< Iosue 5 >
1 Postquam ergo audierunt omnes reges Amorrhæorum, qui habitabant trans Iordanem ad Occidentalem plagam, et cuncti reges Chanaan, qui propinqua possidebant magni maris loca, quod siccasset Dominus fluenta Iordanis coram filiis Israel donec transirent, dissolutum est cor eorum, et non remansit in eis spiritus, timentium introitum filiorum Israel.
Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.
2 Eo tempore ait Dominus ad Iosue: Fac tibi cultros lapideos, et circumcide secundo filios Israel.
Sa panahong iyon sinabi ni Yahweh kay Josue, “Gumawa ka ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tuliin minsan pa ang lahat ng lalaki ng Israel.”
3 Fecit quod iusserat Dominus, et circumcidit filios Israel in colle præputiorum.
Pagkatapos gumawa mismo si Josue ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tinuli ang lahat ng lalaki ng Israel sa Gibeat Haaralot.
4 Hæc autem causa est secundæ circumcisionis: Omnis populus, qui egressus est de Ægypto generis masculini, universi bellatores viri, mortui sunt in deserto per longissimos viæ circuitus,
At ito ang dahilan na tinuli sila ni Josue: lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, kasama ang lahat ng kalalakihang mandirigma, ay namatay sa ilang habang daan, pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.
5 qui omnes circumcisi erant. Populus autem qui natus est in deserto,
Kahit tinuli na ang lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, gayon man, walang batang lalaking ipinanganak sa ilang habang daang palabas ng Ehipto ay tinuli.
6 per quadraginta annos itineris latissimæ solitudinis incircumcisus fuit: donec consumerentur qui non audierant vocem Domini, et quibus ante iuraverat ut non ostenderet eis terram lacte et melle manantem.
Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
7 Horum filii in locum successerunt patrum, et circumcisi sunt a Iosue: quia sicut nati fuerant, in præputio erant, nec eos in via aliquis circumciderat.
Ang kanilang mga anak na inalagaan ni Yahweh kapalit nila na silang tinuli ni Josue, dahil hindi pa sila tinuli sa daan.
8 Postquam autem omnes circumcisi sunt, manserunt in eodem castrorum loco, donec sanarentur.
Nang tinuli silang lahat, nanatili sila sa kampo kung saan sila naroroon hanggang gumaling sila.
9 Dixitque Dominus ad Iosue: Hodie abstuli opprobrium Ægypti a vobis. Vocatumque est nomen loci illius Galgala, usque in præsentem diem.
At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo.” Kaya tinawag ang lugar na iyon sa pangalang Gilgal hanggang sa araw na ito.
10 Manseruntque filii Israel in Galgalis, et fecerunt Phase, quartadecima die mensis ad vesperum in campestribus Iericho:
Nagkampo ang bayan ng Israel sa Gilgal. Ipinagdiwang nila ang Paskua sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico.
11 et comederunt de frugibus Terræ die altero, azymos panes, et polentam eiusdem anni.
At kinabukasan ng Paskua, sa araw mismong iyon, kinain nila ang ilan sa bunga ng lupain, tinapay na walang lebadura, at inihaw na butil.
12 Defecitque manna postquam comederunt de frugibus Terræ, nec usi sunt ultra cibo illo filii Israel, sed comederunt de frugibus præsentis anni Terræ Chanaan.
Tumigil ang manna sa araw matapos nilang kainin ang bunga ng lupain. Wala ng manna para sa bayan ng Israel, pero kinain nila ang bunga ng lupain ng Canaan sa taong iyon.
13 Cum autem esset Iosue in agro urbis Iericho, levavit oculos, et vidit virum stantem contra se, evaginatum tenentem gladium, perrexitque ad eum, et ait: Noster es, an adversariorum?
Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, “Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?”
14 Qui respondit: Nequaquam: sed sum princeps exercitus Domini, et nunc venio. Cecidit Iosue pronus in terram. Et adorans ait: Quid dominus meus loquitur ad servum suum?
Sinabi niya, “Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako.” Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, “Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?”
15 Solve, inquit, calceamentum tuum de pedibus tuis: locus enim, in quo stas, sanctus est. Fecitque Iosue ut sibi fuerat imperatum.
Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, “Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan.” At ginawa iyon ni Josue.