< Psalm 38 >

1 [Psalm lal David] O LEUM GOD, nimet kaiyu in mulat lom!
Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit at huwag akong parusahan sa iyong poot.
2 Kom kanteyuwi ke pisr nutum, Ac kom puokyuwi.
Dahil tumatagos sa akin ang iyong mga palaso at ibinabagsak ako ng iyong kamay.
3 Ke sripen kasrkusrak lom, nga muta in keok lulap; Monuk nufon mas ke sripen ma koluk luk.
May karamdaman ang aking buong katawan dahil sa iyong galit; walang kalakasan ang aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4 Nga walomla in sronot lun ma koluk luk, Su arulana toasr nu sik in us.
Dahil nilunod ako ng aking mga kasalanan; napakabigat ng pasanin na ito para sa akin.
5 Kinet keik pusrosr ac kulawi Ke sripen ma lalfon nga oru.
Lumala at nangamoy ang aking mga sugat dahil sa mga hangal kong kasalanan.
6 Nga itungyuki ac kuruweni; Nga mwemelil ke len fon.
Tinatapakan ako at pinahihiya araw-araw; buong araw akong nagluluksa.
7 Arulana folla monuk ke mas luk Ac nga apkuran in misa.
Dahil dinaig ako ng kahihiyan, may karamdaman ang aking buong katawan.
8 Nga totola ac arulana itungyuki; Insiuk keok na, ac nga sasaola ke ngal luk.
Manhid na ako at labis na nanlulupaypay; naghihinagpis ako dahil sa galit ng aking puso.
9 O Leum, kom etu lah mea nga kena kac; Kom lohng sasao luk nukewa.
Panginoon, naiintindihan mo ang masidhing pagnanais ng aking puso at ang aking mga paghihinagpis ay hindi ko maitatago mula sa iyo.
10 Insiuk kihmkim, ku luk wanginla, Ac mutuk ohkla.
Kumakabog ang aking puso, naglalaho ang aking lakas, at nanlalabo ang aking paningin.
11 Mwet kawuk ac mwet tulan luk elos tila tuku apkuran nu yuruk Ke sripen ruf keik; Finne sou luk, elos tila fahsriyu.
Iniiwasan ako ng aking mga kaibigan dahil sa aking kalagayan; nilalayuan ako ng aking kapwa.
12 Elos su suk in uniyuwi elos filiya kwasrip nu sik, Ac elos su kena akngalyeyu elos fahk mu elos ac kunausyula. Elos tiana tui in orek pwapa koluk lainyu.
Silang mga naghahangad ng masama sa aking buhay ay naglagay ng mga patibong para sa akin. Silang naghahangad ng aking kapahamakan ay nagsasabi ng mga mapanira at mapanlinlang na mga salita buong araw.
13 Nga oana sie mwet sulohngkas — nga tia ku in lohng, Nga oana sie mwet kofla kaskas, na nga tia kaskas.
Pero ako, tulad ako ng isang bingi na walang naririnig; tulad ako ng isang pipi na walang sinasabi.
14 Nga oana mwet se su tia ku in topuk ma uh Ke sripen el tia ku in lohng.
Tulad ako ng isang taong hindi nakaririnig at walang katugunan.
15 Tusruktu nga lulalfongi in kom, O LEUM GOD, Kom, Leum God luk, fah topukyu.
Siguradong maghihintay ako para sa iyo, Yahweh; ikaw ay sasagot, Panginoong aking Diyos.
16 Nikmet lela mwet lokoalok luk in engan ke nga sun mwe ongoiya; Nikmet lela elos in tungak ke nga ikori.
Sinasabi ko ito para hindi ako maliitin ng aking mga kaaway. Kung madudulas ang aking paa, gagawan nila ako ng mga nakakakilabot na mga bagay.
17 Nga apkuran in ikori, Ac nga waiok pacl e nukewa.
Dahil matitisod na ako at ako ay patuloy na naghihinanakit.
18 Nga fahkak ma koluk luk; Tuh ma inge oru nga arulana fosrnga.
Inaamin ko ang aking pagkakasala; nababahala ako sa aking kasalanan.
19 Mwet lokoalok luk elos arulana ku in mano; Pukanten mwet srungayu ke wangin sripa.
Pero napakarami ng aking mga kaaway; ang mga napopoot ng mali ay marami.
20 Elos su folokin ma koluk ke ma wo Elos lainyu mweyen nga srike in oru ma suwohs.
Gumaganti (sila) ng masama sa aking kabutihan; nagbabato (sila) ng paratang sa akin kahit pinagpatuloy ko kung ano ang mabuti.
21 Nikmet sisyula, O LEUM GOD; Nikmet fahsr likiyu, God luk.
Huwag mo akong pabayaan, Yahweh; aking Diyos, huwag kang lumayo sa akin.
22 Kasreyu inge, O Leum su langoeyu!
Magmadali kang pumunta para tulungan ako, Panginoon, na aking kaligtasan.

< Psalm 38 >