< Zaccharias Propheta 2 >
1 Et levavi oculos meos, et vidi, et ecce vir, et in manu ejus funiculus mensorum.
Pagkatapos nito, itiningala ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na mayroong panukat na lubid sa kaniyang kamay.
2 Et dixi: Quo tu vadis? Et dixit ad me: Ut metiar Jerusalem, et videam quanta sit latitudo ejus, et quanta longitudo ejus.
Sinabi ko, “Saan ka pupunta?” Kaya sinabi niya sa akin, “Susukatin ko ang Jerusalem, upang malaman ang luwang at haba nito.”
3 Et ecce angelus qui loquebatur in me egrediebatur, et angelus alius egrediebatur in occursum ejus:
Pagkatapos, umalis ang anghel na nakipag-usap sa akin at lumabas ang isa pang anghel upang salubungin siya.
4 et dixit ad eum: Curre, loquere ad puerum istum, dicens: Absque muro habitabitur Jerusalem, præ multitudine hominum et jumentorum in medio ejus.
Sinabi sa kaniya ng ikalawang anghel, “Tumakbo ka at sabihin mo sa binatang iyon: sabihin mo, 'Uupo ang Jerusalem sa bansang walang pader dahil sa napakaraming tao at mga hayop na nasa kaniya.
5 Et ego ero ei, ait Dominus, murus ignis in circuitu, et in gloria ero in medio ejus.
Sapagkat Ako ang magiging pader na apoy sa palibot niya at ako ang magiging kaluwalhatian sa kalagitnaan niya — ito ang pahayag ni Yahweh.
6 [O, o, fugite de terra aquilonis, dicit Dominus, quoniam in quatuor ventos cæli dispersi vos, dicit Dominus.
Oy! Oy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga'— ito ang pahayag ni Yahweh, 'sapagkat ikinalat ko kayo tulad ng apat na hangin sa himpapawid!' Ito ang pahayag ni Yahweh,
7 O Sion! fuge, quæ habitas apud filiam Babylonis:
'Oy! Tumakas kayo papuntang Zion, kayong mga naninirahan kasama ng mga anak na babae ng Babilonia!”'
8 quia hæc dicit Dominus exercituum: Post gloriam misit me ad gentes quæ spoliaverunt vos: qui enim tetigerit vos, tangit pupillam oculi mei:
Sapagkat pagkatapos akong parangalan ni Yahweh ng mga hukbo at ipadala ako laban sa mga bansa na nanamsam sa inyo— sapagkat sinuman ang sumagi sa inyo ay sumagi sa natatangi sa paningin ni Yahweh! Pagkatapos itong gawin ni Yahweh, sinabi niya,
9 quia ecce ego levo manum meam super eos, et erunt prædæ his qui serviebant sibi: et cognoscetis quia Dominus exercituum misit me.
“Ako mismo ang kukumpas ng aking kamay sa kanila, at magiging sinamsam sila para sa kanilang mga alipin.” At malalaman ninyo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa akin.
10 Lauda et lætare, filia Sion, quia ecce ego venio, et habitabo in medio tui, ait Dominus.
Umawit ka nang may kagalakan, anak na babae ng Zion, sapagkat ako mismo ang darating at mananahan sa inyo! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
11 Et applicabuntur gentes multæ ad Dominum in die illa, et erunt mihi in populum, et habitabo in medio tui: et scies quia Dominus exercituum misit me ad te.
Pagkatapos, makikiisa kay Yahweh ang mga malalaking bansa sa araw na iyon. Sinasabi niya, “At kayo ang magiging mga tao ko sapagkat mananahan ako sa inyong kalagitnaan.” At malalaman ninyo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa akin sa inyo.
12 Et possidebit Dominus Judam partem suam in terra sanctificata, et eliget adhuc Jerusalem.
Sapagkat mamanahin ni Yahweh ang Juda bilang kaniyang nararapat na pag-aari sa banal na lupain at muling pipiliin ang Jerusalem para sa kaniyang sarili.
13 Sileat omnis caro a facie Domini, quia consurrexit de habitaculo sancto suo.]
Ang lahat ng laman, manahimik kayo sa harapan ni Yahweh, sapagkat siya ay ginising mula sa kaniyang banal na lugar!