< 나훔 2 >
1 파괴하는 자가 너를 치러 올라왔나니 너는 산성을 지키며 길을 파수하며 네 허리를 견고히 묶고 네 힘을 크게 굳게 할지어다
Ang siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ay parating na laban sa iyo. Maglagay ng bantay sa mga pader ng siyudad, bantayan ang mga kalye, palakasin ang iyong mga sarili, tipunin ang iyong mga hukbo.
2 여호와께서 야곱의 영광을 회복하시되 이스라엘의 영광 같게 하시나니 이는 약탈자들이 약탈하였고 또 그 포도나무 가지를 없이 하였음이라
Sapagkat pinanunumbalik ni Yahweh ang pagkamaharlika ni Jacob, tulad ng kamaharlikaan ng Israel, kahit na sinira ang mga ito ng mga mandarambong at winasak ang mga sanga ng puno ng kanilang ubas.
3 그의 용사들의 방패는 붉고 그의 무사들의 옷도 붉으며 그 항오를 벌이는 날에 병거의 철이 번쩍이고 노송나무 창이 요동하는도다
Pula ang mga kalasag ng kaniyang mga magigiting na lalaki at nakadamit ng matingkad na pula ang mga matatapang na lalaki; kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe sa araw na iyon na sila ay nakahanda, at ang mga sibat na saypres ay iwinagayway sa hangin.
4 그 병거는 거리에 미치게 달리며 대로에서 이리 저리 빨리 가니 그 모양이 횃불 같고 빠르기 번개 같도다
Rumaragasa ang mga karwahe sa mga lansangan; mabilis silang pumaroo't pumarito sa mga maluluwang na mga lansangan. Para silang mga sulo, at tumatakbo sila na parang mga kidlat.
5 그가 그 존귀한 자를 생각해 내니 그들이 엎드러질 듯이 달려서 급히 성에 이르러 막을 것을 예비하도다
Tinatawag ng siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ang kaniyang mga pinuno; natitisod sila sa isa't isa sa kanilang paglakad; nagmamadali sila upang lusubin ang pader ng lungsod. Inihanda na ang malaking kalasag upang pangalagaan itong mga manlulusob.
Pilit na binuksan ang mga tarangkahan sa mga ilog, at ang palasyo ay babagsak sa pagkawasak.
7 정명대로 왕후가 벌거벗은 몸으로 끌려가며 그 모든 시녀가 가슴을 치며 비둘기 같이 슬피 우는도다
Hinubaran ng damit ang reyna at dinala siya palayo, nanaghoy ang kaniyang mga lingkod na babae na parang mga kalapati, dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
8 니느웨는 예로부터 물이 모인 못 같더니 이제 모두 도망하니 서라 서라 하나 돌아보는 자가 없도다
Ang Ninive ay parang isang lawa ng tubig na tumatagas, kasama nitong tumatakas ang kaniyang mga tao na parang rumaragasang tubig. Sumisigaw ang iba, “Tumigil kayo, tumigil kayo,” ngunit walang lumilingon.
9 은을 노략하라 금을 늑탈하라 그 저축한 것이 무한하고 아름다운 기구가 풍부함이니라
Kunin ninyo ang sinamsam na pilak, kunin ninyo ang sinamsam na ginto, sapagkat wala itong katapusan, ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive.
10 니느웨가 공허하였고 황무하였도다 거민이 낙담하여 그 무릎이 서로 부딪히며 모든 허리가 아프게 되며 모든 낯이 빛을 잃도다
Walang nakatira sa Ninive at nawasak. Natutunaw ang puso ng lahat, nag-uumpugan ang mga tuhod ng bawat isa, at ang nagdadalamhati ang bawat isa, maputlang lahat ang kanilang mga mukha.
11 이제 사자의 굴이 어디뇨 젊은 사자의 먹는 곳이 어디뇨 전에는 수사자 암사자가 그 새끼 사자와 함께 거기서 다니되 그것들을 두렵게 할 자가 없었으며
Nasaan na ngayon ang lungga ng mga leon, ang lugar kung saan pinapakain ang mga batang leon, ang lugar kung saan dumadaan ang leon at ang babaeng leon, kasama ang mga batang leon, kung saan wala silang kinatatakutan?
12 수사자가 그 새끼를 위하여 식물을 충분히 찢고 그 암사자를 위하여 무엇을 움켜서는 취한 것으로 그 굴에 채웠고 찢은 것으로 그 구멍에 채웠었도다
Niluray ng leon ng pirara-piraso ang kaniyang biktima para sa kaniyang mga anak, sinakmal niya ang mga biktima para sa kaniyang mga asawang leon, at pinupuno ang kaniyang kuweba ng mga biktima, puno ang kaniyang mga lungga ng mga nilapang patay na hayop.
13 만군의 여호와의 말씀에 내가 네 대적이 되어 너의 병거들을 살라 연기가 되게 하고 너의 젊은 사자들을 칼로 멸할 것이며 내가 또 너의 노략한 것을 땅에서 끊으리니 너의 파견자의 목소리가 다시는 들리지 아니하리라 하셨느니라
“Masdan mo, ako ay laban sa iyo”, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. “Susunugin ko ang iyong mga karwahe sa usok at lalamunin ng espada ang iyong mga batang leon. Ihihiwalay ko ang iyong mga sinamsam mula sa iyong lupain at hindi na maririnig ang mga tinig ng iyong mga mensahero.”