< Iosue 7 >
1 Filii autem Israel prævaricati sunt mandatum, et usurpaverunt de anathemate. Nam Achan filius Charmi, filii Zabdi, filii Zare de tribu Iuda, tulit aliquid de anathemate: iratusque est Dominus contra filios Israel.
Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
2 Cumque mitteret Iosue de Iericho viros contra Hai, quæ est iuxta Bethaven, ad Orientalem plagam oppidi Bethel, dixit eis: Ascendite, et explorate Terram. Qui præcepta complentes exploraverunt Hai.
Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, “Umakyat kayo at manmanan ang lupain.” Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai.
3 Et reversi dixerunt ei: Non ascendat omnis populus, sed duo vel tria millia virorum pergant, et deleant civitatem: quare omnis populus frustra vexabitur contra hostes paucissimos?
Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, “Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang.”
4 Ascenderunt ergo tria millia pugnatorum. Qui statim terga vertentes,
Kaya mahigit tatlong libong kalalakihan lamang ang pumunta mula sa hukbo, pero tumakas ang mga ito mula sa mga kalalakihan ng Ai.
5 percussi sunt a viris urbis Hai, et corruerunt ex eis triginta sex homines: persecutique sunt eos adversarii de porta usque ad Sabarim, et ceciderunt per prona fugientes: pertimuitque cor populi, et instar aquæ liquefactum est.
Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.
6 Iosue vero scidit vestimenta sua, et pronus cecidit in terram coram arca Domini usque ad vesperam, tam ipse quam omnes senes Israel: miseruntque pulverem super capita sua,
Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
7 et dixit Iosue: Heu Domine Deus, quid voluisti traducere populum istum Iordanem fluvium, ut traderes nos in manus Amorrhæi, et perderes? Utinam ut cœpimus, mansissemus trans Iordanem.
Pagkatapos sinabi ni Josue, “Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!
8 Mi Domine Deus quid dicam, videns Israelem hostibus suis terga vertentem?
Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway!
9 Audient Chananæi, et omnes habitatores Terræ, et pariter conglobati circumdabunt nos, atque delebunt nomen nostrum de terra: et quid facies magno nomini tuo?
Dahil ang mga Cananaeo at lahat ng mga naninirahan sa lupain ay narinig ito. Nakapalibot sila sa amin at ginawang makalimutan ng bayan sa mundo ang aming pangalan. At kaya anong gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?”
10 Dixitque Dominus ad Iosue: Surge, cur iaces pronus in terra?
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
11 Peccavit Israel, et prævaricatus est pactum meum: tuleruntque de anathemate, et furati sunt atque mentiti, et absconderunt inter vasa sua.
Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari.
12 Nec poterit Israel stare ante hostes suos, eosque fugiet: quia pollutus est anathemate. Non ero ultra vobiscum, donec conteratis eum, qui huius sceleris reus est.
Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
13 Surge, sanctifica populum, et dic eis: Sanctificamini in crastinum: hæc enim dicit Dominus Deus Israel: Anathema in medio tui est Israel: non poteris stare coram hostibus tuis, donec deleatur ex te qui hoc contaminatus est scelere.
Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.”
14 Accedetisque mane singuli per tribus vestras: et quamcumque tribum sors invenerit, accedet per cognationes suas, et cognatio per domos, domusque per viros.
Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.
15 Et quicumque ille in hoc facinore fuerit deprehensus, comburetur igni cum omni substantia sua: quoniam prævaricatus est pactum Domini, et fecit nefas in Israel.
Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”'
16 Surgens itaque Iosue mane, applicuit Israel per tribus suas, et inventa est tribus Iuda.
Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili.
17 Quæ cum iuxta familias suas esset oblata, inventa est familia Zare. Illam quoque per domos offerens, reperit Zabdi:
Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili.
18 cuius domum in singulos dividens viros, invenit Achan filium Charmi, filii Zabdi: filii Zare de tribu Iuda.
Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
19 Et ait Iosue ad Achan: Fili mi, da gloriam Domino Deo Israel, et confitere, atque indica mihi quid feceris, ne abscondas.
Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
20 Responditque Achan Iosue, et dixit ei: Vere ego peccavi Domino Deo Israel, et sic et sic feci.
Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
21 Vidi enim inter spolia pallium coccineum valde bonum, et ducentos siclos argenti, regulamque auream quinquaginta siclorum: et concupiscens abstuli, et abscondi in terra contra medium tabernaculi mei, argentumque fossa humo operui.
Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.”
22 Misit ergo Iosue ministros: qui currentes ad tabernaculum illius, repererunt cuncta abscondita in eodem loco, et argentum simul.
Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.
23 Auferentesque de tentorio tulerunt ea ad Iosue, et ad omnes filios Israel, proieceruntque ante Dominum.
Kinuha nila ang mga bagay mula sa gitna ng tolda at dinala nila ang mga ito kay Josue at sa lahat ng bayan ng Israel. Ibinuhos nila ang mga ito sa harapan ni Yahweh.
24 Tollens itaque Iosue Achan filium Zare, argentumque et pallium, et auream regulam, filios quoque et filias eius, boves et asinos, et oves, ipsumque tabernaculum, et cunctam supellectilem: (et omnis Israel cum eo) duxerunt eos ad Vallem Achor:
Pagkatapos kinuha ni Josue, at buong Israel na kasama niya, si Achan na anak na lalaki ni Zerah, at ang pilak, ang balabal, ang bar ng ginto, kaniyang mga anak na lalaki at babae, kaniyang mga baka, kaniyang mga asno, kaniyang tupa, kaniyang tolda, at lahat ng mayroon siya, at dinala nila sila sa lambak ng Achor.
25 ubi dixit Iosue: Quia turbasti nos, exturbet te Dominus in die hac. Lapidavitque eum omnis Israel: et cuncta quæ illius erant, igne consumpta sunt.
Pagkatapos sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito.” Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila.
26 Congregaveruntque super eum acervum magnum lapidum, qui permanet usque in præsentem diem. Et aversus est furor Domini ab eis. Vocatumque est nomen loci illius, Vallis Achor, usque hodie.
Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.