< Iosue 19 >

1 Et egressa est sors secunda filiorum Simeon per cognationes suas: fuitque hereditas eorum
Tumapat ang ikalawang palabunutan kay Simeon at itinalaga ito sa bawat mga angkan nila. Ang minana nila ay nasa gitna ng pamana na pag-aari ng lipi ni Juda.
2 in medio possessionis filiorum Iuda: Bersabee et Sabee et Molada,
Napunta sa kanila bilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada,
3 et Hasersual, Bala et Asem,
Hazar, Sual, Bala, Ezem,
4 et Eltholad, Bethul et Harma,
Eltolad, Betul, at Horma.
5 et Siceleg et Bethmarchaboth et Hasersusa,
May Ziklag din si Simeon, Bet Marcabot, Hazar Susa,
6 et Bethlebaoth et Sarohen: civitates tredecim, et villæ earum.
Bet Labaot, at Saruhen. Labing tatlong lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
7 Ain et Remmon et Athar et Asan: civitates quattuor, et villæ earum:
Si Simeon ay mayroon ding Ain, Rimmon, Eter, at Asan. Apat na lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
8 omnes viculi per circuitum urbium istarum usque ad Baalath Beer Ramath contra australem plagam. Hæc est hereditas filiorum Simeon iuxta cognationes suas,
Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
9 in possessione et funiculo filiorum Iuda: quia maior erat, et idcirco filii Simeon possederunt in medio hereditatis eorum.
Ang pamana ng lipi ni Simeon ay bumuo ng bahagi sa lupain ng lipi ni Juda. Dahil napakalawak para sa kanila ang bahagi ng lupaing itinalaga sa lipi ni Juda, tinanggap ng lipi ni Simeon ang kanilang pamana mula sa gitna ng kanilang bahagi.
10 Ceciditque sors tertia filiorum Zabulon per cognationes suas: factus est terminus possessionis eorum usque Sarid.
Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid.
11 Ascenditque de mari et Merala, et pervenit in Debbaseth, usque ad torrentem qui est contra Ieconam.
Umakyat pakanluran ang kanilang hangganan patungong Marala at dumikit sa Dabbeset; pagkatapos umabot ito sa batis na katapat ng Jokneam.
12 Et revertitur de Sared contra Orientem in fines Ceseleththabor: et egreditur ad Dabereth, ascenditque contra Iaphie.
Mula sa Sarid lumiko ang hangganan pasilangan patungo sa silangan at tumungo sa hangganan ng Kislot Tabor. Mula roon tumungo ito sa Daberat at pagkatapos pataas hanggang sa Japia.
13 Et inde pertransit usque ad orientalem plagam Gethhepher et Thacasin: et egreditur in Remmon, Amthar et Noa.
Mula roon dumaan pasilangan sa Gat Heper, at pagkatapos sa Etkazin; sunod nagpunta ito sa Rimmon at lumiko patungo sa Nea.
14 Et circuit ad Aquilonem Hanathon: suntque egressus eius Vallis Iephthael,
Lumiko ang hangganan sa hilaga patungong Hannathn at nagtapos sa lambak ng Ipta El.
15 et Cateth et Naalol et Semeron et Ierala et Bethlehem: civitates duodecim, et villæ earum.
Kasama sa rehiyong ito ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Betlehem. Mayroong labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
16 Hæc est hereditas tribus filiorum Zabulon per cognationes suas, urbes et viculi earum.
Ito ang minana ng lipi ni Zebulon, na ibinigay sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
17 Issachar egressa est sors quarta per cognationes suas.
Tumapat ang ikaapat na palabunutan kay Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
18 Fuitque eius hereditas Iezrael et Casaloth et Sunem
Kasama sa kanilang lupain ang Jezreel, Kesulot, Sunem,
19 et Hapharaim et Seon, et Anaharath
Hafaraim, Sion, at Anaharat.
20 et Rabboth et Cesion, Abes,
Kasama rin dito ang Rabbit, Kision, Ebez,
21 et Rameth, et Engannim, et Enhadda et Bethpheses.
Remet, En-gannim, En-hadda, at Beth-passes.
22 Et pervenit terminus eius usque Thabor et Sehesima et Bethsames: eruntque exitus eius Iordanis: civitates sedecim, et villæ earum.
Dumikit din ang kanilang hangganan sa Tabor, Sahasim, at Beth-semes, at nagtapos sa Jordan. Mayroong labing-anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
23 Hæc est possessio filiorum Issachar per cognationes suas, urbes, et viculi earum.
Ito ang minana ng lipi ni Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
24 Ceciditque sors quinta tribui filiorum Aser per cognationes suas:
Tumapat ang ikalimang palabunutan sa lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
25 fuitque terminus eorum Halcath et Chali et Beten et Axaph
Kasama sa kanilang lupain ang Helka, Hali, Beten, Acsap,
26 et Elmelech et Amaad et Messal: et pervenit usque ad Carmelum maris et Sihor et Labanath.
Alamelek, Amad, at Misal. Sa kanluran umabot ang hangganan sa Carmel at Sihor Libnat.
27 Ac revertitur contra orientem Bethdagon: et pertransit usque Zabulon et Vallem Iephthael contra Aquilonem in Bethemec et Nehiel. Egrediturque ad lævam Cabul,
Pagkatapos lumiko ito pasilangan sa Bet Dagon at umabot hanggang kasing layo ng Zebulon, at pagkatapos sa lambak ng Iphta-el, pahilaga sa Beth-emec at Nehiel. Pagkatapos nagpatuloy ito sa Kabul patungong hilaga.
28 et Abran et Rohob et Hamon et Cana, usque ad Sidonem magnam.
Pagkatapos nagpatuloy ito sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana, hanggang kasing layo ng Pinakamalaking Sidon.
29 Revertiturque in Horma usque ad civitatem munitissimam Tyrum, et usque Hosa: eruntque exitus eius in mare de funiculo Achziba:
Bumalik ang hangganan sa Rama, at pagkatapos sa pinatibay na lungsod ng Tiro. Pagkatapos lumiko ang hangganan sa Hosa at nagtapos sa dagat, sa rehiyon ng Aczib,
30 et Amma et Aphec et Rohob: civitates viginti duæ, et villæ earum.
Umma, Apek, at Rehob. Mayroong dalawampu't dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
31 Hæc est possessio filiorum Aser per cognationes suas, urbesque et viculi earum.
Ito ang minana ng lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
32 Filiorum Nephthali sexta sors cecidit per familias suas:
Tumapat ang ikaanim na palabunutan sa lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
33 et cœpit terminus de Heleph et Elon in Saananim, et Adami, quæ est Neceb, et Iebnael usque Lecum: et egressus eorum usque ad Iordanem:
Ang kanilang hangganan ay matatagpuan mula sa Helep, mula sa ensena sa Saananim, hanggang patungo sa Adamineceb at Jabneel, hanggang kasing layo ng Lakkum; nagtapos ito sa Jordan.
34 revertiturque terminus contra Occidentem in Azanotthabor, atque inde egreditur in Hucuca, et pertransit in Zabulon contra Meridiem, et in Aser contra Occidentem, et in Iuda ad Iordanem contra ortum solis.
Lumiko ang hangganan pakanluran sa Aznot-tabor at hanggang patungo sa Hukkok; at dumikit ito sa Zebulon sa timog, at nakarating sa Aser sa kanluran at Juda sa silangan sa Ilog Jordan.
35 Civitates munitissimæ, Assedim, Ser, et Emath, et Reccath et Cenereth,
Ang mga pinatibay na lungsod ay Zidim, Zer, Hammat, Rakkat, Cinneret,
36 et Edema et Arama, Asor
Adama, Rama, Hazor,
37 et Cedes et Edrai, Enhasor
Kedes, Edrei, at En Hazor.
38 et Ieron et Magdalel, Horem et Bethanath et Bethsames: civitates decem et novem, et villæ earum.
Naroon din ang Yiron, Migdalel, Horem, Beth-anat, at Beth-semes. Mayroong labinsiyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
39 Hæc est possessio tribus filiorum Nephthali per cognationes suas, urbes et viculi earum.
Ito ang minana ng lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kabilang ang kanilang mga nayon.
40 Tribui filiorum Dan per familias suas egressa est sors septima:
Tumapat ang ikapitong palabunutan sa lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
41 et fuit terminus possessionis eius Sara et Esthaol, et Hirsemes, id est, civitas solis.
Kabilang sa minana nito ang Zora, Estaol, Ir Semes,
42 Selebin et Aialon et Iethela,
Saalabin, Ajalon, at Itla.
43 Elon et Themna et Acron,
Kabilang rin dito ang Elon, Timna, Ekron,
44 Elthece, Gebbethon et Balaath,
Elteke, Gibbethon, Baalat,
45 et Iud et Bane et Barach et Gethremmon:
Jehud, Bene Berak, Gat Rimmon,
46 et Meiarcon et Arecon, cum termino qui respicit Ioppen,
Me-Jarkon, at Rakkon kasama ang lupain sa ibayo mula sa Joppa.
47 et ipso fine concluditur. Ascenderuntque filii Dan, et pugnaverunt contra Lesem, ceperuntque eam: et percusserunt eam in ore gladii, et possederunt, et habitaverunt in ea, vocantes nomen eius Lesem Dan, ex nomine Dan patris sui.
Nang mawala sa kanila ang lupain ng lipi ni Dan, nilusob ng Dan ang Lesem, nilabanan ito, at binihag ito. Pinatay nila ang bawat isa gamit ang espada, inangkin ito, at nanirahan dito. Muli nilang pinangalanan ang Lesem, tinawag itong Dan kasunod sa kanilang ninuno.
48 Hæc est possessio tribus filiorum Dan, per cognationes suas, urbes et viculi earum.
Ito ang minana ng lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
49 Cumque complesset sorte dividere Terram singulis per tribus suas, dederunt filii Israel possessionem Iosue filio Nun in medio sui,
Nang matapos nila ang paglalaan ng lupain bilang pamana, ibinigay ng bayan ng Israel ang isang pamana kasama ang kanilang sarili para kay Josue na anak ni Nun.
50 iuxta præceptum Domini, urbem quam postulavit, Thamnath Saraa in monte Ephraim: et ædificavit civitatem, habitavitque in ea.
Sa utos ni Yahweh ibinigay nila sa kanya ang lungsod na hiningi niya, ang Timnat Sera sa maburol na bansa ng Efraim. Muli niyang itinayo ang lungsod at nanirahan doon.
51 Hæ sunt possessiones, quas sorte diviserunt Eleazar sacerdos, et Iosue filius Nun, et principes familiarum, ac tribuum filiorum Israel in Silo, coram Domino ad ostium tabernaculi testimonii, partitique sunt Terram.
Ito ang mga pamana na itinalaga ni Eleazar na pari, ni Josue na anak ni Nun, at ng mga panliping pinuno ng mga pamilya ng mga ninuno ng Israel sa pamamagitan ng palabunutan sa Silo, sa harapan ni Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Kaya natapos nila ang pagtatalaga ng lupain.

< Iosue 19 >