< Amos Propheta 9 >

1 Vidi Dominum stantem super altare, et dixit: Percute cardinem, et commoveantur superliminaria: avaritia enim in capite omnium, et novissimum eorum in gladio interficiam: non erit fuga eis. Fugient, et non salvabitur ex eis qui fugerit.
Nakita ko ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng altar, at sinabi niya, “Hampasin mo ang mga ibabaw ng mga haligi upang mayanig ang mga pundasyon. Durugin ng pira-piraso ang mga ito sa kanilang mga ulo, at papatayin ko sa espada ang mga nalabi sa kanila. Walang isa man sa kanila ang makakalayo at makakatakas.
2 Si descenderint usque ad infernum, inde manus mea educet eos: et si ascenderint usque in cælum, inde detraham eos. (Sheol h7585)
Kahit na maghukay sila hanggang sa Sheol, naroon ang aking kamay upang kunin sila. Kahit na umakyat sila patungo sa langit, mula roon hihilain ko sila pababa. (Sheol h7585)
3 Et si absconditi fuerint in vertice Carmeli, inde scrutans auferam eos: et si celaverint se ab oculis meis in profundo maris, ibi mandabo serpenti, et mordebit eos.
Kahit na magtago sila sa tuktok ng Carmelo, doon ay hahanapin ko sila at kukunin. Kahit na magtago sila mula sa aking paningin sa kailaliman ng dagat, mula roon uutusan ko ang ahas at tutuklawin sila.
4 Et si abierint in captivitatem coram inimicis suis, ibi mandabo gladio, et occidet eos: et ponam oculos meos super eos in malum, et non in bonum.
Kahit pumunta sila sa pagkabihag, pamunuan man sila ng kaaway, doon ay mag-uutos ako ng espada, at ito ang papatay sa kanila. Pananatilihin ko ang aking paningin sa kanila para saktan at hindi para sa mabuti.”
5 Et Dominus Deus exercituum, qui tangit terram, et tabescet: et lugebunt omnes habitantes in ea: et ascendet sicut rivus omnis, et defluet sicut fluvius Ægypti.
Ang Panginoon, Yahweh ng mga hukbo na hihipo sa lupa at ito ay matutunaw; magdadalamhati ang lahat ng mga naninirahan dito; ang lahat ng ito ay aahon tulad ng Ilog, at muling lulubog tulad sa Ilog ng Egipto.
6 Qui ædificat in cælo ascensionem suam, et fasciculum suum super terram fundavit: qui vocat aquas maris, et effundit eas super faciem terræ, Dominus nomen eius.
Ito ang siyang magtatayo ng kaniyang mga silid sa langit at ipinatayo niya ang mga malalaking pundasyon sa mundo. Tatawagin niya ang mga tubig sa dagat, at ibubuhos ang mga ito sa ibabaw ng lupa, Yahweh ang kaniyang pangalan.
7 Numquid non ut filii Æthiopum vos estis mihi, filii Israel, ait Dominus? numquid non Israel ascendere feci de Terra Ægypti: et Palæsthinos de Cappadocia, et Syros de Cyrene?
“Hindi ba tulad kayo ng mga tao ng Etiopia sa akin, mga tao ng Israel? —ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi ba ako ang nagpalabas sa Israel mula sa lupain ng Egipto, ang mga Filisteo mula sa Caftor, at ang mga Aramean mula sa Kir?
8 Ecce oculi Domini Dei super regnum peccans, et conteram illud a facie terræ: verumtamen conterens non conteram domum Iacob, dicit Dominus.
Tingnan, ang mga mata ng Panginoong Yahweh ay nakatingin sa makasalanang kaharian, at wawasakin ko ito mula sa ibabaw ng lupa, maliban sa sambahayan ni Jacob hindi ko ito lubusang wawasakin — “Ito ang pahayag ni Yahweh.”
9 Ecce enim mandabo ego, et concutiam in omnibus gentibus domum Israel, sicut concutitur triticum in cribro: et non cadet lapillus super terram.
Tingnan, magbibigay ako ng utos, liligligin ko ang sambahayan ng Israel sa lahat ng mga bansa, tulad ng isang pagkakaliglig ng butil sa salaan, kaya kahit na ang pinakamaliliit na bato ay hindi malalaglag sa lupa.
10 In gladio morientur omnes peccatores populi mei: qui dicunt: Non appropinquabit, et non veniet super nos malum.
Ang lahat ng mga makasalanan sa aking mga tao ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, 'sinumang magsabi, 'Hindi tayo mauunahan ng sakuna ni masasalubong natin.”'
11 In die illa suscitabo tabernaculum David, quod cecidit: et reædificabo aperturas murorum eius, et ea quæ corruerant, instaurabo: et reædificabo illud sicut in diebus antiquis.
Sa araw na iyon muli kong ibabangon ang tolda ni David na bumagsak, at pagdudugtungin ko ang mga tukod nito. Ibabangon ko ang mga nawasak, Itatayo ko ang mga ito tulad ng dati.
12 Ut possideant reliquias Idumææ, et omnes nationes, eo quod invocatum sit nomen meum super eos: dicit Dominus faciens hæc.
Upang kanilang ariin ang mga natira sa Edom at ang lahat ng bansang tumawag sa aking pangalan —ito ang pahayag ni Yahweh, na siyang gumawa nito.”
13 Ecce dies veniunt, dicit Dominus: et comprehendet arator messorem, et calcator uvæ mittentem semen: et stillabunt montes dulcedinem, et omnes colli culti erunt.
“Tingnan, darating ang mga araw”—Ito ang pahayag ni Yahweh— “Kapag mauunahan ng mang-aararo ang mag-aani, at ang taga-pisa ng ubas ay mauunahan ang mga taga-pagtanim ng binhi. Papatak sa mga bundok ang matatamis na alak, at aagos ito sa mga burol.
14 Et convertam captivitatem populi mei Israel: et ædificabunt civitates desertas, et inhabitabunt: et plantabunt vineas, et bibent vinum earum: et facient hortos, et comedent fructus eorum.
Ibabalik ko mula sa pagkakabihag ang aking mga taong Israel. Itatayo nila ang nasirang lungsod at maninirahan doon, magtatanim sila sa ubasan at iinumin ang mga alak nito, gagawa sila ng hardin at kanilang kakainin ang mga bunga nito
15 Et plantabo eos super humum suam: et non evellam eos ultra de terra sua, quam dedi eis, dicit Dominus Deus tuus.
Itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga lupain, at kailan man ay hindi na sila muling mabubunot mula sa lupain na ibinigay ko sa kanila,” sinabi ni Yahweh na inyong Diyos.

< Amos Propheta 9 >