< 여호수아 9 >
1 요단 서편 산지와 평지와 레바논 앞 대 해변에 있는 헷 사람과 아모리 사람과 가나안 사람과 브리스 사람과 히위 사람과 여부스 사람의 모든 왕이 이 일을 듣고
Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo—
2 모여서 일심으로 여호수아와 이스라엘로 더불어 싸우려 하더라
nagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng isang pamumuno, para magkipagdigma laban kay Josue at Israel.
3 기브온 거민들이 여호수아의 여리고와 아이에 행한 일을 듣고
Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
4 꾀를 내어 사신의 모양을 꾸미되 해어진 전대와 해어지고 찢어져서 기운 가죽 포도주 부대를 나귀에 싣고
gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos.
5 그 발에는 낡아 기운 신을 신고 낡은 옷을 입고 다 마르고 곰팡이 난 떡을 예비하고
Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.
6 그들이 길갈 진으로 와서 여호수아에게 이르러 그와 이스라엘 사람들에게 이르되 우리는 원방에서 왔나이다 이제 우리와 약조하사이다
Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, “Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
7 이스라엘 사람들이 히위 사람들에게 이르되 너희가 우리 중에 거하는 듯하니 우리가 어떻게 너희와 약조할 수 있으랴
Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel sa mga Hivita, “Marahil kayo ay naninirahan sa malapit sa amin. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?”
8 그들이 여호수아에게 이르되 우리는 당신의 종이니이다 여호수아가 그들에게 묻되 너희는 누구며 어디서 왔느뇨
Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod.” Sinabi ni Josue sa kanila, “Sino kayo? Saan kayo nagmula?”
9 그들이 여호수아에게 대답하되 종들은 당신의 하나님 여호와의 이름을 인하여 심히 먼 지방에서 왔사오니 이는 우리가 그의 명성과 그가 애굽에서 행하신 모든 일을 들으며
Sinabi nila sa kaniya, “Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
10 또 그가 요단 동편에 있는 아모리 사람의 두 왕 곧 헤스본 왕 시혼과 아스다롯에 있는 바산 왕 옥에게 행하신 모든 일을 들었음이니이다
at lahat ng bagay na ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—kay Sihon hari ng Hesbon, at kay Og hari na Bashan na naroon sa Astarot.
11 그러므로 우리 장로들과 우리 나라의 모든 거민이 우리에게 일러 가로되 너희는 여행할 양식을 손에 가지고 가서 그들을 맞아서 그들에게 이르기를 우리는 당신들의 종이니 청컨대 이제 우리와 약조하사이다 하라 하였나이다
Sinabi sa amin ng aming nakatatanda at lahat ng naninirahan sa aming bansa, 'Magdala kayo ng mga pagkain sa inyong mga kamay para sa paglalakbay. Lumakad kayo at salubungin sila at sabihin sa kanila, “Kami ay inyong mga lingkod. Gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
12 우리의 이 떡은 우리가 당신들에게로 오려고 떠나던 날에 우리들의 집에서 오히려 뜨거운 것을 양식으로 취하였더니 보소서 이제 말랐고 곰팡이 났으며
Ito ang aming tinapay, mainit pa ito nang kinuha namin sa aming mga bahay sa araw na aming itinakdang pumunta rito sa inyo. Pero ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at inaamag.
13 또 우리가 포도주를 담은 이 가죽 부대도 새 것이더니 찢어지게 되었으며 우리의 이 옷과 신도 여행이 심히 길므로 인하여 낡아졌나이다 한지라
Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay.”'
14 무리가 그들의 양식을 취하고 어떻게 할 것을 여호와께 묻지 아니하고
Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
15 여호수아가 곧 그들과 화친하여 그들을 살리리라는 언약을 맺고 회중 족장들이 그들에게 맹세하였더라
Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
16 그들과 언약을 맺은 후 삼 일이 지나서야 그들은 근린에 있어 자기들 중에 거주하는 자라 함을 들으니라
Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
17 이스라엘 자손이 진행하여 제삼일에 그들의 여러 성읍에 이르렀으니 그 성읍은 기브온과 그비라와 브에롯과 기럇여아림이라
Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.
18 그러나 회중 족장들이 이스라엘 하나님 여호와로 그들에게 맹세한 고로 이스라엘 자손이 그들을 치지 못한지라 그러므로 회중이 다 족장들을 원망하니
Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno.
19 모든 족장이 온 회중에게 이르되 우리가 이스라엘 하나님 여호와로 그들에게 맹세하였은즉 이제 그들을 건드리지 못하리라
Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, “Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.
20 우리가 그들에게 맹세한 맹약을 인하여 진노가 우리에게 임할까 하노니 이렇게 행하여 그들을 살리리라 하고
Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
21 무리에게 이르되 그들을 살리라 하니 족장들이 그들에게 이른 대로 그들이 온 회중을 위하여 나무 패며 물 긷는 자가 되었더라
Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22 여호수아가 그들을 불러다가 일러 가로되 너희가 우리 가운데 거주하거늘 어찌하여 우리는 너희에게서 심히 멀다 하여 우리를 속였느냐
Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, “Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin?
23 그러므로 너희가 저주를 받나니 너희가 영영히 종이 되어서 다 내 하나님의 집을 위하여 나무 패며 물 긷는 자가 되리라
Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.”
24 그들이 여호수아에게 대답하여 가로되 당신의 하나님 여호와께서 그 종 모세에게 명하사 이 땅을 다 당신들에게 주고 이 땅 모든 거민을 당신들의 앞에서 멸하라 하신 것이 당신의 종에게 분명히 들리므로 당신들을 인하여 우리 생명을 잃을까 심히 두려워하여 이같이 하였나이다
Sumagot sila kay Josue at sinabi, “Dahil sinabi ito sa inyong mga lingkod na inutusan ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang lingkod na si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain, at wasakin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa iyong harapan—kaya labis kaming natakot para sa aming mga buhay dahil sa inyo. Kaya iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin ang bagay na ito.
25 보소서 이제 우리가 당신의 손에 있으니 당신의 의향에 좋고 옳은 대로 우리에게 행하소서 한지라
Ngayon, tumingin ka, hawak mo kami sa iyong kapangyarihan. Anuman ang palagay ninyong mabuti at tama para gawin ninyo sa amin, gawin ito.”
26 여호수아가 곧 그대로 그들에게 행하여 그들을 이스라엘 자손의 손에서 건져서 죽이지 못하게 하니라
Kaya ginawa ito ni Josue para sa kanila: tinanggal niya sila sa pamamahala ng bayan ng Israel, at hindi nila pinatay ng mga Israelita.
27 그 날에 여호수아가 그들로 여호와의 택하신 곳에서 회중을 위하며 여호와의 단을 위하여 나무 패며 물 긷는 자를 삼았더니 오늘까지 이르니라
Sa araw na iyon ginawa ni Josue ang mga Gabaonita na mga pamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa komunidad, at para sa altar ni Yahweh, hanggang sa araw na ito, sa lugar na pinili ni Yahweh.