< Job 6 >
1 Respondens autem Iob, dixit:
Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
2 Utinam appenderentur peccata mea, quibus iram merui: et calamitas, quam patior, in statera.
“O, kung titimbangin lamang ang aking paghihirap, at susukatin ang lahat ng aking mga sakuna!
3 Quasi arena maris hæc gravior appareret: unde et verba mea dolore sunt plena:
Sa ngayon mas magiging mabigat pa ito kaysa sa lahat ng buhangin sa dagat. Kaya nga naging padalos-dalos ako sa aking mga salita.
4 Quia sagittæ Domini in me sunt, quarum indignatio ebibit spiritum meum, et terrores Domini militant contra me.
Dahil ang mga palaso ng Makapangyarihan ay nakaabang sa akin, ang aking espiritu ay iniinom ang lason; ang mga kaparusahan ng Diyos ay nagsunod-sunod laban sa akin.
5 Numquid rugiet onager cum habuerit herbam? aut mugiet bos cum ante præsepe plenum steterit?
Ang isa bang mabangis na asno ay uungal kung marami namang damo? O ang mga baka ba ay uungal kung may dayami naman silang makakain?
6 Aut poterit comedi insulsum, quod non est sale conditum? aut potest aliquis gustare, quod gustatum affert mortem?
Ang isang pagkain ba na walang lasa ay makakain kung walang asin? O may kung anong lasa ba sa puti ng itlog?
7 Quæ prius nolebat tangere anima mea, nunc præ angustia, cibi mei sunt.
Tumatanggi akong hawakan sila; tulad sila ng mga nakakapandiring pagkain sa akin.
8 Quis det ut veniat petitio mea: et quod expecto, tribuat mihi Deus?
O, sana matanggap ko na ang aking hinihiling, oh, ibigay na sana ng Diyos ang aking minimithi;
9 Et qui cœpit, ipse me conterat: solvat manum suam, et succidat me?
na malugod ang Diyos na durugin niya ako ng isang beses, na bitawan niya ako at putulin sa buhay na ito.
10 Et hæc mihi sit consolatio ut affligens me dolore, non parcat, nec contradicam sermonibus Sancti.
Sana ito na lang ang aking maging pampalubag-loob—kahit na magsaya ako sa hindi napapawing hapdi: na hindi ko sinuway ang mga salita ng Tanging Banal.
11 Quæ est enim fortitudo mea ut sustineam? aut quis finis meus, ut patienter agam?
Ano ba ang aking lakas, na kailangan ko pang maghintay? Ano ba ang aking katapusan, na kailangan kong pahabain ang aking buhay?
12 Nec fortitudo lapidum fortitudo mea, nec caro mea ænea est.
Ang lakas ko ba ay kasing lakas ng mga bato? O ang aking mga kalamnan ay gawa sa tanso?
13 Ecce, non est auxilium mihi in me, et necessarii quoque mei recesserunt a me.
Hindi ba totoo na hindi ko kayang tulungan ang aking sarili, at ang karunungan ay tinanggal sa akin?
14 Qui tollit ab amico suo misericordiam, timorem Domini derelinquit.
Para sa isang taong malapit nang mawalan ng malay, dapat ipakita ng kaniyang kaibigan ang katapatan; kahit na pinabayaan niya pa ang kaniyang takot sa Makapangyarihan.
15 Fratres mei præterierunt me, sicut torrens qui raptim transit in convallibus.
Pero naging matapat ang mga kapatid ko sa akin, na tulad ng mga batis sa disyerto, na tulad ng mga daluyan ng tubig na natutuyo,
16 Qui timent pruinam, irruet super eos nix.
na dumidilim dahil sa mga yelong tumatakip sa mga ito, at dahil sa mga niyebe na ikinukubli ang sarili sa kanila.
17 Tempore, quo fuerint dissipati, peribunt: et ut incaluerit, solventur de loco suo.
Kapag sila ay natunaw, sila ay mawawala; kapag ang panahon ay mainit, nalulusaw sila sa kanilang kinalalagyan.
18 Involutæ sunt semitæ gressuum eorum: ambulabunt in vacuum, et peribunt.
Ang mga karawan ay gumigilid para maghanap ng tubig, nagpapaikot-ikot sila sa tuyong lupain at saka mamamatay.
19 Considerate semitas Thema, itinera Saba, et expectate paulisper.
Ang mga karawan mula sa Tema ay pinagmamasdan sila, gayun din sa pangkat ng mga taga-Sheba na umaasa sa kanila.
20 Confusi sunt, quia speravi: venerunt quoque usque ad me, et pudore cooperti sunt.
Sila ay nabigo dahil umaasa sila na makakahanap ng tubig; pumunta sila roon pero sila ay nilinlang.
21 Nunc venistis: et modo videntes plagam meam timetis.
Kaya ngayon, kayong mga kaibigan ko ay wala nang halaga sa akin; nakita ninyo ang aking kaawa-awang kalagayan pero kayo ay natatakot.
22 Numquid dixi: Afferte mihi, et de substantia vestra donate mihi?
'Sinabi ko ba sa inyo na bigyan ninyo ako ng kahit ano?' 'O, regaluhan ninyo ako mula sa inyong kayamanan?'
23 Vel, Liberate me de manu hostis, et de manu robustorum eruite me?
O, 'Iligtas ako mula sa kamay ng aking kalaban?' O, 'Tubusin ako sa kamay ng mga nang-aapi sa akin?'
24 Docete me, et ego tacebo: et siquid forte ignoravi, instruite me.
Ituro ninyo sa akin, at ako ay mananahimik, ipaintindi ninyo sa akin kung saan ako nagkamali.
25 Quare detraxistis sermonibus veritatis, cum e vobis nullus sit qui possit arguere me?
Sadya ngang napakasakit ng katotohanan! Pero ang inyong mga sinasabi, paano ba nito ako maitutuwid?
26 Ad increpandum tantum eloquia concinnatis, et in ventum verba profertis.
Balak ba ninyong hindi pansinin ang aking mga sinasabi, ituring ito ang salita ng isang tao na parang ito ay hangin?
27 Super pupillum irruitis, et subvertere nitimini amicum vestrum.
Totoo nga, pinagpupustahan ninyo ang naulila sa ama, at pinagtatalunan ang inyong kaibigan na tulad ng isang kalakal.
28 Verumtamen quod cœpistis explete: præbete aurem, et videte an mentiar.
Subalit ngayon, tingnan ninyo ako at papatunayan ko sa inyo na hindi ako nagsisinungaling.
29 Respondete obsecro absque contentione: et loquentes id quod iustum est, iudicate.
Pigilan ninyo ang inyong sarili, parang awa ninyo na; maging makatarungan kayo, maghunos-dili kayo dahil nasa tamang panig ako.
30 Et non invenietis in lingua mea iniquitatem, nec in faucibus meis stultitia personabit.
May kasamaan ba sa aking dila? Hindi ba malalaman ng aking bibig ang malisyosong mga bagay?