< Jeremiæ 45 >

1 Verbum, quod locutus est Ieremias propheta ad Baruch filium Neriæ, cum scripsisset verba hæc in libro ex ore Ieremiæ, anno quarto Ioakim filii Iosiæ regis Iuda, dicens:
Ito ang salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias. Nangyari ito nang isinulat niya sa isang balumbon ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ni Jeremias—ito ay sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
2 Hæc dicit Dominus Deus Israel ad te Baruch:
“Baruc, sinasabi ito sa iyo:
3 Dixisti: Væ misero mihi, quoniam addidit Dominus dolorem dolori meo: laboravi in gemitu meo, et requiem non inveni.
Sinabi mo, 'Aba ako, sapagkat nagdagdag si Yahweh ng matinding paghihirap sa aking kirot. Pinapahina ako ng aking paghihinagpis; Wala akong masumpungang kapahingahan.'
4 Hæc dicit Dominus: Sic dices ad eum: Ecce quos ædificavi, ego destruo: et quos plantavi, ego evello, et universam terram hanc.
Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, kung ano ang aking itinayo, ako ngayon ang tumitibag nito. Kung ano ang aking itinanim, ako ngayon ang bumubunot nito. Ito ay totoo sa buong daigdig.
5 Et tu quæris tibi grandia? Noli quærere: quia ecce ego adducam malum super omnem carnem, ait Dominus: et dabo tibi animam tuam in salutem in omnibus locis, ad quæcumque perrexeris.
Ngunit umaasa ka ba ng dakilang mga bagay para sa iyong sarili? Huwag kang umasa ng ganoon. Sapagkat tingnan mo, darating ang kapahamakan sa buong sangkatauhan—ito ang pahayag ni Yahweh—ngunit ibinibigay ko sa iyo ang iyong buhay bilang iyong ninakaw sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”'

< Jeremiæ 45 >