< Job 35 >

1 Igitur Eliu hæc rursum locutus est:
Higit pa rito nagpatuloy si Elihu, sinasabing, “
2 Numquid æqua tibi videtur tua cogitatio, ut diceres: Iustior sum Deo?
Sa tingin mo wala kang sala? Iniisip mo ba na, “Mas matuwid ako kaysa sa Diyos?”
3 Dixisti enim: Non tibi placet quod rectum est: vel quid tibi proderit, si ego peccavero?
Dahil sabi mo, “Ano pang silbi sakin na matuwid ako? Anong kabutihan ang maidudulot nito para sa akin, kung mas mabuti pa kung nagkasala ako?”
4 Itaque ego respondebo sermonibus tuis, et amicis tuis tecum.
Sasagutin kita, ikaw at ang iyong mga kaibigan.
5 Suspice cælum et intuere, et contemplare æthera quod altior te sit.
Tumingala ka sa himpapawid, at tingnan mo ito; tingnan mo ang himpapawid, na mas mataas kaysa sa iyo.
6 Si peccaveris, quid ei nocebis? et si multiplicatæ fuerint iniquitates tuæ, quid facies contra eum?
Kung nagkasala ka, anong pinsala ang nagawa mo sa Diyos? Kung maipon ang iyong mga kasalanan, ano ang ginagawa mo sa kaniya?
7 Porro si iuste egeris, quid donabis ei, aut quid de manu tua accipiet?
Kung ikaw ay matuwid, ano ang maibibigay mo sa kaniya? Ano ang matatanggap niya mula sa iyong kamay?
8 Homini, qui similis tui est, nocebit impietas tua: et filium hominis adiuvabit iustitia tua.
Maaaring makasakit ang iyong kasamaan sa tao, na katulad mo at maaring pakinabangan ng ibang mga anak ng tao ang iyong katuwiran.
9 Propter multitudinem calumniatorum clamabunt: et eiulabunt propter vim brachii tyrannorum.
Dahil sa maraming pang-aapi, umiiyak ang mga tao; tumawag sila ng tulong mula sa kamay ng mga malalakas na tao.
10 Et non dixit: Ubi est Deus, qui fecit me, qui dedit carmina in nocte,
Pero, walang nagsabi, “Nasaan ang aking Diyos na aking manlilikha, na nagbibigay ng mga awitin sa gabi,
11 Qui docet nos super iumenta terræ, et super volucres cæli erudit nos.
na nagtuturo sa amin na mas higit sa pagtuturo niya sa mga hayop sa lupa, at ginagawa kaming mas matalino kaysa sa mga ibon sa himpapawid?'
12 Ibi clamabunt, et non exaudiet, propter superbiam malorum.
Doon umiyak sila, pero hindi nagbigay ang Diyos ng kasagutan dahil sa pagmamataas ng mga masasamang tao.
13 Non ergo frustra audiet Deus, et Omnipotens causas singulorum intuebitur.
Tiyak na hindi pakikinggan ng Diyos ang iyak ng isang hangal; hindi papansinin ito ng Makapangyarihan.
14 Etiam cum dixeris: Non considerat: iudicare coram illo, et expecta eum.
Paano pa kaya siya sasagot sa iyo kung sinasabi mo na hindi mo siya nakikita, na nasa harapan niya ang iyong kaso, at naghihintay ka sa kaniya!
15 Nunc enim non infert furorem suum, nec ulciscitur scelus valde.
Paano pa kaya siya sasagot sa iyo kung sinasabi mo na kailanman hindi niya pinarurusahan ang sinuman dahil sa galit, at wala siyang pakialam sa kayabangan ng mga tao.
16 Ergo Iob frustra aperit os suum, et absque scientia verba multiplicat.
Kaya binubuksan lang ni Job ang kaniyang bibig para lamang magsalita ng kahangalan; marami siyang sinasabi na walang kaalaman.”

< Job 35 >