< Esther 4 >

1 Quæ cum audisset Mardochæus, scidit vestimenta sua, et indutus est sacco, spargens cinerem capiti: et in platea mediæ civitatis voce magna clamabat, ostendens amaritudinem animi sui,
Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng ginawa, pinunit niya ang kanyang mga damit at isinuot ang telang magaspang at mga abo. Lumabas siya sa gitna ng siyudad, at umiyak ng isang malakas at mapait na iyak.
2 et hoc eiulatu usque ad fores palatii gradiens. Non enim erat licitum indutum sacco aulam regis intrare.
Pumunta lamang siya hanggang sa tarangkahan ng hari, dahil walang sinuman ang pinahihintulutang makadaan dito na nakadamit ng telang magaspang.
3 In omnibus quoque provinciis, oppidis, ac locis, ad quæ crudele regis dogma pervenerat, planctus ingens erat apud Iudæos, ieiunium, ululatus, et fletus, sacco et cinere multis pro strato utentibus.
Sa bawat lalawigan, saan man nakarating ang utos at batas ng hari, mayroong matinding pagluluksa ang mga Judio, may pag-aayuno, iyakan, at taghuyan. Marami sa kanila ang nakahiga sa telang magaspang at mga abo.
4 Ingressæ autem sunt puellæ Esther et eunuchi, nuntiaveruntque ei. Quod audiens consternata est: et vestem misit, ut ablato sacco induerent eum: quam accipere noluit.
Nang ang mga kabataang babae ni Esther at kanyang mga lingkod ay dumating at sinabihan siya, ang reyna ay nagdalamhati. Nagpadala siya ng mga damit upang damitan si Mordecai (para mahubad niya ang kanyang telang magaspang), subalit ayaw niyang tanggapin ang mga ito.
5 Accitoque Athach eunucho, quem rex ministrum ei dederat, præcepit ei ut iret ad Mardochæum, et disceret ab eo cur hoc faceret.
Pagkatapos pinatawag ni Esther si Hathach, isa sa mga opisyal ng hari na naatasan para paglingkuran siya. Inutusan niya ito na pumunta kay Mordecai para alamin kung ano ang nangyari at ano ang ibig sabihin nito.
6 Egressusque Athach, ivit ad Mardochæum stantem in platea civitatis, ante ostium palatii:
Kaya nagpunta si Hathach kay Mordecai sa plasa ng siyudad sa harap ng tarangkahan ng hari.
7 qui indicavit ei omnia, quæ acciderant, quo modo Aman promisisset, ut in thesauros regis pro Iudæorum nece inferret argentum.
Iniulat ni Mordecai sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanya, at ang kabuuang halaga ng pilak na pinangako ni Haman para timbangin at ilagay sa pananalapi ng hari upang ipapatay ang mga Judio.
8 Exemplar quoque edicti, quod pendebat in Susan, dedit ei, ut reginæ ostenderet, et moneret eam, ut intraret ad regem, et deprecaretur eum pro populo suo.
Binigyan niya rin siya ng kopya ng batas na nilathala sa Susa para sa pagkawasak ng mga Judio. Ginawa niya ito upang maipakita ito ni Hathach kay Esther, at mabigyan niya siya ng pananagutan ng pagpunta sa hari para hingin ang kanyang pabor, at magmakaawa sa kanya ngalan ng kanyang lahi.
9 Regressus Athach, nuntiavit Esther omnia, quæ Mardochæus dixerat.
Kaya pumunta si Hathach kay Esther at sinabi sa kanya kung ano ang sinabi ni Mordecai.
10 Quæ respondit ei, et iussit ut diceret Mardochæo:
Pagkatapos kinausap ni Esther si Hathach at sinabi sa kanyang bumalik kay Mordecai.
11 Omnes servi regis, et cunctæ, quæ sub ditione eius sunt, norunt provinciæ, quod sive vir, sive mulier non vocatus, interius atrium regis intraverit, absque ulla cunctatione statim interficiatur: nisi forte rex auream virgam ad eum tetenderit pro signo clementiæ, atque ita possit vivere. Ego igitur quo modo ad regem intrare potero, quæ triginta iam diebus non sum vocata ad eum?
Sinabi niya, “Ang lahat ng mga lingkod ng hari at mga tao sa mga lalawigan ng hari ay nakakaalam na kung sinumang lalaki o babae ang pumunta sa hari sa panloob na bulwagan nang hindi pinapatawag, mayroon lamang isang batas: na siya ay dapat patayin—maliban sa sinuman na iunat ng hari sa kaniya ang gintong setro upang mabuhay siya. Hindi pa ako pinapatawag upang pumunta sa hari sa tatlumpung araw na ito.”
12 Quod cum audisset Mardochæus,
Kaya iniulat ni Hathach ang sinabi ni Esther kay Mordecai.
13 rursum mandavit Esther, dicens: Ne putes quod animam tuam tantum liberes, quia in domo regis es præ cunctis Iudæis:
Pinabalik ni Mordecai ang mensaheng ito: “Hindi mo dapat isipin na sa palasyo ng hari, makakatakas ka higit pa sa ibang mga Judio.
14 si enim nunc silueris, per aliam occasionem liberabuntur Iudæi: et tu, et domus patris tui peribitis. Et quis novit utrum idcirco ad regnum veneris, ut in tali tempore parareris?
Kung mananatili kang tahimik sa oras na ito, ang pagsaklolo at pagliligtas ay darating para sa mga Judio mula sa ibang lugar, subalit ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ay mamamatay. Sinong nakakaalam kung dumating ka sa maharlikang kalagayan para sa panahong tulad nito?”
15 Rursumque Esther hæc Mardochæo verba mandavit:
Pagkatapos pinadala ni Esther ang mensaheng ito kay Mordecai,
16 Vade et congrega omnes Iudæos, quos in Susan reppereris, et orate pro me. Non comedatis, et non bibatis tribus diebus, et tribus noctibus: et ego cum ancillis meis similiter ieiunabo, et tunc ingrediar ad regem contra legem faciens, non vocata, tradensque me morti et periculo.
“Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”
17 Ivit itaque Mardochæus, et fecit omnia, quæ ei Esther præceperat.
Pumunta si Mordecai at ginawa ang lahat ng sinabi ni Esther na kanyang gagawin.

< Esther 4 >