loquarisque prospera.
Ang mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias ay nagsalita sa kaniya, sinasabi, “Ngayon tingnan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng mabubuting bagay sa hari na iisa ang sinasabi. Pakiusap hayaan mong ang iyong salita ay maging tulad ng salita ng isa sa kanila at sabihin mo ang mabubuting bagay.”
13 Cui respondit Michæas: Vivit Dominus, quia quodcumque dixerit mihi Deus meus, hoc loquar.
Sumagot si Micaias, “Sa ngalan ni Yahweh na buhay magpakailanman, ang sinasabi ng Diyos ang aking sasabihin.”
14 Venit ergo ad regem. Cui rex ait: Michæa, ire debemus in Ramoth Galaad ad bellandum, an quiescere? Cui ille respondit: Ascendite: cuncta enim prospera evenient, et tradentur hostes in manus vestras.
Nang dumating siya sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Micaias, dapat ba kaming pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi?” Sumagot si Micaias sa kaniya, “Sumalakay kayo at maging matagumpay! Sapagkat ito ay magiging malaking tagumpay.”
15 Dixitque rex: Iterum atque iterum te adjuro, ut mihi non loquaris, nisi quod verum est in nomine Domini.
Pagkatapos, sinabi ng hari sa kaniya, “Ilang beses ba kitang dapat utusan na mangakong wala kang ibang sasabihin sa akin kundi ang katotohanan sa ngalan ni Yahweh?”
16 At ille ait: Vidi universum Israël dispersum in montibus, sicut oves absque pastore: et dixit Dominus: Non habent isti dominos: revertatur unusquisque in domum suam in pace.
Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'”
17 Et ait rex Israël ad Josaphat: Nonne dixi tibi quod non prophetaret iste mihi quidquam boni, sed ea quæ mala sunt?
Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi siya maghahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin, kundi kapahamakan lamang?”
18 At ille: Idcirco, ait, audite verbum Domini: vidi Dominum sedentem in solio suo, et omnem exercitum cæli assistentem ei a dextris et a sinistris.
Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kaya dapat pakinggan ninyong lahat ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo ng langit ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
19 Et dixit Dominus: Quis decipiet Achab regem Israël ut ascendat et corruat in Ramoth Galaad? Cumque diceret unus hoc modo, et alter alio,
Sinabi ni Yahweh, “Sino ang mag-uudyok kay Ahab na hari ng Israel upang siya ay pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead?' At sumagot ang isa sa ganitong paraan, at ang isa pa ay sumagot sa ganoong paraan.
20 processit spiritus, et stetit coram Domino, et ait: Ego decipiam eum. Cui Dominus: In quo, inquit, decipies?
Pagkatapos ay pumunta sa harap ang espiritu, tumayo sa harap ni Yahweh at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi ni Yahweh sa kaniya, 'Paano?'
21 At ille respondit: Egrediar, et ero spiritus mendax in ore omnium prophetarum ejus. Dixitque Dominus: Decipies, et prævalebis: egredere, et fac ita.
Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'
22 Nunc igitur, ecce Dominus dedit spiritum mendacii in ore omnium prophetarum tuorum, et Dominus locutus est de te mala.
Ngayon tingnan mo, naglagay si Yahweh ng sinungaling na espiritu sa bibig ng mga propeta mo, at iniutos ni Yahweh ang kapahamakan para sa iyo.”
23 Accessit autem Sedecias filius Chanaana, et percussit Michææ maxillam, et ait: Per quam viam transivit spiritus Domini a me, ut loqueretur tibi?
Pagkatapos, lumapit si Zedekias na anak ni Quenaana at sinampal sa pisngi si Micaias, at sinabi, “Saan dumaan ang Espiritu ni Yahweh na umalis mula sa akin upang magsalita sa iyo?”
24 Dixitque Michæas: Tu ipse videbis in die illo, quando ingressus fueris cubiculum de cubiculo ut abscondaris.
Sinabi ni Micaias, “Tingnan mo, malalaman mo iyan sa araw na ikaw ay tatakbo sa pinakaloob na silid upang magtago.”
25 Præcepit autem rex Israël, dicens: Tollite Michæam, et ducite eum ad Amon principem civitatis, et ad Joas filium Amelech.
Sinabi ng hari ng Israel sa ilang utusan, “Kayong mga tao, hulihin ninyo si Micaias at dalhin kay Ammon, na gobernador ng lungsod, at kay Joas na aking anak.
26 Et dicetis: Hæc dicit rex: Mittite hunc in carcerem, et date ei panis modicum, et aquæ pauxillum, donec revertar in pace.
Sasabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng hari, Ikulong mo ang lalaking ito at pakainin siya ng kaunting tinapay at kaunting tubig lamang, hanggang sa makabalik ako nang ligtas.'”
27 Dixitque Michæas: Si reversus fueris in pace, non est locutus Dominus in me. Et ait: Audite, omnes populi.
Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kung babalik ka nang ligtas, kung gayon ay hindi nagsalita si Yahweh sa pamamagitan ko.” At idinagdag niya, “Makinig kayo rito, lahat kayong mga tao.”
28 Igitur ascenderunt rex Israël et Josaphat rex Juda in Ramoth Galaad.
Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at si Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay nakipaglaban sa Ramot-gilead.
29 Dixitque rex Israël ad Josaphat: Mutabo habitum, et sic ad pugnam vadam: tu autem induere vestibus tuis. Mutatoque rex Israël habitu, venit ad bellum.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa labanan, ngunit isuot mo ang iyong damit na panghari.” Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel, at pumunta sa labanan.
30 Rex autem Syriæ præceperat ducibus equitatus sui, dicens: Ne pugnetis contra minimum aut contra maximum, nisi contra solum regem Israël.
Nagutos ang hari ng Aram sa mga kapitan ng kaniyang karwahe, sinasabi, “Huwag ninyong salakayin ang mga hindi mahalaga o mahalagang kawal. Sa halip, salakayin lamang ninyo ang hari ng Israel.”
31 Itaque cum vidissent principes equitatus Josaphat, dixerunt: Rex Israël est iste. Et circumdederunt eum dimicantes: at ille clamavit ad Dominum, et auxiliatus est ei, atque avertit eos ab illo.
At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe si Jehoshafat, sinabi nila, “Iyon ang hari ng Israel.” Umikot sila upang salakayin siya, ngunit sumigaw si Jehoshafat, at tinulungan siya ni Yahweh. Pinaalis sila ni Yahweh palayo sa kaniya.
32 Cum enim vidissent duces equitatus quod non esset rex Israël, reliquerunt eum.
At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, tumigil sila sa paghahabol sa kaniya.
33 Accidit autem ut unus e populo sagittam in incertum jaceret, et percuteret regem Israël inter cervicem et scapulas. At ille aurigæ suo ait: Converte manum tuam, et educ me de acie, quia vulneratus sum.
Ngunit may isang taong humatak sa kaniyang pana nang sapalaran at tinamaan ang hari ng Israel, sa pagitan ng pinagdugtungan ng kaniyang baluti. Pagkatapos ay sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwahe, “Lumiko ka at dalhin mo ako palayo sa labanan, sapagkat malubha akong nasugatan.”
34 Et finita est pugna in die illo: porro rex Israël stabat in curru suo contra Syros usque ad vesperam, et mortuus est occidente sole.
Lumala ang labanan sa araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nanatili sa kaniyang karwahe na nakaharap sa mga taga-Aram hanggang gabi. Nang lumulubog na ang araw, namatay siya.