< Ii Regum 5 >

1 Naaman princeps militiæ regis Syriæ erat vir magnus apud dominum suum, et honoratus: per illum enim dedit Dominus salutem Syriæ: erat autem vir fortis et dives, sed leprosus.
Ngayon si Naaman, pinuno ng hukbo ng hari ng Aram, ay magiting at marangal sa paningin ng kaniyang panginoon, dahil sa pamamagitan niya, binigyan ng tagumpay ni Yahweh ang Aram. Malakas din siya at matapang pero isa siyang ketongin.
2 Porro de Syria egressi fuerant latrunculi, et captivam duxerant de terra Israël puellam parvulam, quæ erat in obsequio uxoris Naaman:
Lumusob ang mga Aramean nang grupo grupo at dinakip ang isang batang babae mula sa lupain ng Israel. Pinaglingkuran niya ang asawa ni Naaman.
3 quæ ait ad dominam suam: Utinam fuisset dominus meus ad prophetam qui est in Samaria, profecto curasset eum a lepra quam habet.
Sinabi ng dalaga sa kaniyang madrasta, “Sana kasama ng amo ko ang propeta na nasa Samaria! Tiyak pagagalingin niya ang ketong ng panginoon ko.”
4 Ingressus est itaque Naaman ad dominum suum, et nuntiavit ei, dicens: Sic et sic locuta est puella de terra Israël.
Kaya sinabi ni Naaman sa hari ang sinabi ng dalaga mula sa lupain ng Israel.
5 Dixitque ei rex Syriæ: Vade, et mittam litteras ad regem Israël. Qui cum profectus esset, et tulisset secum decem talenta argenti, et sex millia aureos, et decem mutatoria vestimentorum,
Kaya sinabi ng hari ng Aram, “Lumakad ka, at magpapadala ako ng liham sa hari ng Israel.” Umalis si Naaman na may baong sampung talentong pilak, anim na libong piraso ng ginto, at sampung pamalit na damit.
6 detulit litteras ad regem Israël in hæc verba: Cum acceperis epistolam hanc, scito quod miserim ad te Naaman servum meum, ut cures eum a lepra sua.
Dinala rin niya ang liham sa hari ng Israel na nagsasabing, “Kapag dumating ang sulat na ito sa iyo, makikita mong pinadala ko si Naaman na aking lingkod sa iyo para pagalingin mo siya sa kaniyang ketong.”
7 Cumque legisset rex Israël litteras, scidit vestimenta sua, et ait: Numquid deus ego sum, ut occidere possim et vivificare, quia iste misit ad me ut curem hominem a lepra sua? animadvertite, et videte quod occasiones quærat adversum me.
Nang mabasa ng hari ng Israel ang liham, pinunit niya ang damit niya at sinabing, “Diyos ba ako, para pumatay at magbigay ng buhay kaya nais ng lalaking ito na pagalingin ko ang isang tao sa kaniyang ketong? Mukhang naghahamon siya ng away.”
8 Quod cum audisset Eliseus vir Dei, scidisse videlicet regem Israël vestimenta sua, misit ad eum, dicens: Quare scidisti vestimenta tua? veniat ad me, et sciat esse prophetam in Israël.
Kaya nang marinig ni Eliseo, ang lingkod ng Diyos, na pinunit ng hari ng Israel ang kaniyang damit, nagpadala siya ng mensahe sa hari nagsasabing, “Bakit mo pinunit ang iyong mga damit? Papuntahin mo siya sa akin at malalaman niyang may propeta sa Israel.”
9 Venit ergo Naaman cum equis et curribus, et stetit ad ostium domus Elisei:
Kaya dumating si Naaman kasama ng kaniyang mga kabayo at karwahe at tumayo sa pinto ng bahay ni Eliseo.
10 misitque ad eum Eliseus nuntium, dicens: Vade, et lavare septies in Jordane, et recipiet sanitatem caro tua, atque mundaberis.
Nagpadala si Eliseo ng mensahero sa kaniya, sinasabing, “Lumublob ka sa Jordan ng pitong beses, at maibabalik ang kutis mo; ikaw ay magiging malinis.”
11 Iratus Naaman recedebat, dicens: Putabam quod egrederetur ad me, et stans invocaret nomen Domini Dei sui, et tangeret manu sua locum lepræ, et curaret me.
Pero nagalit si Naaman at umalis, sinasabing, “Tingnan mo, akala ko siguradong lalabas siya para sa akin at tatayo at tatawag sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos, at ikukumpas ang kamay niya sa buong katawan ko para pagalingin ako sa aking ketong.
12 Numquid non meliores sunt Abana et Pharphar fluvii Damasci, omnibus aquis Israël, ut laver in eis, et munder? Cum ergo vertisset se, et abiret indignans,
Hindi ba't ang Abana at Farfar, mga ilog ng Damasco, ay mas malinis kaysa lahat ng tubig sa Israel? Hindi ba pwedeng doon ako maligo para maging malinis?” Kaya tumalikod siya at umalis nang galit na galit.
13 accesserunt ad eum servi sui, et locuti sunt ei: Pater, etsi rem grandem dixisset tibi propheta, certe facere debueras: quanto magis quia nunc dixit tibi: Lavare, et mundaberis?
Pagkatapos lumapit ang mga lingkod ni Naaman at kinausap siya, “Ama, kung inutusan ka ng propeta ng isang mahirap na bagay, hindi mo ba gagawin ito? Paano pa kaya kung magsabi siya sa iyo ng isang simpleng bagay gaya ng, 'Lumublob ka para maging malinis ka?'”
14 Descendit, et lavit in Jordane septies juxta sermonem viri Dei: et restituta est caro ejus sicut caro pueri parvuli, et mundatus est.
Kaya nagpunta siya at lumublob ng pitong beses sa Jordan bilang pagsunod sa mga tagubilin ng lingkod ng Diyos. Bumalik ang kaniyang kutis, tulad ng kutis ng isang maliit na bata, at siya ay gumaling.
15 Reversusque ad virum Dei cum universo comitatu suo, venit, et stetit coram eo, et ait: Vere scio quod non sit alius deus in universa terra, nisi tantum in Israël. Obsecro itaque ut accipias benedictionem a servo tuo.
Bumalik si Naaman sa lingkod ng Diyos, siya at ang lahat ng kaniyang kasama, at lumapit sila sa harap niya. Sinabi niya, “Alam kong wala nang ibang diyos sa buong mundo maliban sa Israel. Kaya pakiusap, tanggapin mo ang regalong ito mula sa iyong lingkod.”
16 At ille respondit: Vivit Dominus, ante quem sto, quia non accipiam. Cumque vim faceret, penitus non acquievit.
Pero tumugon si Eliseo, “Hangga't nabubuhay si Yahweh na aking pinaglilingkuran, hindi ako tatanggap ng anumang bagay.” Pinilit ni Naaman si Eliseo na tanggapin ang regalo pero tumanggi ito.
17 Dixitque Naaman: Ut vis: sed, obsecro, concede mihi servo tuo ut tollam onus duorum burdonum de terra: non enim faciet ultra servus tuus holocaustum aut victimam diis alienis, nisi Domino.
Kaya sinabi ni Naaman, “Kung hindi, maaari mo ba akong bigyan ng lupa na kayang dalhin ng dalawang mola, dahil simula ngayon, ang iyong lingkod ay hindi na maghahandog, ni mag-aalay sa sinumang diyos maliban kay Yahweh.
18 Hoc autem solum est, de quo depreceris Dominum pro servo tuo, quando ingredietur dominus meus templum Remmon ut adoret: et illo innitente super manum meam, si adoravero in templo Remmon, adorante eo in eodem loco, ut ignoscat mihi Dominus servo tuo pro hac re.
Pero patawarin sana ni Yahweh ang iyong lingkod sa isang bagay na ito, iyon ay, kapag pumunta ang hari sa tahanan ni Rimmon para sumamba roon, at kumapit siya sa kamay ko, at yumuko ako sa tahanan ni Rimmon. Patawarin nawa ni Yahweh ang iyong lingkod sa bagay na ito.”
19 Qui dixit ei: Vade in pace. Abiit ergo ab eo electo terræ tempore.
Sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Humayo ka nang mapayapa.” Kaya umalis si Naaman.
20 Dixitque Giezi puer viri Dei: Pepercit dominus meus Naaman Syro isti, ut non acciperet ab eo quæ attulit: vivit Dominus, quia curram post eum, et accipiam ab eo aliquid.
Hindi pa siya nakakalayo sa kaniyang paglalakbay nang si Gehazi lingkod ni Eliseo na lingkod ng Diyos ay sinabi sa kaniyang sarili, “Kinaawaan ng panginoon ko si Naaman na Aramean sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga regalo mula sa kamay niya na kaniyang dinala. Hangga't nabubuhay si Yahweh, hahabulin ko siya at tatanggap ako ng anumang bagay mula sa kaniya.”
21 Et secutus est Giezi post tergum Naaman: quem cum vidisset ille currentem ad se, desiliit de curru in occursum ejus, et ait: Rectene sunt omnia?
Kaya sumunod si Gehazi kay Naaman. Nang nakita ni Naaman na may taong sumusunod sa kaniya, bumaba siya mula sa kaniyang karwahe para salubungin siya at sinabing, “Maayos lang ba ang lahat?”
22 Et ille ait: Recte. Dominus meus misit me ad te dicens: Modo venerunt ad me duo adolescentes de monte Ephraim, ex filiis prophetarum: da eis talentum argenti, et vestes mutatorias duplices.
Sinabi ni Gehazi, “Maayos naman ang lahat. Pinadala ako ng aking panginoon, sinasabing, 'May lumapit sa akin mula sa bansa sa burol ng Efraim, dalawang lalaki na anak ng mga propeta. Pakiusap bigyan mo sila ng isang talentong pilak at dalawang pamalit na damit.”
23 Dixitque Naaman: Melius est ut accipias duo talenta. Et coëgit eum, ligavitque duo talenta argenti in duobus saccis, et duplicia vestimenta, et imposuit duobus pueris suis, qui et portaverunt coram eo.
Tumugon si Naaman, “Masaya akong bigyan ka ng dalawang talento.” Hinimok ni Naaman si Gehazi at nagtali ng dalawang talentong pilak sa dalawang sisidlan, na may dalawang pamalit na damit, at ipinapasan ito sa kaniyang dalawang lingkod na nagdala ng mga sisidlan ng pilak para kay Gehazi.
24 Cumque venisset jam vesperi, tulit de manu eorum, et reposuit in domo, dimisitque viros, et abierunt.
Nang dumating si Gehazi sa burol, kinuha niya ang sisidlan ng pilak mula sa mga kamay nila at tinago ang mga ito sa bahay; pinaalis niya ang mga lingkod at umalis sila.
25 Ipse autem ingressus, stetit coram domino suo. Et dixit Eliseus: Unde venis, Giezi? Qui respondit: Non ivit servus tuus quoquam.
Nang pumasok si Gehazi at humarap sa kaniyang amo, sinabi ni Eliseo, “Saan ka nanggaling, Gehazi?” Tumugon siya, “Diyan-diyan lang nagpunta ang iyong lingkod.”
26 At ille ait: Nonne cor meum in præsenti erat, quando reversus est homo de curru suo in occursum tui? nunc igitur accepisti argentum, et accepisti vestes ut emas oliveta, et vineas, et oves, et boves, et servos, et ancillas.
Sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Hindi ba kasama mo ang espiritu ko nang huminto ang karwahe ng lalaking iyon para salubungin ka? Ito ba ang oras para tumanggap ng pera, damit, mga olibong halamanan at mga ubasan, mga tupa, mga baka, at mga lingkod na lalaki at babae?
27 Sed et lepra Naaman adhærebit tibi, et semini tuo usque in sempiternum. Et egressus est ab eo leprosus quasi nix.
Kaya ang ketong ni Naaman ay papasa-iyo at iyong mga kaapu-apuhan magpakailanaman.” Kaya umalis si Gehazi sa kaniyang harapan, isang ketongin na kasing puti ng bulak.

< Ii Regum 5 >