< I Paralipomenon 27 >

1 Filii autem Israël secundum numerum suum, principes familiarum, tribuni, et centuriones, et præfecti, qui ministrabant regi juxta turmas suas, ingredientes et egredientes per singulos menses in anno, viginti quatuor millibus singuli præerant.
Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan.
2 Primæ turmæ in primo mense Jesboam præerat filius Zabdiel, et sub eo viginti quatuor millia;
Ang namahala sa pangkat ng unang buwan ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel. Sa kaniyang pangkat ay mayroong 24, 000 kalalakihan.
3 de filiis Phares, princeps cunctorum principum in exercitu mense primo.
Kabilang siya sa mga kaapu-apuhan ni Peres at nangangasiwa sa lahat ng mga opisyal ng hukbo para sa unang buwan.
4 Secundi mensis habebat turmam Dudia Ahohites, et post se alter nomine Macelloth, qui regebat partem exercitus viginti quatuor millium.
Ang namamahala sa pangkat sa ikalawang buwan ay si Dodai, mula sa angkan na nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Aho. Si Miclot ang nasa ikalawang tungkulin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
5 Dux quoque turmæ tertiæ in mense tertio erat Banaias filius Jojadæ sacerdos: et in divisione sua viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng hukbo para sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada, na pari at pinuno. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
6 Ipse est Banaias fortissimus inter triginta, et super triginta: præerat autem turmæ ipsius Amizabad filius ejus.
Ang Benaias na ito ang siyang pinuno ng tatlumpo at namamahala sa tatlumpo. Si Amizabad na kaniyang anak ay nasa kaniyang pangkat.
7 Quartus, mense quarto, Asahel frater Joab, et Zabadias filius ejus post eum: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab. Ang kaniyang anak na si Zebadias ang naging pinuno ng mga kawal pagkatapos niya. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
8 Quintus, mense quinto, princeps Samaoth Jezerites: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhut, isa sa mga kaapu-apuhan ni Ishar. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
9 Sextus, mense sexto, Hira filius Acces Thecuites: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaanim na buwan ay si Ira na mula sa Tekoa na anak ni Ikes. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
10 Septimus, mense septimo, Helles Phallonites de filiis Ephraim: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikapitong buwan ay si Helez na Pelonita, mula sa mga tao ng Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
11 Octavus, mense octavo, Sobochai Husathites de stirpe Zarahi: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikawalong buwan ay si Sibecai na Husatita mula sa angkan ng Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
12 Nonus, mense nono, Abiezer Anathothites de filiis Jemini: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita, mula sa tribo ni Benjamin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 mga kalalakihan.
13 Decimus, mense decimo, Marai, et ipse Netophathites de stirpe Zarai: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mg kawal para sa ikasampung buwan ay si Maharai mula sa lungsod ng Netofa mula sa angkan ni Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
14 Undecimus, mense undecimo, Banaias Pharathonites de filiis Ephraim: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing isang buwan ay si Benaias mula sa lungsod ng Piraton, mula sa tribo ni Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
15 Duodecimus, mense duodecimo, Holdai Netophathites, de stirpe Gothoniel: et in turma ejus viginti quatuor millia.
Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na mula sa Netofa mula sa angkan ni Otniel. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
16 Porro tribubus præerant Israël, Rubenitis, dux Eliezer filius Zechri: Simeonitis, dux Saphatias filius Maacha:
Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Para sa tribo ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri ang pinuno. Para sa tribo ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca ang pinuno.
17 Levitis, Hasabias filius Camuel: Aaronitis, Sadoc:
Para sa tribo ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel ang pinuno at pinangunahan ni Zadok ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
18 Juda, Eliu frater David: Issachar, Amri filius Michaël.
Para sa tribo ni Juda, si Elihu na isa sa mga kapatid ni David ang pinuno. Para sa tribo ni Isacar, si Omri na anak ni Micael ang pinuno.
19 Zabulonitis, Jesmaias filius Abdiæ: Nephthalitibus, Jerimoth filius Ozriel:
Para sa tribo ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias ang pinuno. Para sa tribo ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel ang pinuno.
20 filiis Ephraim, Osee filius Ozaziu: dimidiæ tribui Manasse, Joël filius Phadaiæ:
Para sa tribo ni Efraim, si Hosea na anak ni Azarias ang pinuno. Para sa kalahating tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias ang pinuno.
21 et dimidiæ tribui Manasse in Galaad, Jaddo filius Zachariæ: Benjamin autem, Jasiel filius Abner:
Para sa kalahating tribo ni Manases na nasa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias ang pinuno. Para sa tribo ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner ang pinuno.
22 Dan vero, Ezrihel filius Jeroham: hi principes filiorum Israël.
Para sa tribo ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham ang pinuno. Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel.
23 Noluit autem David numerare eos a viginti annis inferius: quia dixerat Dominus ut multiplicaret Israël quasi stellas cæli.
Hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mas bata pa, sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit.
24 Joab filius Sarviæ cœperat numerare, nec complevit: quia super hoc ira irruerat in Israël, et idcirco numerus eorum qui fuerant recensiti, non est relatus in fastos regis David.
Sinimulang bilangin ni Joab na anak ni Zeruias ang mga kalalakihan, ngunit hindi niya natapos. Dumating sa Israel ang galit dahil dito. Hindi naisulat ang bilang na ito sa Kasaysayan ni Haring David.
25 Super thesauros autem regis fuit Azmoth filius Adiel: his autem thesauris, qui erant in urbibus, et in vicis, et in turribus, præsidebat Jonathan filius Oziæ.
Si Azmavet na anak ni Abdiel ang namahala sa kaban ng yaman ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namahala sa mga bahay-imbakan sa bukid, sa lungsod, at sa mga nayon at sa mga pinatibay na mga tore.
26 Operi autem rustico, et agricolis qui exercebant terram, præerat Ezri filius Chelub:
Si Ezri na anak ni Kelub ang namahala sa mga magsasakang nag-aararo ng lupa.
27 vinearumque cultoribus, Semeias Romathites: cellis autem vinariis, Zabdias Aphonites.
Si Simei na mula sa Rama ang namahala ng mga ubasan, at Si Zabdi na mula sa Sephan ang namahala ng mga ubas at ang mga imbakan ng alak.
28 Nam super oliveta et ficeta quæ erant in campestribus, Balanam Gederites: super apothecas autem olei, Joas.
Si Baal Hahan na mula sa Geder ang namahala sa mga punong olibo at mga puno ng sicamoro na nasa mga mabababang lugar, at si Joas ang namahala sa mga imbakan ng langis.
29 Porro armentis quæ pascebantur in Saron, præpositus fuit Setrai Saronites: et super boves in vallibus, Saphat filius Adli:
Pinamahalaan ni Sitrai na mula sa Saron ang mga kawan na pinapastulan sa Saron, at pinamahalaan ni Safat na anak ni Adlai ang mga kawan na nasa mga lambak.
30 super camelos vero, Ubil Ismahelites: et super asinos, Jadias Meronathites:
Sa mga kamelyo, si Obil na Ismaelita ang namahala, at si Jedeias na mula sa Meronot ang namahala sa mga babaeng asno. Si Jaziz na Hagrita ang namahala sa mga kawan.
31 super oves quoque, Jaziz Agareus: omnes hi, principes substantiæ regis David.
Lahat ng ito ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ni Haring David.
32 Jonathan autem patruus David, consiliarius, vir prudens et litteratus: ipse et Jahiel filius Hachamoni erant cum filiis regis.
Si Jonatan na tiyo ni David, ay isang tagapayo, sapagkat isa siyang marunong na tao at isang eskriba. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nangalaga sa mga anak na lalaki ng hari.
33 Achitophel etiam consiliarius regis, et Chusai Arachites amicus regis.
Si Ahitofel ang tagapayo ng hari, at si Husai na mula sa mga tao ng Arkita ay sariling taga-payo ng hari.
34 Post Achitophel fuit Jojada filius Banaiæ, et Abiathar. Princeps autem exercitus regis erat Joab.
Kinuha ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar ang tungkulin ni Ahitofel. Si Joab ang pinuno ng hukbo ng mga kawal ng hari.

< I Paralipomenon 27 >