< Iosue 15 >
1 Igitur sors filiorum Iudæ per cognationes suas ista fuit: A termino Edom, desertum Sin contra Meridiem, et usque ad extremam partem australis plagæ.
At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.
2 initium eius a summitate maris salsissimi, et a lingua eius, quæ respicit Meridiem.
At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:
3 Egrediturque contra Ascensum Scorpionis, et pertransit in Sina: ascenditque in Cadesbarne, et pervenit in Esron, ascendens ad Addar, et circuiens Carcaa,
At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:
4 atque inde pertransiens in Asemona, et perveniens ad Torrentem Ægypti: eruntque termini eius mare magnum. hic erit finis meridianæ plagæ.
At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.
5 Ab Oriente vero erit initium, mare salsissimum usque ad extrema Iordanis: et ea quæ respiciunt ad Aquilonem a lingua maris usque ad eundem Iordanis fluvium.
At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:
6 ascenditque terminus in Beth hagla, et transit ab Aquilone in Beth Araba: ascendens ad lapidem Boen filii Ruben.
At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben:
7 et tendens usque ad terminos Debera de Valle Achor, contra Aquilonem respiciens Galgala, quæ est ex adverso Ascensionis Adommim, ab australi parte torrentis: transitque aquas, quæ vocantur Fons solis: et erunt exitus eius ad Fontem rogel.
At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel:
8 ascenditque per convallem filii Ennom ex latere Iebusæi ad Meridiem, hæc est Ierusalem: et inde se erigens ad verticem montis, qui est contra Geennom ad Occidentem in summitate Vallis Raphaim contra Aquilonem.
At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
9 pertransitque a vertice montis usque ad fontem aquæ Nephtoa: et pervenit usque ad vicos montis Ephron: inclinaturque in Baala, quæ est Cariathiarim, id est, urbs silvarum.
At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):
10 et circuit de Baala contra Occidentem, usque ad montem Seir: transitque iuxta latus montis Iarim ad Aquilonem in Cheslon: et descendit in Bethsames, transitque in Thamna.
At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna.
11 et pervenit contra Aquilonem partis Accaron ex latere: inclinaturque Sechrona, et transit montem Baala: pervenitque in Iebneel, et magni maris contra occidentem fine concluditur.
At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.
12 hi sunt termini filiorum Iuda per circuitum in cognationibus suis.
At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
13 Caleb vero filio Iephone dedit partem in medio filiorum Iuda, sicut præceperat ei Dominus: Cariath Arbe patris Enac, ipsa est Hebron.
At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
14 Delevitque ex ea Caleb tres filios Enac, Sesai et Ahiman et Tholmai de stirpe Enac.
At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
15 Atque inde conscendens venit ad habitatores Dabir, quæ prius vocabatur Cariath Sepher, id est, civitas litterarum.
At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
16 Dixitque Caleb: Qui percusserit Cariath Sepher, et ceperit eam, dabo ei Axam filiam meam uxorem.
At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
17 Cepitque eam Othoniel filius Cenez frater Caleb iunior: deditque ei Axam filiam suam uxorem.
At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
18 Quæ, cum pergerent simul, suasa est a viro suo ut peteret a patre suo agrum, suspiravitque ut sedebat in asino. Cui Caleb: Quid habes, inquit?
At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
19 At illa respondit: Da mihi benedictionem: Terram australem et arentem dedisti mihi, iunge et irriguam. Dedit itaque ei Caleb irriguum superius et inferius.
At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
20 Hæc est possessio tribus filiorum Iuda per cognationes suas.
Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
21 Erantque civitates ab extremis partibus filiorum Iuda iuxta terminos Edom a Meridie: Cabseel et Eder et Iagur,
At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
22 et Cyna et Dimona et Adada,
At Cina, at Dimona, at Adada,
23 et Cades, et Asor, et Iethnam,
At Cedes, at Asor, at Itnan,
24 Ziph et Telem et Baloth,
At Ziph, at Telem, at Bealoth,
25 Asor nova et Carioth, Hesron, hæc est Asor.
At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),
26 Amam, Sama, et Molada,
Amam, at Sema, at Molada,
27 et Asergadda et Hassemon et Bethphelet,
At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,
28 et Hasersual et Bersabee et Baziothia,
At Hasar-sual, at Beer-seba, at Bizotia,
29 et Baala et Iim et Esem,
Baala, at Iim, at Esem,
30 et Eltholad et Cesil et Harma,
At Eltolad, at Cesil, at Horma,
31 et Siceleg et Medemena et Sensenna,
At Siclag, at Madmanna, at Sansana,
32 Lebaoth et Selim et Aen et Remon. omnes civitates vigintinovem, et villæ earum.
At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.
33 In campestribus vero: Estaol et Sarea et Asena,
Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,
34 et Zanoe et Ængannim et Taphua et Enaim,
At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at En-am,
35 et Ierimoth et Adullam, Socho et Azeca,
Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,
36 et Saraim et Adithaim et Gedera et Gederothaim: urbes quattuordecim, et villæ earum.
At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
37 Sanan et Hadassa et Magdalgad,
Senan, at Hadasa, at Migdalgad;
38 Delean et Masepha et Iecthel,
At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,
39 Lachis et Bascath et Eglon,
Lachis, at Boscat, at Eglon,
40 Chebbon et Leheman et Cethlis
At Cabon, at Lamas, at Chitlis;
41 et Gideroth et Bethdagon et Naama et Maceda: civitates sedecim, et villæ earum.
At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
42 Labana et Ether et Asan,
Libna, at Ether, at Asan,
43 Iephtha et Esna et Nesib,
At Jiphta, at Asna, at Nesib,
44 et Ceila et Achzib et Maresa: civitates novem, et villæ earum.
At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
45 Accaron cum vicis et villulis suis.
Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
46 Ab Accaron usque ad mare: omnia quæ vergunt ad Azotum et viculos eius.
Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.
47 Azotus cum vicis et villulis suis. Gaza cum vicis et villulis suis, usque ad torrentem Ægypti, et mare magnum terminus eius.
Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.
48 Et in monte: Samir et Iether et Socoth
At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,
49 et Danna et Cariathsenna, hæc est Dabir:
At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),
50 Anab et Istemo et Anim,
At Anab, at Estemo, at Anim;
51 Gosen et Olon et Gilo: civitates undecim et villæ earum.
At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
52 Arab et Ruma et Esaan,
Arab, at Dumah, at Esan,
53 et Ianum et Beththaphua et Apheca,
At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:
54 Athmatha et Cariath Arbe, hæc est Hebron, et Sior: civitates novem, et villæ earum.
At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
55 Maon et Carmel et Ziph et Iota,
Maon, Carmel, at Ziph, at Juta,
56 Iezrael et Iucadam et Zanoe,
At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,
57 Accain Gabaa et Thamna: civitates decem, et villæ earum.
Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
58 Halhul, et Besur, et Gedor,
Halhul, Beth-zur, at Gedor.
59 Mareth, et Bethanoth, et Eltecon: civitates sex et villæ earum.
At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
60 Cariathbaal, hæc est Cariathiarim urbs silvarum, et Arebba: civitates duæ, et villæ earum.
Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
61 In deserto Betharaba, Meddin, et Sachacha
Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;
62 et Nebsan, et civitas salis, et Engaddi: civitates sex, et villæ earum.
At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
63 Iebusæum autem habitatorem Ierusalem non potuerunt filii Iuda delere: habitavitque Iebusæus cum filiis Iuda in Ierusalem usque in præsentem diem.
At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.