< Isaiæ 54 >

1 Lauda sterilis quæ non paris: decanta laudem, et hinni quæ non pariebas: quoniam multi filii desertæ magis quam eius, quæ habet virum, dicit Dominus.
“Umawit ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak; ikaw ay biglang umawit nang may galak at umiyak nang malakas, kayong mga hindi pa kailanman nakaranas manganak. Dahil ang mga anak ng naulila ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,” ang sinasabi ni Yahweh.
2 Dilata locum tentorii tui, et pelles tabernaculorum tuorum extende, ne parcas: longos fac funiculos tuos, et clavos tuos consolida.
Gawin ninyong mas malaki ang inyong tolda at ilatag ang inyong mga kurtina ng tolda nang mas malawak; nang walang panghihinayang, pahabain ang inyong mga lubid at patibayin ang inyong mga tulos.
3 Ad dexteram enim, et ad lævam penetrabis: et semen tuum gentes hereditabit, et civitates desertas inhabitabit.
Dahil lalaganap kayo sa kanang kamay at sa kaliwa, at lulupigin ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga bansa at muling maninirahan sa pinabayaang mga lungsod.
4 Noli timere quia non confunderis, neque erubesces: non enim te pudebit, quia confusionis adolescentiæ tuæ oblivisceris, et opprobrii viduitatis tuæ non recordaberis amplius.
Huwag kayong matakot dahil hindi kayo mapapahiya, ni panghinaan ng loob dahil hindi kayo dudulutan ng kahihiyan; makakalimutan ninyo ang kahihiyan ng inyong kabataan at ang kahihiyan ng inyong pagpapabaya.
5 Quia dominabitur tui qui fecit te, Dominus exercituum nomen eius: et Redemptor tuus, Sanctus Israel, Deus omnis terræ vocabitur.
Dahil ang inyong Manlilikha ay ang inyong asawa; Yahweh ng mga hukbo ang kanyang pangalan. At Ang Banal ng Israel ay ang inyong Manunubos; Tinatawag siyang Diyos ng buong daigdig.
6 Quia et mulierem derelictam et mœrentem spiritu vocavit te Dominus, et uxorem ab adolescentia abiectam, dixit Deus tuus.
Dahil tinatawag kayo muli ni Yahweh bilang asawa napabayaan at nagdadalamhati sa espiritu, gaya ng isang babaeng maagang nag-asawa at itinakwil, Ang sabi ng iyong Diyos.
7 Ad punctum in modico dereliqui te, et in miserationibus magnis congregabo te.
Sa maikling sandali ay pinabayaan ko kayo, pero sa matinding kahabagan ay titipunin ko kayo.
8 In momento indignationis abscondi faciem meam parumper a te, et in misericordia sempiterna misertus sum tui: dixit Redemptor tuus Dominus.
Sa pagbaha ng aking galit ay pansamantala kong itinago ang aking mukha sa inyo; pero sa pamamagitan ng walang hanggang katapatan sa tipan ay maaawa ako sa inyo—sinasabi ni Yahweh, ang siyang nagliligtas sa inyo.
9 Sicut in diebus Noe istud mihi est, cui iuravi ne inducerem aquas Noe ultra super terram: sic iuravi ut non irascar tibi, et non increpem te.
Katulad ito ng mga tubig sa panahon ni Noe sa akin: kagaya ng pagsumpa ko sa mga tubig noong panahon ni Noe na hindi na muli babahain ang ibabaw ng mundo, kaya isinumpa kong hindi na ako magagalit sa inyo o sawayin kayo.
10 Montes enim commovebuntur, et colles contremiscent: misericordia autem mea non recedet a te, et fœdus pacis meæ non movebitur: dixit miserator tuus Dominus.
Kahit na ang mga bundok ay maaring bumagsak at yayanigin ang mga burol, gayon man ang aking katapatan sa tipan ay hindi hihiwalay mula sa inyo, ni ang aking tipan ng kapayapaan ay mayayanig—sinasabi ni Yahweh, siyang naaawa sa inyo.
11 Paupercula tempestate convulsa, absque ulla consolatione. Ecce ego sternam per ordinem lapides tuos, et fundabo te in sapphiris,
Kayo na sinugatan, kayo na tinangay ng bagyo at walang kaaliwan, masdan ninyo, ilalatag ko ang inyong daanan sa turkesa at lalatagan ko ng mga safiro ang inyong mga pundasyon.
12 et ponam iaspidem propugnacula tua: et portas tuas in lapides sculptos, et omnes terminos tuos in lapides desiderabiles.
Gagawin kong mga rubi ang inyong mga tore at ang inyong mga tarangkahan ng mga nagniningning na bato, at magagandang bato sa labas ng inyong pader.
13 Universos filios tuos doctos a Domino: et multitudinem pacis filiis tuis.
At tuturuan ni Yahweh ang lahat ng inyong mga anak; at ang kapayapaan ng inyong mga anak ay magiging dakila.
14 Et in iustitia fundaberis: recede procul a calumnia, quia non timebis: et a pavore, quia non appropinquabit tibi.
Sa katuwiran ay itatatag ko kayo muli. Hindi na kayo makakaranas ng pag-uusig, dahil hindi kayo matatakot, walang anumang nakakatakot ang makakalapit sa inyo.
15 Ecce accola veniet, qui non erat mecum, advena quondam tuus adiungetur tibi.
Masdan, kung sinuman ang mag-uumpisa ng kaguluhan, hindi ito magmumula sa akin; ang sinumang mag-uumpisa ng kaguluhan sa inyo ay babagsak sa pagkatalo.
16 Ecce ego creavi fabrum sufflantem in igne prunas, et proferentem vas in opus suum, et ego creavi interfectorem ad disperdendum.
Masdan, nilikha ko ang panday na siyang umiihip sa mga nagbabagang uling at nagpapanday ng mga sandata bilang kanyang hanapbuhay, nilikha ko ang manlilipol para lumipol.
17 Omne vas, quod fictum est contra te, non dirigetur: et omnem linguam resistentem tibi in iudicio, iudicabis. Hæc est hereditas servorum Domini, et iustitia eorum apud me, dicit Dominus.
Walang sandata na ginawa laban sa inyo ang magtatagumpay; at isusumpa ninyo ang lahat nang nagpaparatang sa inyo. Ito ang pamana ng mga lingkod ni Yahweh, at kanilang pagbibigay-matuwid mula sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.

< Isaiæ 54 >

A Dove is Sent Forth from the Ark
A Dove is Sent Forth from the Ark