< Titum 2 >

1 Tu autem loquere quæ decent sanam doctrinam:
Ngunit ikaw, sabihin ang tama kasama ng tapat na pagtuturo.
2 Senes ut sobrii sint, pudici, prudentes, sani in fide, in dilectione, in patientia:
Ang mga nakatatandang lalake ay dapat maging mahinahon, marangal, matino, nasa tamang pananampalataya, sa pag-ibig, at sa katiyagaan.
3 Anus similiter in habitu sancto, non criminatrices, non multo vino servientes, bene docentes:
Ang mga nakatatandang babae gayon din dapat laging ipakilalang sila rin ay kagalang-galang at hindi mga tsismosa. Sila ay hindi dapat inalipin ng sobrang alak. Sila ay dapat nagtuturo ng kung ano ang mabuti
4 ut prudentiam doceant adolescentulas, ut viros suos ament, filios suos diligant,
upang masanay ang mga nakababatang babae sa matinong pagmamahal sa kanilang sariling mga asawa at mga anak.
5 prudentes, castas, sobrias, domus curam habentes, benignas, subditas viris suis: ut non blasphemetur Verbum Dei.
Sila ang dapat magsanay sa kanila na maging matino, dalisay, mga mabuting tagapangalaga ng tahanan at masunurin sa kanilang sariling mga asawa. Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang ang Salita ng Diyos ay hindi maalipusta.
6 Iuvenes similiter hortare ut sobrii sint.
Sa parehong paraan, himukin ninyo ang mga nakababatang lalake upang maging matino.
7 In omnibus teipsum præbe exemplum bonorum operum, in doctrina, in integritate, in gravitate,
Sa lahat ng paraan, ihayag ang inyong sarili bilang isang huwaran ng mabubuting gawa; at kapag nagtuturo kayo, ipakita ang katapatan at karangalan.
8 verbum sanum, irreprehensibile: ut is, qui ex adverso est, vereatur, nihil habens malum dicere de nobis:
Magpahayag ng isang mensahe na nakapagpapalakas at walang kapintasan, kaya yaong sinuman ang sumasalungat ay mapahiya, dahil wala siyang masamang masasabi tungkol sa atin.
9 Servos dominis suis subditos esse, in omnibus placentes, non contradicentes,
Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila.
10 non fraudantes, sed in omnibus fidem bonam ostendentes: ut doctrinam Salvatoris nostri Dei ornent in omnibus.
Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas.
11 Apparuit enim gratia Dei Salvatoris nostri omnibus hominibus,
Pagkat ang biyaya ng Diyos ay nahayag sa lahat ng tao.
12 erudiens nos, ut abnegantes impietatem, et sæcularia desideria: sobrie, et iuste, et pie vivamus in hoc sæculo, (aiōn g165)
Ito ay nagsasanay sa atin na tumanggi sa walang kabanalan at makamundong pagkahumaling. Ito ang nagsanay sa ating mamuhay ng matino, makatarungan at sa makadiyos na paraan sa kapanahunan ngayon (aiōn g165)
13 expectantes beatam spem, et adventum gloriæ magni Dei, et Salvatoris nostri Iesu Christi:
habang tayo ay nag-aabang sa pagtanggap ng ating pinagpalang pag-asa, ang kahayagan ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
14 qui dedit semetipsum pro nobis, ut nos redimeret ab omni iniquitate, et mundaret sibi populum acceptabilem, sectatorem bonorum operum.
Ibinigay ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kawalan ng batas at gawing dalisay, para sa kanyang sarili, isang natatanging mga tao na sabik sa paggawa ng mabubuti.
15 Hæc loquere, et exhortare, et argue cum omni imperio. Nemo te contemnat.
Ipahayag mo at ang lahat ng mga ito sa pagpalakas ng loob. Magbigay ng pag-aayos kasama lahat ng kapangyarihan. Huwag mong hayaang may isang magpasawalang bahala sa iyo.

< Titum 2 >