< 민수기 9 >

1 애굽 땅에서 나온 다음 해 정월에 여호와께서 시내 광야에서 모세에게 일러 가라사대
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang buwan ng ikalawang taon matapos silang makalabas mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
2 이스라엘 자손으로 유월절을 그 정기에 지키게 하라
“Hayaan mong panatilihin ng mga tao ng Israel ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon.
3 그 정기 곧 이달 십사일 해 질 때에 너희는 그것을 지키되 그 모든 율례와 그 모든 규례대로 지킬지니라
Sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, dapat ninyong ipagdiwang ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon. Dapat ninyong panatilihin ito, sundin ang lahat ng alituntunin at sumunod sa lahat ng utos na kaugnay rito.”
4 모세가 이스라엘 자손에게 명하여 유월절을 지키라 하매
Kaya sinabi ni Moises sa mga tao ng Israel na dapat nilang panatilihin ang Pagdiriwang ng Paskua.
5 그들이 정월 십사일 해 질 때에 시내 광야에서 유월절을 지켰으되 이스라엘 자손이 여호와께서 모세에게 명하신 것을 다 좇아 행하였더라
Kaya ipinagdiwangi nila ang Paskua sa unang buwan, sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng buwan, sa ilang ng Sinai. Sinunod ng mga tao ng Israel ang lahat ng bagay na iniutos ni Yahweh kay Moises na kaniyang gawin.
6 때에 사람의 시체로 인하여 부정케 되어서 유월절을 지킬 수 없는 사람들이 있었는데 그들이 당일에 모세와 아론 앞에 이르러
May ilang kalalakihang naging marumi sa pamamagitan ng patay na katawan ng isang tao. Hindi nila magawang ipagdiwang ang Paskua sa araw ding iyon, pinuntahan nila sina Moises at Aaron sa parehong araw na iyon.
7 그에게 이르되 우리가 사람의 시체로 인하여 부정케 되었거니와 우리를 금지하여 이스라엘 자손과 함께 정기에 여호와께 예물을 드리지 못하게 하심은 어찜이니이까
Sinabi ng mga lalaking iyon kay Moises, “Marumi kami dahil sa patay na katawan ng isang tao. Bakit mo kami pinipigilan sa pag-aalay ng handog kay Yahweh sa panahon panahon ng bawat taon sa mga tao ng Israel?”
8 모세가 그들에게 이르되 기다리라 여호와께서 너희에게 대하여 어떻게 명하시는지 내가 들으리라
Sinabi ni Moises sa kanila, “Hintayin ninyo na marinig ko kung ano ang itatagubilin ni Yahweh tungkol sa inyo.”
9 여호와께서 모세에게 일러 가라사대
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
10 이스라엘 자손에게 일러 고하여 이르라 너희나 너희 후손 중에 시체로 인하여 부정케 되든지 먼 여행 중에 있든지 할지라도 다 여호와 앞에 마땅히 유월절을 지키되
Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo, ''Kung sinuman sa inyo o sa inyong mga kaapu-apuhan ay marumi dahil sa isang patay na katawan, o nasa isang mahabang paglalakabay, maaari pa rin niyang ipagdiwang ang Paskua para kay Yahweh.'
11 이월 십사일 해 질 때에 그것을 지켜서 어린 양에 무교병과 쓴 나물을 아울러 먹을 것이요
Dapat nilang ipagdiwang ang Paskua sa ikalawang buwan sa gabi ng ikalabing-apat na araw. Dapat nilang kainin ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa at mga gulay na mapait.
12 아침까지 그것을 조금도 남겨 두지 말며 그 뼈를 하나도 꺽지 말아서 유월절 모든 율례대로 지킬 것이니라
Wala silang dapat ititira nito hanggang sa umaga, ni dapat nilang baliin ang isang buto ng mga hayop. Dapat nilang sundin ang lahat ng alituntunin para sa Paskua.
13 그러나 사람이 정결도 하고 여행 중에도 있지 아니하면서 유월절을 지키지 아니하는 자는 그 백성 중에서 끊쳐지리니 이런 사람은 그 정기에 여호와께 예물을 드리지 아니하였은즉 그 죄를 당할지며
Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan.
14 만일 타국인이 너희 중에 우거하여 여호와 앞에 유월절을 지키고자 하면 유월절 율례대로 그 규례를 따라서 행할지니 우거한 자에게나 본토인에게나 그 율례는 동일할 것이니라
Kung nakikitira ang isang dayuhan sa inyo at ipinagdiriwang ang Paskua sa karangalan ni Yahweh, dapat niyang panatilihin ito at gawin lahat ng kaniyang iniuutos, sinusunod ang mga alituntunin ng Paskua at sinusunod ang mga batas para rito. Dapat kayong magkaroon ng parehong batas para sa dayuhan at para sa lahat ng ipinanganak sa lupain.”
15 성막을 세운 날에 구름이 성막 곧 증거막을 덮었고 저녁이 되면 성막 위에 불 모양 같은 것이 나타나서 아침까지 이르렀으되
Sa araw na itinayo ang tabernakulo, binalot ng ulap ang tabernakulo, ang tolda ng kautusang tipan. Sa gabi nasa itaas ng tabernakulo ang ulap. Nagpakita ito na parang apoy hanggang sa umaga.
16 항상 그러하여 낮에는 구름이 그것을 덮었고 밤에는 불 모양이 있었는데
Nagpatuloy ito sa paraang ganito. Binalot ng ulap ang tabernakulo at nagpakita na parang apoy sa gabi.
17 구름이 성막에서 떠오르는 때에는 이스라엘 자손이 곧 진행하였고 구름이 머무는 곳에 이스라엘 자손이 진을 쳤으니
Sa tuwing tumataas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, naghahanda sa paglalakbay ang mga tao ng Israel. Sa tuwing titiigil ang ulap, nagkakampo ang mga tao.
18 이스라엘 자손이 여호와의 명을 좇아 진행하였고 여호와의 명을 좇아 진을 쳤으며 구름이 성막 위에 머무는 동안에는 그들이 유진하였고
Sa utos ni Yahweh, naglalakbay ang mga tao ng Israel, at sa kaniyang utos, nagkakampo sila. Habang nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, nananatili sila sa kanilang kampo.
19 구름이 장막 위에 머무는 날이 오랠 때에는 이스라엘 자손이 여호와의 명을 지켜 진행치 아니하였으며
Kapag nananatili ang ulap sa tabernakulo ng maraming araw, maaaring sundin ng mga tao ng Israel ang mga tagubilin ni Yahweh at huwag maglakbay.
20 혹시 구름이 장막 위에 머무는 날이 적을 때에도 그들이 다만 여호와의 명을 좇아 유진하고 여호와의 명을 좇아 진행하였으며
Minsan nananatili ang ulap ng kaunting araw sa tabernakulo. Sa panahong iyon, susundin nila ang utos ni Yahweh—magkakampo sila at maglalakbay muli sa kaniyang utos.
21 혹시 구름이 저녁부터 아침까지 있다가 아침에 그 구름이 떠오를 때에는 그들이 진행하였고 구름이 밤낮 있다가 떠 오르면 곧 진행하였으며
Minsan naroroon ang ulap sa kampo mula gabi hanggang sa umaga. Kapag tumataas ang ulap sa umaga, maglalakbay sila. Kung magpapatuloy ito ng isang araw at isang gabi, kapag tumaas lamang ang ulap na sila ay magpapatuloy sa paglalakbay.
22 이틀이든지 한 달이든지 일 년이든지 구름이 성막 위에 머물러 있을 동안에는 이스라엘 자손이 유진하고 진행치 아니하다가 떠 오르면 진행하였으니
Kahit nananatili ang ulap sa tabernakulo ng dalawang araw, isang buwan o isang taon, habang nananatili ito roon, mananatili ang mga tao ng Israel sa kanilang kampo at hindi maglalakbay. Ngunit kapag tumaas ang ulap, nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay.
23 곧 그들이 여호와의 명을 좇아 진을 치며 여호와의 명을 좇아 진행하고 또 모세로 전하신 여호와의 명을 따라 여호와의 직임을 지켰더라
Maaari silang magkampo sa utos ni Yahweh at maglalakaby sa kaniyang utos. Sinusunod nila ang utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

< 민수기 9 >