< Iohannem 20 >
1 Una autem sabbati, Maria Magdalene venit mane, cum adhuc tenebræ essent, ad monumentum: et vidit lapidem sublatum a monumento.
Ngayon madaling araw ng unang araw ng linggo habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan; nakita niya na naigulong ang bato malayo sa libingan.
2 Cucurrit ergo, et venit ad Simonem Petrum, et ad alium discipulum, quem amabat Jesus, et dicit illis: Tulerunt Dominum de monumento, et nescimus ubi posuerunt eum.
Kaya siya ay tumakbo at nagpunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na minamahal ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila ang katawan ng Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya dinala.”
3 Exiit ergo Petrus, et ille alius discipulus, et venerunt ad monumentum.
Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad at nagpunta sila sa libingan.
4 Currebant autem duo simul, et ille alius discipulus præcucurrit citius Petro, et venit primus ad monumentum.
Kapwa silang tumakbong magkasama, naunahan sa pagtakbo ng isa pang alagad si Pedro at naunang dumating sa libingan.
5 Et cum se inclinasset, vidit posita linteamina: non tamen introivit.
Yumuko siya at tumingin sa loob; nakita niya ang telang lino na nakalatag doon, ngunit hindi pa siya pumasok sa loob.
6 Venit ergo Simon Petrus sequens eum, et introivit in monumentum, et vidit linteamina posita,
Pagkatapos ay dumating si Simon Pedro kasunod niya at ito ay pumasok sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na nakalatag doon
7 et sudarium, quod fuerat super caput ejus, non cum linteaminibus positum, sed separatim involutum in unum locum.
at ang tela na dati ay nasa kaniyang ulo. Hindi ito kasamang nakalatag sa mga damit na lino ngunit ito ay nakabalumbon sa lugar kung saan ito nakalagay.
8 Tunc ergo introivit et ille discipulus qui venerat primus ad monumentum: et vidit, et credidit:
At ang isa pang alagad ay pumasok rin, na unang dumating sa libingan; nakita niya at siya ay naniwala.
9 nondum enim sciebant Scripturam, quia oportebat eum a mortuis resurgere.
Dahil hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin nila alam ang kasulatan na si Jesus ay dapat mabuhay na muli mula sa kamatayan.
10 Abierunt ergo iterum discipuli ad semetipsos.
Kaya ang mga alagad ay umalis muli at umuwi sa kanilang mga tahanan.
11 Maria autem stabat ad monumentum foris, plorans. Dum ergo fleret, inclinavit se, et prospexit in monumentum:
Gayunpaman si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis; habang siya ay umiiyak, yumuko siya at tumingin sa loob ng libingan.
12 et vidit duos angelos in albis sedentes, unum ad caput, et unum ad pedes, ubi positum fuerat corpus Jesu.
Nakita niya ang dalawang anghel na nakaputing kasuotan na nakaupo, isa sa may ulunan, at ang isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay inihiga.
13 Dicunt ei illi: Mulier, quid ploras? Dicit eis: Quia tulerunt Dominum meum: et nescio ubi posuerunt eum.
Sinabi nila sa kaniya, “Babae, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “Dahil kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.
14 Hæc cum dixisset, conversa est retrorsum, et vidit Jesum stantem: et non sciebat quia Jesus est.
Nang sinabi niya ito, napalingon siya at nakitang nakatayo doon si Jesus, ngunit hindi niya alam na ito ay si Jesus.
15 Dicit ei Jesus: Mulier, quid ploras? quem quæris? Illa existimans quia hortulanus esset, dicit ei: Domine, si tu sustulisti eum, dicito mihi ubi posuisti eum, et ego eum tollam.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Babae, bakit ka tumatangis? “Sino ang hinahanap mo?” Akala niya na siya ang hardinero kaya sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung kinuha ninyo siya, sabihin ninyo kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko siya.”
16 Dicit ei Jesus: Maria. Conversa illa, dicit ei: Rabboni (quod dicitur Magister).
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.”
17 Dicit ei Jesus: Noli me tangere, nondum enim ascendi ad Patrem meum: vade autem ad fratres meos, et dic eis: Ascendo ad Patrem meum, et Patrem vestrum, Deum meum, et Deum vestrum.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama; ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos”.
18 Venit Maria Magdalene annuntians discipulis: Quia vidi Dominum, et hæc dixit mihi.
Pumunta si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon,” at sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniya.
19 Cum ergo sero esset die illo, una sabbatorum, et fores essent clausæ, ubi erant discipuli congregati propter metum Judæorum: venit Jesus, et stetit in medio, et dixit eis: Pax vobis.
Kinagabihan ng araw na iyon na unang araw ng linggo, at habang nakasara ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”
20 Et cum hoc dixisset, ostendit eis manus et latus. Gavisi sunt ergo discipuli, viso Domino.
Nang sinabi niya ito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. At nang makita ng mga alagad ang Panginoon, nagalak sila.
21 Dixit ergo eis iterum: Pax vobis. Sicut misit me Pater, et ego mitto vos.
At muling sinabi sa kanila ni Jesus, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama, gayun din ko kayo sinusugo.”
22 Hæc cum dixisset, insufflavit, et dixit eis: Accipite Spiritum Sanctum:
Nang sinabi ito ni Jesus, hiningahan niya sila, at sinabi sa kanila, “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu.
23 quorum remiseritis peccata, remittuntur eis: et quorum retinueritis, retenta sunt.
Kung kanino mang kasalanan ang inyong patatawarin, ang mga ito ay pinatatawad para sa kanila; kung kanino mang mga kasalanan ang inyong pinanatili, ang mga ito ay mananatili.”
24 Thomas autem unus ex duodecim, qui dicitur Didymus, non erat cum eis quando venit Jesus.
Si Tomas, na isa sa Labindalawa, na tinatawag na Didimo, ay hindi nila kasama nang si Jesus ay dumating. Paglaon ay sinabi ng iba pang mga alagad sa kaniya,
25 Dixerunt ergo ei alii discipuli: Vidimus Dominum. Ille autem dixit eis: Nisi videro in manibus ejus fixuram clavorum, et mittam digitum meum in locum clavorum, et mittam manum meam in latus ejus, non credam.
“Nakita namin ang Panginoon.” Sinabi niya sa kanila, “Maliban na makita ko ang mga bakas ng mga pako sa kaniyang mga kamay, at mailagay ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako maniniwala.”
26 Et post dies octo, iterum erant discipuli ejus intus, et Thomas cum eis. Venit Jesus januis clausis, et stetit in medio, et dixit: Pax vobis.
Pagkalipas ng walong araw, muling nasa loob ang mga alagad at si Tomas ay kasama nila. Dumating si Jesus habang ang mga pinto ay nakasara, tumayo sa gitna nila at sinabi, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo.”
27 Deinde dicit Thomæ: Infer digitum tuum huc, et vide manus meas, et affer manum tuam, et mitte in latus meum: et noli esse incredulus, sed fidelis.
At sinabi niya kay Tomas, “Iabot mo dito ang iyong daliri at tingnan ang aking mga kamay; iabot mo rito ang iyong mga kamay at ilagay sa aking tagiliran; huwag maging walang pananampalataya ngunit maniwala ka.”
28 Respondit Thomas, et dixit ei: Dominus meus et Deus meus.
Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya, “Aking Panginoon at aking Diyos.”
29 Dixit ei Jesus: Quia vidisti me, Thoma, credidisti: beati qui non viderunt, et crediderunt.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Dahil nakita mo ako, ikaw ay naniwala”. Pinagpala silang mga hindi nakakita ngunit naniwala.”
30 Multa quidem et alia signa fecit Jesus in conspectu discipulorum suorum, quæ non sunt scripta in libro hoc.
Ngayon, si Jesus ay gumawa ng maraming mga tanda sa harapan ng mga alagad, mga tandang hindi naisulat sa aklat na ito,
31 Hæc autem scripta sunt ut credatis, quia Jesus est Christus Filius Dei: et ut credentes, vitam habeatis in nomine ejus.
ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.