< Genesis 46 >
1 Profectusque Israel cum omnibus quæ habebat, venit ad Puteum iuramenti. Et mactatis ibi victimis Deo patris sui Isaac,
At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa Beerseba, at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac.
2 audivit eum per visionem noctis vocantem se, et dicentem sibi: Iacob, Iacob. Cui respondit: Ecce adsum.
At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:
3 Ait illi Deus: Ego sum fortissimus Deus patris tui: noli timere, descende in Ægyptum, quia in gentem magnam faciam te ibi.
At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:
4 Ego descendam tecum illuc, et ego inde adducam te revertentem: Ioseph quoque ponet manus suas super oculos tuos.
Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.
5 Surrexit autem Iacob a Puteo iuramenti: tuleruntque eum filii cum parvulis et uxoribus suis in plaustris quæ miserat Pharao ad portandum senem,
At bumangon si Jacob mula sa Beerseba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton na ipinadala ni Faraon kay Jacob.
6 et omnia quæ possederat in Terra Chanaan: venitque in Ægyptum cum omni semine suo,
At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pag-aari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.
7 filii eius, et nepotes, filiæ, et cuncta simul progenies.
Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.
8 Hæc sunt autem nomina filiorum Israel, qui ingressi sunt in Ægyptum, ipse cum liberis suis. Primogenitus Ruben.
At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si Ruben na anak na panganay ni Jacob.
9 Filii Ruben: Henoch et Phallu et Hesron et Charmi.
At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi.
10 Filii Simeon: Iamuel et Iamin et Ahod, et Iachin et Sohar, et Saul filius Chanaanitidis.
At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.
11 Filii Levi: Gerson et Caath et Merari.
At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari.
12 Filii Iuda: Her et Onan et Sela et Phares et Zara. Mortui sunt autem Her et Onan in terra Chanaan. Natique sunt filii Phares: Hesron et Hamul.
At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.
13 Filii Issachar: Thola et Phua et Iob et Semron.
At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron.
14 Filii Zabulon: Sared et Elon et Iahelel.
At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.
15 Hi filii Liæ quos genuit in Mesopotamia Syriæ cum Dina filia sua. Omnes animæ filiorum eius et filiarum, triginta tres.
Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo.
16 Filii Gad: Sephion et Haggi et Suni et Esebon et Heri et Arodi et Areli.
At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli.
17 Filii Aser: Iamne et Iesua et Iessui et Beria, Sara quoque soror eorum. Filii Beria: Heber et Melchiel.
At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel.
18 Hi filii Zelphæ, quam dedit Laban Liæ filiæ suæ. Et hos genuit Iacob sedecim animas.
Ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao.
19 Filii Rachel uxoris Iacob: Ioseph et Beniamin.
Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin.
20 Natique sunt Ioseph filii in Terra Ægypti, quos genuit ei Aseneth filia Putiphare sacerdotis Heliopoleos: Manasses et Ephraim.
At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.
21 Filii Beniamin: Bela et Bechor et Asbel et Gera et Naaman et Echi et Ros et Mophim et Ophim et Ared.
At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.
22 Hi filii Rachel quos genuit Iacob: omnes animæ, quatuordecim.
Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.
At ang mga anak ni Dan; si Husim.
24 Filii Nephthali: Iasiel et Guni et Ieser et Sallem.
At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.
25 Hi filii Balæ, quam dedit Laban Racheli filiæ suæ: et hos genuit Iacob: omnes animæ, septem.
Ito ang mga anak ni Bilha, na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.
26 Cunctæ animæ, quæ ingressæ sunt cum Iacob in Ægyptum, et egressæ sunt de femore illius, absque uxoribus filiorum eius, sexaginta sex.
Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;
27 Filii autem Ioseph, qui nati sunt ei in terra Ægypti, animæ duæ. Omnes animæ domus Iacob, quæ ingressæ sunt in Ægyptum, fuere septuaginta.
At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.
28 Misit autem Iudam ante se ad Ioseph, ut nunciaret ei, et occurreret in Gessen.
At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.
29 Quo cum pervenisset, iuncto Ioseph curro suo, ascendit obviam patri suo ad eumdem locum: vidensque eum, irruit super collum eius, et inter amplexus flevit.
At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.
30 Dixitque pater ad Ioseph: Iam lætus moriar, quia vidi faciem tuam, et superstitem te relinquo.
At sinabi ni Israel kay Jose, Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa.
31 At ille locutus est ad fratres suos, et ad omnem domum patris sui: Ascendam, et nunciabo Pharaoni dicamque ei: Fratres mei, et domus patris mei, qui erant in Terra Chanaan, venerunt ad me:
At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;
32 et sunt viri pastores ovium, curamque habent alendorum gregum: pecora sua, et armenta, et omnia quæ habere potuerunt, adduxerunt secum.
At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.
33 Cumque vocaverit vos, et dixerit: Quod est opus vestrum?
At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?
34 Respondebitis: Viri pastores sumus servi tui, ab infantia nostra usque in præsens, et nos et patres nostri. Hæc autem dicetis, ut habitare possitis in Terra Gessen: quia detestantur Ægyptii omnes pastores ovium.
Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa lupain ng Gosen; sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.