< I Paralipomenon 27 >

1 Filii autem Israel secundum numerum suum, principes familiarum, tribuni, et centuriones, et præfecti, qui ministrabant regi iuxta turmas suas, ingredientes et egredientes per singulos menses in anno, viginti quattuor millibus singuli præerant.
Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
2 Primæ turmæ in primo mense Iesboam præerat filius Zabdiel, et sub eo viginti quattuor millia.
Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
3 De filiis Phares, princeps cunctorum principum in exercitu mense primo.
Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.
4 Secundi mensis habebat turmam Dudia Ahohites, et post se alter nomine Macelloth, qui regebat partem exercitus viginti quattuor millium.
At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
5 Dux quoque turmæ tertiæ in mense tertio, erat Banaias filius Ioiadæ sacerdos: et in divisione sua viginti quattuor millia.
Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
6 Ipse est Banaias fortissimus inter triginta, et super triginta. Præerat autem turmæ ipsius Amizabad filius eius.
Ito yaong Benaias na siyang makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.
7 Quartus, mense quarto, Asahel frater Ioab, et Zabadias filius eius post eum: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
8 Quintus, mense quinto, princeps Samaoth Iezerites: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
9 Sextus, mense sexto, Hira filius Acces Thecuites: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
10 Septimus, mense septimo, Helles Phallonites de filiis Ephraim: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
11 Octavus, mense octavo, Sobochai Husathites de stirpe Zarahi: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
12 Nonus, mense nono, Abiezer Anathothites de filiis Iemini: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
13 Decimus, mense decimo, Marai, et ipse Netophathites de stirpe Zarai: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
14 Undecimus, mense undecimo, Banaias Pharathonites de filiis Ephraim: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
15 Duodecimus, mense duodecimo, Holdai Netophathites, de stirpe Gothoniel: et in turma eius viginti quattuor millia.
Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
16 Porro tribubus præerant Israel, Rubenitis, dux Eliezer filius Zechri: Simeonitis, dux Saphatias filius Maacha:
Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.
17 Levitis, Hasabias filius Camuel: Aaronitis, Sadoc:
Sa Levi, si Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si Sadoc;
18 Iuda, Eliu, frater David: Issachar, Amri filius Michael.
Sa Juda, si Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:
19 Zabulonitis, Iesmaias filius Abdiæ: Nephthalitibus, Ierimoth filius Ozriel:
Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:
20 filiis Ephraim, Osee filius Ozaziu: dimidiæ tribui Manasse, Ioel filius Phadaiæ:
Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:
21 et dimidiæ tribui Manasse in Galaad, Iaddo filius Zachariæ: Beniamin autem, Iasiel filius Abner.
Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.
22 Dan vero, Ezrihel filius Ieroham: hi principes filiorum Israel.
Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.
23 Noluit autem David numerare eos a viginti annis inferius: quia dixerat Dominus ut multiplicaret Israel quasi stellas cæli.
Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.
24 Ioab filius Sarviæ cœperat numerare, nec complevit: quia super hoc ira irruerat in Israel: et idcirco numerus eorum qui fuerant recensiti, non est relatus in fastos regis David.
Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, nguni't hindi natapos; at dumating sa Israel ang pag-iinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.
25 Super thesauros autem regis fuit Azmoth filius Adiel. His autem thesauris, qui erant in urbibus, et in vicis, et in turribus, præsidebat Ionathan filius Oziæ.
At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias:
26 Operi autem rustico, et agricolis, qui exercebant terram, præerat Ezri filius Chelub:
At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:
27 vinearumque cultoribus, Semeias Romathites: cellis autem vinariis, Zabdias Aphonites.
At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:
28 Nam super oliveta et ficeta, quæ erant in campestribus, Balanam Gederites: super apothecas autem olei, Ioas.
At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:
29 Porro armentis, quæ pascebantur in Saron, præpositus fuit Setrai Saronites: et super boves in vallibus Saphat filius Adli:
At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:
30 super camelos vero, Ubil Ismahelites: et super asinos, Iadias Meronathites.
At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.
31 Super oves quoque Iaziz Agareus. Omnes hi, principes substantiæ regis David.
Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pag-aari ng haring David.
32 Ionathan autem patruus David, consiliarius, vir prudens et litteratus: ipse et Iahiel filius Hachamoni erant cum filiis regis.
At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:
33 Achitophel etiam consiliarius regis, et Chusai Arachites amicus regis.
At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si Husai na Archita ay kaibigan ng hari:
34 Post Achitophel fuit Ioiada filius Banaiæ, et Abiathar. Princeps autem exercitus regis erat Ioab.
At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab.

< I Paralipomenon 27 >