< 시편 34 >

1 다윗이 아비멜렉 앞에서 미친체하다가 쫓겨나서 지은 시 내가 여호와를 항상 송축함이여 그를 송축함이 내 입에 계속하리로다
Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig.
2 내 영혼이 여호와로 자랑하리니 곤고한 자가 이를 듣고 기뻐하리로다
Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at (sila) ay matuwa.
3 나와 함께 여호와를 광대하시다 하며 함께 그 이름을 높이세
Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan.
4 내가 여호와께 구하매 내게 응답하시고 내 모든 두려움에서 나를 건지셨도다
Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.
5 저희가 주를 앙망하고 광채를 입었으니 그 얼굴이 영영히 부끄럽지 아니하리로다
Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.
6 이 곤고한 자가 부르짖으매 여호와께서 들으시고 그 모든 환난에서 구원하셨도다
Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
7 여호와의 사자가 주를 경외하는 자를 둘러 진치고 저희를 건지시는도다
Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at (sila) ay nililigtas niya.
8 너희는 여호와의 선하심을 맛보아 알지어다 그에게 피하는 자는 복이 있도다
Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya.
9 너희 성도들아 여호와를 경외하라 저를 경외하는 자에게는 부족함이 없도다
Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya.
10 젊은 사자는 궁핍하여 주릴지라도 여호와를 찾는 자는 모든 좋은 것에 부족함이 없으리로다
Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti.
11 너희 소자들아 와서 내게 들으라 내가 여호와를 경외함을 너희에게 가르치리로다
Halikayo, mga bata, makinig kayo sa akin; ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh.
12 생명을 사모하고 장수하여 복 받기를 원하는 사람이 누구뇨
Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay?
13 네 혀를 악에서 금하며 네 입술을 궤사한 말에서 금할지어다
Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan.
14 악을 버리고 선을 행하며 화평을 찾아 따를지어다
Tumalikod kayo sa kasamaan at gumawa ng mabuti; hangarin ninyo ang kapayapaan at ito ay palaganapin.
15 여호와의 눈은 의인을 향하시고 그 귀는 저희 부르짖음에 기울이시는도다
Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.
16 여호와의 얼굴은 행악하는 자를 대하사 저희의 자취를 땅에서 끊으려 하시는도다
Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo.
17 의인이 외치매 여호와께서 들으시고 저희의 모든 환난에서 건지셨도다
Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas (sila)
18 여호와는 마음이 상한 자에게 가까이 하시고 중심에 통회하는 자를 구원하시는도다
Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.
19 의인은 고난이 많으나 여호와께서 그 모든 고난에서 건지시는도다
Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.
20 그 모든 뼈를 보호하심이여 그 중에 하나도 꺽이지 아니하도다
Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira.
21 악이 악인을 죽일 것이라 의인을 미워하는 자는 죄를 받으리로다
Papatayin ng masama ang makasalanan; ang mga galit sa matutuwid ay mahahatulan.
22 여호와께서 그 종들의 영혼을 구속하시나니 저에게 피하는 자는 다 죄를 받지 아니하리로다
Ang mga kaluluwa ng kaniyang mga lingkod ay tinutubos ni Yahweh; walang mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya.

< 시편 34 >