< Apocalypsis 1 >
1 Apocalypsis Jesu Christi, quam dedit illi Deus palam facere servis suis, quæ oportet fieri cito: et significavit, mittens per angelum suum servo suo Joanni,
Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan.
2 qui testimonium perhibuit verbo Dei, et testimonium Jesu Christi, quæcumque vidit.
Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kaniyang nakita tungkol sa salita ng Diyos at sa patotoong ibinigay tungkol kay Jesu-Cristo.
3 Beatus qui legit, et audit verba prophetiæ hujus, et servat ea, quæ in ea scripta sunt: tempus enim prope est.
Pinagpala ang bumabasa ng malakas— at ang lahat ng nakikinig —sa mga salita ng propesiyang ito at sumunod sa nakasulat dito, dahil ang panahon ay malapit na.
4 Joannes septem ecclesiis, quæ sunt in Asia. Gratia vobis, et pax ab eo, qui est, et qui erat, et qui venturus est: et a septem spiritibus qui in conspectu throni ejus sunt:
Si Juan, para sa pitong iglesia sa Asya: Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa kaniya na siya, at siyang noon, at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harap ng kaniyang trono,
5 et a Jesu Christo, qui est testis fidelis, primogenitus mortuorum, et princeps regum terræ, qui dilexit nos, et lavit nos a peccatis nostris in sanguine suo,
at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo,
6 et fecit nos regnum, et sacerdotes Deo et Patri suo: ipsi gloria et imperium in sæcula sæculorum. Amen. (aiōn )
ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama—sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen. (aiōn )
7 Ecce venit cum nubibus, et videbit eum omnis oculus, et qui eum pupugerunt. Et plangent se super eum omnes tribus terræ. Etiam: amen.
Tingnan mo, siya ay dumarating kasama ng mga ulap; bawat mata ay makikita siya, maging ang mga taong pumako sa kaniya. At ang lahat ng lipi sa lupa ay magluluksa para sa kaniya. Oo, Amen.
8 Ego sum alpha et omega, principium et finis, dicit Dominus Deus: qui est, et qui erat, et qui venturus est, omnipotens.
“Ako ang Alpa at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, “ang isa na, at siyang noon, at siya na darating, ang Makapangyarihan.”
9 Ego Joannes frater vester, et particeps in tribulatione, et regno, et patientia in Christo Jesu: fui in insula, quæ appellatur Patmos, propter verbum Dei, et testimonium Jesu:
Ako, si Juan—inyong kapatid at ang isang nakikibahagi sa inyo sa paghihirap at kaharian at matiyagang pagtitiis iyon ay si Jesus—ay nasa isla na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at patotoo tungkol kay Jesus.
10 fui in spiritu in dominica die, et audivi post me vocem magnam tamquam tubæ,
Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. Narinig ko ang isang malakas tulad ng isang trumpeta sa aking likuran.
11 dicentis: Quod vides, scribe in libro: et mitte septem ecclesiis, quæ sunt in Asia, Epheso, et Smyrnæ, et Pergamo, et Thyatiræ, et Sardis, et Philadelphiæ, et Laodiciæ.
Ito ay sinabi: “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia—sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea.”
12 Et conversus sum ut viderem vocem, quæ loquebatur mecum: et conversus vidi septem candelabra aurea:
Lumingon ako para makita kung kanino ang tinig na kumakausap sa akin, sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong ilawan.
13 et in medio septem candelabrorum aureorum, similem Filio hominis vestitum podere, et præcinctum ad mamillas zona aurea:
Sa gitna ng mga ilawan ay mayroong isang katulad ng Anak ng Tao, suot ang isang mahabang balabal na abot pababa sa kaniyang mga paa, at isang gintong sinturon na nakapalibot sa kaniyang dibdib.
14 caput autem ejus, et capilli erant candidi tamquam lana alba, et tamquam nix, et oculi ejus tamquam flamma ignis:
Ang kaniyang ulo at buhok ay kasing-puti ng lana, kasing-puti ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy.
15 et pedes ejus similes auricalco, sicut in camino ardenti, et vox illius tamquam vox aquarum multarum:
Ang kaniyang mga paa ay tulad ng pinakintab na tanso, tulad ng tanso na pinino sa isang pugon, at ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming umaagos na tubig.
16 et habebat in dextera sua stellas septem: et de ore ejus gladius utraque parte acutus exibat: et facies ejus sicut sol lucet in virtute sua.
Sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin at lumalabas mula sa kaniyang bibig ang isang matalas na magkabilang talim na espada. Ang kaniyang mukha ay nagniningning tulad ng matinding sikat ng araw.
17 Et cum vidissem eum, cecidi ad pedes ejus tamquam mortuus. Et posuit dexteram suam super me, dicens: Noli timere: ego sum primus, et novissimus,
Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli,
18 et vivus, et fui mortuus, et ecce sum vivens in sæcula sæculorum: et habeo claves mortis, et inferni. (aiōn , Hadēs )
at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades. (aiōn , Hadēs )
19 Scribe ergo quæ vidisti, et quæ sunt, et quæ oportet fieri post hæc.
Kaya isulat mo ang lahat ng iyong nakita, ano ang ngayon, at ang magaganap pagkatapos nito.
20 Sacramentum septem stellarum, quas vidisti in dextera mea, et septem candelabra aurea: septem stellæ, angeli sunt septem ecclesiarum: et candelabra septem, septem ecclesiæ sunt.
Patungkol sa nakatagong kahulugan tungkol sa pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong mga gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga angel ng pitong iglesia, at ang pitong ilawan ay ang pitong mga iglesia.”